Chapter 35 *Planning..*

12.8K 171 11
                                    

Dedicated to: _katrinaacruz thanks po sa mga votes, here's the update already. :)

*A/N: The photo on the multimedia is not mine. Credits to the owner. May part lang kasi dito sa chapter na bagay yung picture kaya ko kinuha. XD Vote and comment. 

----------------------

Chapter 35

Kath's POV

Ilang weeks na yung nakalipas after nung Batangas out of town experience. Syempre, wala padin kaming ibang ginawa ni Dj kundi mag asaran at mag bugbugan araw araw. 

Pero ngayong araw na to, ibang iba si Daniel eh. Pag pasok niya palang kaninang umaga bad mood na agad tapos buong araw naka busangot. 

LUNCH TIME

"Dj! Bakit ba ang lungkot mo at ang haba ng mukha mo ngayong araw na to? Namatayan ka ba ng alagang ipis, ng kuko, ng halaman, aso o ano?"

"Wala to." tapos tinusok nya lang yung burger steak na pinabili niya sakin sa canteen.

"Wala? eh nakaka takot na nga yang mukha mo eh. Lakas makapang halloween eh! Pinabili mo pa ko ng pagkain sa canteen tapos hindi mo naman pala kakainin." =___=

"Eh kasi naman si mama eh sobrang kulit! Gusto ng engrande na party para sa birthday ko. Ano ko? BATA?!!"

"Ayaw mo nun? Ikaw na nga hahandaan ng bongga na party ikaw pa tong choosy? Alam mo bang never pa akong nag birthday party? Maswerte ka nga eh!"

"Hindi naman kasi ganun eh. Magiging masaya naman ako kahit simple lang." lumapit ako sakanya tapos sumalumbaba ako sa harap niya.

"Sige Dj, i-describe mo nga sakin kung anong klaseng birthday party yung gusto mo. Akong bahala!!"

napa buntong hininga siya at sumalumbaba din sa harap ko, "Gusto ko lang makita ulit si papa. Kath, gusto ko na mag sorry sakanya sa lahat ng nagawa ko dati. Naalala ko tuwing birthday ko dati dinadala niya ko sa zoo."

"HAHAHA! Ang ibig mo bang sabihin gusto mo mag Zoo? Halika tara, hindi mo naman sinabi agad na gusto mo puntahan yung mga kapatid mo sa zoo eh."

"Amazona naman eh! Kita ng nag eemote ako dito eh, wag ka ngang epal!"

 

"Epal pa ako ah. Haaay. Simple lang naman yung wish mo, gusto kitang mapasaya sa birthday mo, kaya lang nahihirapan ako. Hindi ko naman alam kung nasan yung papa mo eh." T___T

"Tss! Wala naman ako sinasabing hanapin mo siya eh. Basta ayun lang yung gusto ko kahit imposible. Pero gusto mo ba talagang mapasaya ako sa birthday ko?" tumango naman ako sakanya.

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon