Chapter 39 *First heart break! </3*

13.4K 174 54
                                    

Dedicated to: 'SuperDen' ng dahil sa mga nakaka touch na comments niya. Thanks po! >:D<

*A/N: Etong chapter na ito ay napakadrama. Kaya sana wag nyo ko batuhin sa mga kadramahan ko sa chapter na to. XD *Tago sa likod ni Daniel Padilla* Lol! Hahaha! 

Make sure nabasa niyo yung chapter 38 before this ng dahil sa hindi nyo to maiintindihan pag di niyo yun nabasa. XD

Vote and comment. <3

----------------------

Chapter 39

 

Kath's POV

Madaling araw na ng makarating ako sa bahay namin dito sa province. Gulat na gulat naman sila papa kung bakit umuwi ako ng ganitong oras.

"Anak, napa uwi ka ata ng wala sa oras. Wag mo sabihing pinalayas ka sa apartment mo?"

"Hindi po Ma, Masama na po ba mag bakasyon paminsan minsan? Miss ko napo kayo eh. Tsaka hindi po ako nakauwi nung sembreak eh."

Hinawakan naman ako sa kamay ni mama, "Pasensya kana anak ah, gipit na gipit kasi sila mama ngayon. Alam mo naman na may dumating na bagyo kaya nasayang yung mga tanim namin at hindi nabenta. Pasensya kana kung kinailangan naming manghingi ng pera na pinag hirapan mo. Nahihiya na nga kami sayo ng papa mo eh.."

"Ayos lang po yun, ang mahalaga po nakauwi napo ako ngayon. Sige po, magpapahinga lang po muna ako sa kwarto ko. Nakakapagod po kasi yung byahe eh." gusto ko ngumiti sa harap nila mama para hindi na sila mag alala sakin, pero hindi ko magawa. =___=

Ilang oras nakong andito sa kwarto ko. Iniisip ko parin yung mga nangyari. Iniisip ko kung ano nalang kaya magiging reaction ni DJ pag nalaman niyang umalis ako. Ano ba tong nangyayari? Hindi naman kami ganito dati, masaya kami lagi. Magkasama kami lagi na parang walang problema, tapos eto kami ngayon daig pa mga bida sa MMK sa sobrang kadramahan ng buhay namin. Para kaming yung mga nasa teleserye na pilit pinaghihiwalay. T__T

Sa sobrang lungkot ko, at halos pinapatay nako ng utak ko sa pag iisip, lumabas muna ako ng kwarto para antayin yung sunrise sa labas ng bahay. Madaling araw na eh, gusto ko matulog pero hindi ko magawa dahil hindi parin ako pinapatigil ng utak ko sa pag iisip.

Habang naka upo ako, naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. At pag tingin ko, si mama yun.

"Anak, gusto ko yung totoo ha. Anong problema? Alam kong meron. Alam mong andito ako para sayo, kaya sabihin mo na sakin." napayakap naman ako kay mama at naiyak nalang ako ng basta basta ng marinig ko yun mula sakanya.

"Mama, bakit kailangan mo lumayo sa taong masaya ka pag kasama mo? Importante po ba yung estado sa buhay para lang maging karapat dapat ka sa isang tao? Bakit ganun? Bakit hindi nalang tayo pwedeng maging masaya? Bakit kailangan laging may dumadating na problema?"

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon