Season 2 - Chapter 2 *Lance's past!*

13.2K 139 12
                                    

*A/N: Wala po munang Kathniel scene dito ah. Babawi ako ng bongga next chapter! XD Bigyan naman natin ng scenes yung ibang characters. Thanks readers. Happy 31K reads! <3

---------------

Season 2 - Chapter 2


Kath's POV



Pagka uwian na pagka uwian, nagmamadali akong tumakas dahil baka makita ako ni bakla at ni Sharmane. Alam mo naman yung dalawang yun, gusto mag boy hunting. Eh pano nalang pag nalaman nilang ako yung girlfriend ni Dj diba? Edi riot yun. =___=

Nagpaalam din naman ako kay DJ na kailangan ko ng umuwi, may mall tour pa siya sa Bacolod kaya hindi niya na ko pinasama. Hindi ako sa main lobby ng school dumaan, kundi sa may soccer field para hindi ako makita nung dalawang yun. ^_^ 

Naglalakad ako sa soccer field, ng makita ko si Lance na naka busangot yung mukha na akala mo eh namatayan ng alagang ipis sa bahay. Naka upo siya sa benches ng field at naka salumbaba. At dahil may awa ako sa kapwa, nilapitan ko siya at tinabihan dun.

"Psst! Anong problema?" sabay tapik ko sakanya sa braso.

"Pag sinabi kong ikaw, anong gagawin mo?" napakamot naman ako sa ulo ko.

"Ikaw na nga tutulungan eh!!" tapos aalis na sana ko ng pigilan niya ko.

"Eto naman, parang di mabiro. Kath, hindi mo paba alam yung chismis? Kilala mo si Andrew?"

"Ha? Parang familiar yung pangalan, pero sino nga ba yun?"

"Yung kalaban ni DJ sa mga movies, tv shows at kung ano ano pa."

"ah! yung nasa kabilang station? Oh bakit? Ano tungkol sakanya?"

"Nanliligaw siya kay Jillianne." sabay bumuntong hininga siya. "Kath, wala na kong pag asa."

"Hello? Pano ka naman mawawalan ng pag-asa kung hindi mo pa naman sinusubukan? Alam mo Lance, kaming mga babae nahihiya kaming magpa kita ng motibo sa lalaking gusto namin dahil sa nahihiya kami. Conservative, ika nga. Kaya dapat kayong mga lalaki, kayo yung gumagawa ng move."

"Eh diba nga, hindi siya nag boboyfriend dahil sa inaakala niya lahat ng lalaki lolokohin siya?"

"Oh, edi patunayan mo sakanya na hindi lahat ng lalaki ganun. Sinabi ko na sayo to dati eh! Pa ulit ulit? Gusto mo bang ilapit na kita kay Papa Jack?"

"Natatakot lang naman kasi ako eh!"

"teka nga, san ka ba mas natatakot? Sa hindi ka nya mahal o sa rejection?"

"Pwede bang both?"

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon