16

367 77 2
                                    




"Mich matagal ka pa ba dyan? Pakibilisan naman, please. I'm going to pee." maktol ni Angel na nakaabang sa may pinto ng cr.


Intramurals na namin ngayon kaya naman abala kami sa paghahanda para sa parade namin. Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa salamin.


"Okay na ba ang ayos ko?" tanong ko kay Avo na ngayon ay kararating lang.


"You look perfect as always Kapitana ko." sabi nito bago ako niyakap mula saking likuran.


"Bolero mo naman, Mr. Hernandez." natatawang tugon ko.


"Ikaw lang naman ang binobola ko, Mrs. Hernandez." bumilis naman ang kabog ng dibdib ko sa naging sagot niya.


Mrs. Hernandez? sounds good.


"Hay jusko ka akala ko wala ka ng planong lumabas bruha ka talaga!" sigaw ni Angel sa kalalabas lang na si Mich.


"Akala ko ba gagamit ka ng cr, bakit nagbubunganga ka lang dyan at hindi ka nakilos?" nakapamewang na sagot naman sa kanya nito.


"Tse!" tanging reaksyon ni Angel dito at natatawang pumasok na ng cr.


"You look hot to your outfit twin." manghang sabi ko matapos kong pasadahan ng tingin si Mich.


She rolled her eyes on me.


"Kung bakit ba naman kasi may pa t-shirt pa kayong nalalaman. Ang baduy naman, sa totoo lang mas gusto ko pa yang kagaya ng suot niyo" maktol nito na ikinatawa ko ng bahagya.


"What do you expect then? Na kami ang magsusuot niyang Mr. and Mrs. Jaguars na yan?"


"I didn't say anything like that." naiinis na sabi nito. 


"Ang akin lang MS. naman sana ang nilagay niyo sa susuotin ko at hindi MRS." maktol niya pa.


"Bakit sakin ka naiinis eh hindi naman ako ang nagpasuot niyan sayo?" natatawa ako sa reaksyon niya.


Sino nga ba naman kasi ang hindi maiinis? Kung ang labas ng suot nilang dalawa ni Chris ay mag-asawa sila pero tama naman din kasi ang naging rason ng na assign sa parade outfit nila. Dagdag kilig factor 'yon para sa kanilang dalawa medyo nakakahiya nga lang kasi self proclaimed na misis siya nito.


"Pwede bang hindi na lang ako sumama sa parade? Masakit paa ko saka ano namang gagawin namin dun eh maglalakad lang naman kami. Mae-expose lang ang beauty ko pag nagkataon." reklamo uli nito.


"Try mo kayang sabihin kay ma'am Sanchez yan." pangaasar ko dito.


"No way...yung matandang 'yon sobrang sungit parang nung nagpaulan ng kasungitan siya sumalo sa lahat." nakabusangot na tugon nito.


BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now