23

426 77 0
                                    




"It's not true. Because if it is, then I shouldn't be suffering for almost three years. Three damn years Mikay." a tear fell from his eyes. "So don't act like you know everything because you don't."


Mapaklang ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Yah. Tama ka naman 'don, but how about you? Are you aware how much Gab loves you? Nakikita mo din ba lahat ng sakripisyo niya para sayo?"


Hindi siya sumagot. Nanatili ang mga mata niyang nakatingin sakin.


"See? Hindi mo din alam. Parehas lang tayo Stan, parehas lang tayong hindi nakatuon sa mga taong nagmamahal sa'tin dahil iba ang gusto natin. Sinasabi ko 'to sayo dahil alam kong may pag-asa ka pa, wag mong sayangin si Gab. She loves you more than what you think."


Pagkasabi ko 'non ay agad kong tinungo ang kinaroroonan ng bag ko. Muli ko siyang tinignan ngunit hindi gaya kanina, nakayuko na lang ito ngayon.


"Take a rest Stan. Masyadong nakakapagod ang araw na 'to para sayo." tuluyan ko ng sinarado ang pinto ngunit ganon na lamang ang gulat ko ng makita ang lalaking nakatayo ngayon sa harap ko.


Anong ginagawa niya dito?


Nang makabawi ay iniwas ko ang paningin ko at mabilis na naglakad patungo sa elevator. Ramdam ko naman ang pagsunod nito sakin.


"I thought you're going to sleep with him." ani niya at bakas sa boses nito ang galak.


Nanatili akong tahimik. Ayoko siyang makausap dahil wala na kaming dapat na pagusapan pa.


"Hindi mo pa rin ba 'ko kakausapin?" muling tanong niya. "Look-"


"Avo...There's nothing to talk about, did you forgot it?" putol ko sa kanya.


Ayoko ng marinig pang muli ang mga sasabihin niya. Lahat ng lumalabas sa bibig niya ay sakit lang ang dulot sakin. Hindi ko na kaya.


Narinig ko ang paghinga niya ng malalim ngunit hindi na din siya muling nagsalita pa. Hanggang sa nagbukas na ang elevator. Kung minamalas ka nga naman kaming dalawa lang ang sakay nito.


"Do you like him?" out of nowhere na tanong nito.


Kagaya kanina ay nanatili na lamang akong tahimik. Wala na din namang patutunguhan ang paguusap namin kaya para saan pa?


"Ahhh!" hindi ko napigilan ang sarili kong sumigaw sa biglaang pagkamatay ng ilaw.


Kung hindi ako nagkakamali ay huminto din ang elevator ngunit sarado pa din ito. Samantalang pinakiramdaman ko si Avo, hindi ko siya makita sa sobrang dilim at wala din akong nakuhang reaksyon mula dito.


Kinapa ko ang loob ng bag ko upang hanapin ang cellphone ko at ng makita ito ay mabilis ko itong binuksan upang tumawag sana kay Michelle kaya lang no service ang nakalagay. Huminga ako ng malalim at itatabi na sana ang cellphone ko ng maaninag ko si Avo ng dahil sa liwanag nito.

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon