Season 2 - Chapter 4 *Mr. and Ms. Cupid! :)*

12.9K 154 15
                                    

Dedicated to: mhaki_timba here's your request.  Thanks for reading. :)

*Author's note: Please watch the video located at the right. Trailer of this story, made by me! XD Sorry kung medyo may pagka fail dahil hindi naman talaga ako marunong. :D :D

Sa mga may ayaw ng Jillianne at Lance love team, wag nyo nalang basahin tong chapter na to.  Ayaw nyo naman silang bigyan ng moment eh. >___<

--------------------------------

Kath's POV

2nd week na ng school namin. Lagi kong nakikita si Lance na malungkot sa campus at parehas kami ni DJ na hindi na makatiis. Kaya napag isipan namin na gawin na yung first step. Papunta ako ngayon kay Jillianne at si Daniel naman si Lance yung pupuntahan. Nag decide kami na sa weekend yung date ng dahil sa baka busy sila sa mga tapings nila.

Pumunta ako sa studio kung nasan andun si Jillianne. Hindi madaling makapasok ah. Buwis buhay! Buti nalang tinulungan ako ni Ariel bakla. 

"Bakla! Sige na. Gusto ko lang talaga maka usap si Jillianne. PUHLEASE?"

"Eh may TV commercial shoot pa nga ang lola mo eh. Wait mo nalang siya ditey! Echusera ka girl, namiss talaga kita."

"Kung miss mo ko, gawan mo ng paraan na makausap ko si Jillianne. Matagal ba yung shoot nila?"

"Oo matagal. Yung tipong lola kana, hindi pa siya tapos!"

"Ehhh. Gawan mo naman ng paraan na maka usap ko siya after nung shoot."

"At bakit ko naman gagawin yun, aber?" pang aasar pa sakin ni Bakla. =___=

An idea strucked me!!

"Bakla, alam mo.. pwede akong kumuha ng t-shirt na kaka hubad lang ni DJ. Yung may pawis pawis pa! Pwede mo yun amoy amuyin pag gabi!" ay potek. Ano ba yung nasabi ko. =___=

At effective naman dahil parang nangisay sa kilig si Bakla, "Ayoko ng t-shirt! Gusto ko ng kaka gamit lang na brief. Pretty pleaaseeee?!" tapos nag puppy eyes pa siya kaya binatukan ko nga!

 

"Gagi to! Manyakis! Pagnasaan daw ba ng ganun yung boyfriend ko?!"

"Hang damot naman neto! Osige sige, payag nako sa t-shirt! Yung bagong hubad ah. Dapat i-sealed mo para hindi lumabas yung delicious na amoy!"

"Hahaha kaloka ka! Oo na. Sige na, gawan mo na ng paraan na maka usap ko si Jillianne."

"Atat lang? Mauna kana kaya? Hahaha! Sige na nga, alang alang sa katas ni papa Daniel ko gagawan ko na ng paraan. Kalukey ka!" at tumayo na nga si bakla para siguro gawan nga ng paraan.

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon