27

411 79 4
                                    




"Hey Bry! Tingin mo ba may kulang pa sa mga pinamili natin?" tanong ko sa kanya ng makalabas kami ng grocery store dito sa mall.


He let out a small laughed. "Sobra-sobra pa nga 'to Miru. Hindi ko na tuloy alam kung para pa ba 'to sa cooking competition o para na sa isang buwan na budget mo."


Napanguso naman ako ng dahil 'don at inakmang kukunin ang mga plastic nitong dala ngunit mabilis niya din itong iniwas.


"Anong ginagawa mo?"


"Ako na magdadala mukhang nabibigatan ka na kaya ganyan ka kung magreklamo." ani ko saka sinubukan muling kunin ang bitbit nito ngunit mabilis lamang niya itong inilayong muli.


"Binibiro lang naman kita." aniya sa mababang tinig kaya naman ini-angat ko ang tingin sa kanya.


Sa paglingon ko dito ay sakto namang pagbaba nito ng tingin sakin kaya naman magkalapit ang mga mukha namin ngayon. Hindi ko alam pero tila ba huminto ng sandali ang paligid sa pagtama ng mga mata namin.


Mas lalo pa 'kong nawala sa sarili ko ng dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin. Gusto kong lumayo mula dito ngunit hindi ko magawang igalaw ang alin man sa parte ng katawan ko. My goodness! Nasa mall kami at alam kong sa sitwasyon namin ngayon ay mayroon ng mga matang nakatingin samin.


Ngunit imbis na pag-layo mula dito ang gawin ay ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang iginawad niya saking halik.


"Sevilla." isang malamig na tinig ang nagpabalik sakin sa sarili ko.


Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na 'yon at tama nga ako. Si Avo at tulad ng palaging tagpo ay magkasama sila ni Louisse. Napakunot naman ang noo ko ng mapansin ang lungkot sa mukha nito habang ang mga mata ay nasa direksyon ni Bryan.


"Hernandez." ganting tawag naman ni Bryan dito habang may mapaglarong ngiti sa kanyang labi.


Kita ko naman ang paglatay ng inis sa mukha ni Avo ng kunin ni Bryan ang kamay ko upang hawakan ito ng mahigpit. Gusto ko mang bawiin ngunit mas mainam na ang ganito dahil pakiramdam ko para akong nililitis sa mga tingin ni Avo sakin.


"Kung wala kang sasabihin, mauuna na kami." muling sabi ni Bryan ng hindi ito nagsalita.


Nagsimula na kaming maglakad at lalampasan na sana namin sila ng biglang may humawak sa braso ko. Tinignan ko si Avo at nagtama ang mga mata namin.


Dahan-dahan kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.


"Hanggang dito talaga dinala mo ang kalandian mo 'no?" rinig kong sabi ni Louisse mula sa gilid ni Avo.


I composed myself before looking at her and gave her my sarcastic smile.


BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now