SPECIAL CHAPTER 1: *Let the parents know.*

11.5K 166 23
                                    

*A/N: HELLO! Wassup people. echos! XD Here it is!!! ♥ I'm in love with a heartthrob first special chapter. Please do read the author's note at the end of this update. Thank you! <3

VOTE and COMMENT. <3

------------------------

Special Chapter 1

Author's POV

 After mag propose ni Daniel, magka hawak kamay silang sumakay ng sasakyan. Parehas sila ng nararamdaman. Parehas silang sobrang saya ng dahil sa sobrang pagmamahal nila sa isa't isa. Sobrang dami na nilang pinagdaanan, pero heto sila at handa ng harapin lahat ng bagay ng magkasama.

"Sir-- este, Daniel. San tayo pupunta?" Tanong agad ni Kath pagka sakay niya sa loob ng kotse.

"Pupunta tayo sa family mo Kath. Ipapa alam na natin sakanila na magpapa kasal na tayo. Tsaka pwede ba, kalimutan mo na yang pag tawag mo sakin ng sir. Honey pwede na sakin!" sabay kumindat pa siya.

"Gusto mo ng suntok?! Honey ka dyan. Ano ka si Winnie the Pooh?" Napahinto si Kath ng marealize niya na pupunta sila sa family niya. Natatakot kasi siya na baka hindi sila pumayag sa decision nila na magpakasal. Napansin naman ni DJ na biglang natahimik si Kath kaya hinawakan niya ito sa kamay.

"Kath? May problema ba?"

"Daniel.." huminto siya sandali at parang nag iisip. "Pano kung.. Pano kung hindi sila pumayag? Pano pag ayaw nila? Pano kung--"

"Kath.." This time, hinawakan ni DJ yung magka bilang pisngi ni Kath. "Gagawin ko lahat para mapapayag ko sila. Kung kailangang lumuhod ako sa harap nila, maniwala ka. Gagawin ko!"

"Eh? Wag! Ayoko namang gawin mo yun." 

"Sa dami ng pinagdaanan natin, hindi na ko papayag na may pumigil pa sating dalawa. Natatandaan mo ba yung promises ko sayo? lahat yun gusto kong matupad. Siguro medyo late na, pero willing parin akong tuparin lahat ng yun. Kaya handa akong gawin lahat mapa payag ko lang sila. Kahit pasigawin pa nila ko ng Darna katulad ng pinagawa mo sakin dati. Kahit pa nga siguro palunukin nila ko ng bato ni Darna eh!"

"Hahaha! sira ulo! Naaalala mo pa pala yun? Wag kang mag alala. Hindi ka nila papalunukin ng bato ni Darna. Dahil baka hollowblocks ipalunok nila sayo! Bwahaha echos! Pero Daniel, Sobrang cheesy mo!" 

"Eh?" bigla siyang napatigil ng dahil sa hiya na naramdaman niya. "Nakuha pa nitong mang asar! Kita na ngang nag momoment ako dito eh! Amazona ka talaga!" sabi niya sabay nag pout sa harap ni Kath na parang bata.

"Hahaha! Ang cute mo. Kahit na amazona ako, mahal mo parin naman ako diba?"

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon