Chapter 1. *Meet the heartthrob*

32.4K 435 44
  • Dedicated kay KathNiel Fans. <3
                                    

I would like to dedicate this story to Kathniel fans. *kaway kaway* Love na love ko ang Daniel and Kathryn love team. Sa mga nag demand ng Kathniel story, eto na po siya. Sana magustuhan niyo! :)

----

Chapter 1


"WAAAAA! Daniel John Ford Padilla!!! Bakit mo suot yang jacket ko!!!!!!"


"Aray naman! Ang sakit sa tenga ng boses mo!! Parang jacket lang eh!" sabay kuskos niya sa tenga niya na parang nabingi nga sa pagkaka sigaw ko.


"Kita mong ang liit liit sayo niyan oh. Pano kung mapunit yan?! Tsk. Artista ka naman ah. Bakit hindi ka makabili ng jacket mo?!!!"


"Naka limutan lang mag dala ng jacket, hindi na maka bili? Tss. Tsaka dapat nga matuwa ka pa kasi suot ko tong jacket mo noh! Alam mo bang binabayaran ako ng milyon milyon para lang i-endorse ang isang brand?"


"Eh ano ngayon?! Hubarin mo na yan! Hindi bagay sayo!!! Mukha kang---"


"Mukhang ano?!"


"BAKLA!!! Mukha kang bakla!!!"


"HAHAHAHAHAHA!!! Sa gwapo kong to? BAKLA? HAHAHAHA!"


"Yieeee! Hindi na kami magugulat kung magka tuluyan ang dalawang yan!

"Baka magka tuluyan kayo niyan ah!"

"Gwapo naman talaga si DJ, Kath ah!" sigaw naman ng mga kaklase namin na naging dahilan para lalong mag usok ang ilong ko sa lalaking ito ngayon!

Sino bang hindi maiinis? Nag punta lang ako ng comfort room at pag balik ko wala na yung jacket ko at makikita ko nalang na suot niya at parang mapupunit na dahil sa maliit yun sakanya? GRRR!!

 Matagal na kaming classmates nitong si Daniel. Ever since First year highschool palang kami nito eh mala aso't pusa na kami. Nasanay narin naman yung mga kaklase namin sa araw na araw na ginawa ng Diyos na gulo naming dalawa. 

"Oh kita mo! Sila na rin nag sabi ng gwapo ako. Wala na kong magagawa dun. Kaya ikaw, itigil mo na yang pag papa kipot mo. Kung alam ko lang, eh kilig na kilig kana sa pag suot ko ng jacket mo noh! haha!"

 

"HAAA?! May sinasabi ka? Hindi ka lang pala mahangin eh noh, Feeler ka pa!" 

nginitian niya lang ako ng nakakaloko na akala mo eh nang aakit!! Grr =___=

Inangat ko yung paa ko, at tinadyakan yung kaliwang binti niya.

"AYAN! Para yan sa pag suot ng jacket ko ng walang pa alam!"

Isa pa ulit tadyak na naging dahilan para mapahawak na siya sa binti niya.

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon