Season 2 - Chapter 9. *Christmas Special ♥

11.8K 177 27
                                    

*A/N: Merry Christmas dear readers! Thank you for being with me in my first year on wattpad. I wish you all happiness, more blessings, and love. <3 Yiee! Magka love life nawa tayong lahat... AMEN! :D

Pinilit ko lang talagang mag update ngayon para bumati ng Merry Christmas, Christmas special lang 'to at extra lang sa kwento. Kaya pag pasensyahan kung maiksi yung update. XD

----------------------------

Kath's POV

 Months later.........

Andito na ko sa province, since Christmas na. Nag usap kami ni DJ na wag na muna kami mag sama ngayong Christmas at i-spend nalang namin kasama families namin. Since nasa US yung mama ni DJ at yung ate nya, sa relatives nya sila pupunta. After Christmas ko nalang siguro ibibigay tong gift niya. Simple lang naman to eh, tumbler na puro pictures namin yung design. XD

"Nak, lagay mo na to sa lamesa." sabay abot sakin ni papa ng buko pandan.


"Waaah! Excited na po ako kumain!" XD

Pag tapos namin mag prepare, nag punta na kami sa lamesa at umupo. si papa, mama, and yung mga kapatid ko. 

"Bunso, since ikaw yung kanina pa pumapapak habang nagluluto si mama, ikaw mag lead ng prayer!"

"Nyee? Napansin mo yun kuya?" =__=

 

"Hahaha. Oo, kaya wag kang mag dedeny dahil dalawa kami ni Kuya Kean na nakakita. Antakaw mo talaga!"

"Waaah! Hindi naman, slight lang. Sige. In the name of the Father, and of the Son, and of the holy spirit.. Amen.." napangiti naman ako nang makita na naka ngiti sila lahat at buo kami ngayong pasko.

"Salamat po sa lahat lahat ng biyayang natatanggap ko at ng pamilya ko sa araw araw. Sana maging masaya din po yung Pasko ng mga taong walang tirahan, yung mga taong malayo sa kanilang pamilya, and even the prisoners. I hope everyone will have a Merry Christmas. This we pray through Christ our Lord, Amen. Happy Birthday papa Jesus!"

 

"Amen. Kainan na!" Nag simula na kaming kumain at kumuha din kami ng mga pictures. Wala talagang tatalo sa pasko sa Pilipinas! Salamat kasi nagkaron ako ng ganito kasayang Pamilya. <3 

After namin kumain, lumabas muna ako ng bahay para magpababa ng kinain. Busog na busog ako sobra, hindi na ko maka hinga. Kinuha ko naman yung cellphone ko para mag text kay DJ.

To: My Batman <3

' Merry Christmas. Thank you for being a blessing from God. I love you so much! Waaaaah! Ang cheesy ko na. -__- Enjoy ka dyan ah. Bawal uminom. :D

From: My Batman <3

' Merry Christmas din! Tinatawagan kita kanina, di mo naman sinasagot. I love you so much too! Hindi lang 26x a day, 26 Billion times pa. Bawal ako uminom? Gusto mo bang mabulunan ako dito, kung hindi ako iinom? XD Hahaha Joke lang. Teka, hindi mo man lang ba ako namimiss dyan?

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon