Chapter 23 *My girl.*

14.6K 183 16
                                    

Chapter 23



Kath's POV



 "Wahhh! Wag ka madaya! Ikaw taya eh!"

"Eh ang hirap naman kasi ng bato bato pick na yan eh! Ikaw na taya dali."

"Bakit ako taya? Eh talo ka eh!" nag punta kami dito sa park na alam ko. Nag bato bato pick kami kung sino unang taya, since hindi siya marunong nun, talo siya at siya yung taya. Kaya lang ayaw niyang maging taya eh. Madayaaaa!!! =___=

"Ayokong maging taya. Ayokong hanapin ka. Because a girl like you is impossible to find!" tapos tawa pa siya ng tawa dun dahil sa kakornihan niya.

"Dj, pwede ka ng hulugan ng colt 45 sa kakornihan mo! Hahaha"

"Eh natawa ka nga eh. kasi, dali na! ikaw na maunang taya!" nagtatalo kaming dalawa dun ng biglang may mga grupo ng babae na lumapit samin.

"Daniel? OMG GIRLS! Siya nga!!!" sabi nung isang girl.

"I told you!! Hihihi! DJ! Pa picture naman kami!! Pleaaase??"

"OMG! Ang pogi niya pala lalo sa personal!" ngumiti naman si Daniel tapos pumayag na magpa picture sa mga babaeng nasa harap namin. Halos hindi na nga nila ako napapansin eh. Hello? I exist.

Maya maya, bigla nalang dumami yung mga tao na nakapalibot samin. Natulak tulak narin ako hangga't sa may sumiko na sakin at nadapa ako sa sahig.

"Aray ko naman! Pwedeng mag sorry!" napalakas ata yung pagka sabi ko kaya nag tinginan sakin yung mga tao. Sinilip ko naman ng dahan dahan yung tuhod ko at nakita kong dumudugo. Uwaaaah! T___T 

*panic mode*


*panic mode*

MAMAMATAY NA KO.

Sorry naman OA, ganito kasi talaga ako pag may nakikita akong sugat eh. Pakiramdam ko mamamatay na ko pag ganun. (╥﹏╥)

-----------------------------

Daniel's POV


Hindi pa kami nag sisimulang mag laro, pero dumagsa na yung mga taong nagpapa picture. Tinanggap ko naman yung mga requests nila. Hangga't sa napalibutan na kami ng napakaraming tao. Ni hindi ko na din makita kung nasan naba yung amazona na yun sa dami ng tao eh.


"Aray ko naman! Pwedeng mag sorry!" sinilip ko yung babaeng nag salita at nakita ko si Kath na hawak hawak yung tuhod niya at may sugat.

"Ah? Excuse me. Excuse me lang po." hinawi ko yung mga tao tapos nilapitan ko si kath at hinawakan sa kamay. 

"Sabi sayo mag iingat ka eh!" hinipan ko pa yung sugat niya sa tuhod.

"OMG! SILA BA?"

"Sino yan? May girlfriend na siya?"

"Hindi ko kilala eh. Non-showbiz eh!"

"NO WAY! This can't beeee!!!"

sabi nung mga babaeng nasa paligid ko. =___=

"Kath, tumayo ka na. Kaya mo na ba? Halika na. Gagamutin pa natin yan!" tapos inalalayan ko na siyang tumayo.

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Where stories live. Discover now