Chapter 13 *Kath went to her hometown*

18.6K 248 20
                                    

 *A/N: sobrang natutuwa tuloy akong mag update. Ewan ko kung bakit. Sunod sunod kasi yung mga nag fafan sakin. Maraming thank you po. 6k reads na rin yung she's my childhood sweetheart kaya na iinspire ako mag update dito lalo. Hihi. Sana ma enjoy niyo yung chapter na to. :)

Vote and comment. <3

--------------------------------------

Chapter 13

 Kath's POV




WAAAAAHHHH! Gulong gulo na tong utak ko. sabi kasi sakin ni DJ pag isipan ko daw yung nararamdaman ko para sakanya. Ansaveh at ang drama ng lalaking yun?

Teka. Ano ba kasi ang love? Pano bang ma-in love? Para sakin, Love is a big word that is hard to  define. Well, I think it is not something to be defined. It is something to be felt by the heart. Ay weh? Kelan pa ko naging madrama sa kwento na ito?

Naguguluhan ako kaya umuwi ako sa probinsya namin tutal weekend na naman. Absent muna ako sa bake shop. Buti mabait boss ko at pinayagan naman ako! /(^___^)\ Yeeehey! makikita ko na mga kapatid ko at si mama at papa!

Pagka tungtong na pagka tungtong ko sa may amin, hinanap ko agad sila mama pero wala sila sa loob ng bahay. kaya dumiretso ako doon sa may taniman namin. Wah! Ang saya! I'm glad to be home! Ang ganda ganda talaga ng view dito sa province. Malamig yung hangin, maraming puno, may magandang pond sa tabi, may magandang bundok na view, may mga taniman. 

Naka ngiti kong tinitignan yung mga magulang ko habang kumakanta sila at nag tatanim.

"Mag tanim ay di biro, mag hapong naka yuko." kanta ni mama

"Di manlang maka tayo di manlang maka upo." dugtong naman ni papa

"Bisig ko'y namamanhid, Baywang ko'y nangangawit. Binti ko'y namimintig Sa pagkababad sa tubig." dugtong ko naman sa kanta nilang dalawa kaya gulat na gulat silang tumingin sakin.

"Anak? Kath? ikaw ba yan?"

"Hindi po. anino ko lang po to." Bwahaha. Ganyan kami ka close ng mga magulang ko. Nag mana kasi ako sakanila eh. Pare parehas kaming kalog! XD

nag talunan naman sila papatakbo sakin. "Waaah! Ikaw nga!! Ang anak namin, naka uwi narin!" halos masakal sakal na ko sa pagkaka yakap nila sakin.

bigla silang tumigil sa pag tatalon at yakap sakin tapos tinignan ako ng masama.

"Napa uwi ka ata?" tanong nilang dalawa.

"Anak, wag mo sabihing tumakas ka sa mga autoridad sa Maynila ah?"

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon