Season 2 - Chapter 27 *Signs*

11.9K 129 28
                                    

*A/N: Don't forget to vote and comment.

----------------

Kath's POV

Umagang umaga palang, pinapatawag na agad ako ng boss ko. Hinanda ko na yung coffee niya at pumunta na sa office niya. 

 "Good Morning sir. Coffee." tapos nilapag ko yung kape sa lamesa. Tapos binuklat ko yung folder na hawak ko na may mga appointments niya.

"Sir, remember you have business meeting with Mr. Simtoco and other investors at Tagaytay tonight at 7 pm."

"Ready naba yung presentations? Naayos naba nila?"

"Yes sir. Everything's set."

"Gusto ko sanang samahan mo ko. We're going to leave at exactly 5 pm." Eh ano pa nga bang magagawa ko? 

"Okay sir."

"Hmm, Miss Ka-- I mean, Miss Bernardo, I am doing a background check sa lahat ng mga employees ko. And since ikaw yung mas madalas na nag iinteract sakin, I want to start with you. Sit down here please." umupo ako sa upuan na nasa tapat ng table niya. Yumuko ako at tumingin sa mga kamay ko. Ayokong makipag eye contact sakanya. Hindi ko kaya. =___=

"You didn't graduate with honor. Why is that so? Eh dati ang--" pinutol ko yung sasabihin niya at nagsalita agad. Ayokong balikan niya pa yung dati.

"I had to double, triple my part time job nung mga panahon na yun. Kailangan kasi talaga eh. Mahirap mag trabaho habang nag aaral at the same time, marami ka pang problema na iniisip." Napabuntong hininga siya at may nilapag na folder sa lamesa niya. Hindi ko parin siya tinitignan dahil hindi ko kaya.

"Miss Bernardo, Don't you know the importance of having eye contact in the business world?" nung marinig ko yun, inangat ko yung ulo ko at tumingin ako sakanya. Nang gawin ko yun, nakita kong hindi lang ako yung nailang kundi siya din. Kinuha niya ulit agad yung folder tapos parang may binasa dun.

"Based on your record, you worked sa ticketing office sa airport. Why did you?" Huminga ako ng malalim. Uwaaa! Sobrang akward naman nito. -__-

"Nag trabaho po ako dun, kasi may inaantay po akong tao na bumalik. Nag trabaho ako dun sa kahit anong posisyon. Umaasa kasi ako nun na babalik pa siya at gusto kong ako yung unang taong sumalubong sakanya pag nagkataon. Pero wala eh. Isang taon na at kalahati yung dumaan, hindi na siya bumalik. 5 years and a half ko na siyang inaantay nun, pero wala talagang bumalik. Sadyang nakalimutan nya na po siguro ako." tapos naramdaman ko na umiiyak na naman ako. For pete's sake, tamang ng iyak Kath!! 

Pinunasan ko yung luha ko at nagulat ako ng may biglang bumukas ng pinto. May pumasok na babae at kung hindi ako nagkakamali, siya si Katherine. Yung nakasalubong ko kailan lang. Dirediretso siyang pumasok at may dala siyang paper bag. Lumapit siya kay Daniel at hinalikan niya ito sa pisngi.

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon