Season 2 - Chapter 20 *Hello Summer! <3*

11.4K 134 17
                                    

Another update for today. Hihihi!

Vote, comment, be a fan. ♥

--------------

Kath's POV

2 days ng nakalipas pag tapos nung Graduation. Hello Summer na kami! :) Magkasama kami ni Daniel dito sa music room ng bahay nila. Nag gigitara si DJ ng malulungkot na kanta kanina pa. Hindi ko alam pero simula nung pagka gising ko nun, kinabukasan, parang matamlay na lagi si DJ. Pumasa naman kami parehas ah? Bakit ganun siya? Dinededma ko nalang para hindi na kami mag away. Pero hindi naman laging ganito. Ano kayang gagawin ko? Hmm.. ALAM KO NA!

Kinuha ko yung dyaryo sa may side table tapos umupo sa tabi ni Daniel. Sinusubukan ko maging lively para naman mag cheer up na siya kung ano mang problema niya. Pero wala naman siyang sinasabing problema sakin eh.

"Daniel. Summer na! Anong plano mo? Hihi. Ako, plano kong mag beach tayo. Or pumunta sa kahit saan na magandang lugar! Gusto ko manood ng sunset kasama ka, gusto kong mag zip line, mag kung ano ano na kasama ka. Ngayong summer, maghahanap ako ng summer job para mapag ipunan ko yun. Kasi gusto ko ako naman manlibre sayo. Ayoko naman na ako nalang lagi mong nililibre. San mo gusto? Anong plano mong gawin? May mga tapings ka ba?" tumingin ako sakanya at nakita ko na nakatulala lang siya habang nag sstram parin ng gitara.

"DJ?"

Nagulat siya tapos biglang napatingin sakin. "Ha? Ano ulit yun?"

"Daniel, ano bang problema? Bakit ba ilang araw ka ng ganito?"

"Wala to. Ano ulit yun?"

 

"Haaays. Sabi ko, gusto ko mag summer outing kasama ka."

"Ah? Okay. Cool! Mukhang masaya yun." yumuko ulit siya tapos nag gitara ulit. Alam kong something's wrong.

 

"Daniel. Ayaw mo na ba sakin?" -__-

Napa angat yung ulo niya na may gulat sa mukha. Tapos nilapag yung gitara sa sahig. Lumapit siya agad sakin tapos hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

"Ano ka ba! hindi totoo yan. Bakit mo naman nasabi yan?!"

 

"Wala lang. Kasi parang ang cold mo these past few days.."

"Kath, hindi to tungkol sayo."

"Then tungkol saan? Bakit ayaw mo sabihin sakin? Daniel, diba girlfriend mo ko? At the same time, best friend mo ko diba? Anong problema?"

 

"Kath. Tumawag si ate."

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon