Chapter 4. *The jealous bad boy*

21.7K 278 22
                                    

Chapter 4. 


Daniel's POV


"Bro! San ka ba galing kahapon? Linggong linggo wala ka sa bahay niyo ah! Pumunta ako dun. Aba aba! wag mo sabihin saking may dinedate ka na ha!" umagang umaga, pang aasar na naman inabot ko sa Lance na to!

"Maniniwala ka ba sakin kung sasabihin ko sayo na pumunta kong Divisoria kahapon?"

"Divisoria? Ikaw bro?! Hanep ah! iba na mga trip mo ngayon."

"Ang saya pala bro pumunta sa mga simpleng lugar. Grabe! kung nakita mo lang kung ano yung adventure na nangyari samin nung amazona na yun!"


"Eh kaya naman pala masaya eh, kasama mo naman pala yung amazona na yun eh! Malakas na tama mo dun bro!"


"Tama ka dyan? Eh kung tamaan ka kaya sakin?!"


"tss. Sige ka. I-deny mo pa. Type ko pa naman yun, pag inunahan kita dun, wala ng bawian ah."


"Gagi! Dun ka na nga sa classroom niyo! Nang gugulo ka lang dito eh!"

 Maya maya hindi pa nakaka alis si Lance na nangangapit bahay este nangangapit classroom eh dumating na si amazona! Bat ngayon lang dumating to? Malapit na mag bell ah! Hindi naman nalelate to eh. Teka teka! Ano nga bang pake ko?! =___=

Hinarang niya si Lance bago palang maka labas si Lance, may inabot siya. Yung tshirt at jacket. yun ata yung pinahiram sakanya ni Lance nung natapunan siya?

"Eto. Thank you Lance ah. Nilabhan ko na yan. Salamat talaga." sabay ngumiti pa siya. Ang ganda nya pala ngumiti! Minsan lang to ngumiti, madalas kasi highblood to pag ako kausap eh. Teka! Bakit pag si Lance nginingitian niya tapos ako, puro simangot yung sinasalubong sakin?

"Walang anuman miss beautiful." aba! at kumindat pa tong Lance na to kay Kath tapos ngumiti sakin na parang nang aasar! Eh bakit nga ba ko na aapektuhan? Ano bang pake ko kung pormahan niya man yang amazona na yan?!

Bahala na! Kukulitin ko na nga lang yung amazona na yan!!

-------------

Kath's POV

"Hoy miss Kath! Himala ata ah. Muntik ka ng ma late ngayon." AHHHH! Ang aga aga pag tritripan na naman ako ng lalaking to. Kelan ba tatahimik buhay ko.  =____=

"Pwede ba! Wag mo muna kong bwisitin ngayon. Marami akong problema kaya pwede back off ka muna kung ayaw mong masipa ulit!"

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon