Season 2 - Chapter 14 *Break up*

12K 145 22
                                    

 *A/N: Yey! Kahit Monday nakapag update ako. XD Naloka ako sa pag-aaral para sa mga quizzes sa school kaya hindi ako nakapag UD nung weekend. Hope you guys understand. >:D<

Vote and comment. 

------------------------

Kath's POV

 

Inaantok pa kong papasok sa school. Feeling ko naglalakad akong tulog eh. -__- Mulat yung mata ko, pero yung diwa at isip ko naiwan pa sa higaan ko. Pero dapat akong maging hyper! Makikita ko na si DJ! Shinake shake ko yung ulo ko para magising ako.

Nung makarating na ko sa school, nakita ko agad si DJ na nakangiti at gumagamit ng cellphone. Eh? May katext ba siya? Lumapit agad ako sakanya tapos tinakpan yung dalawang mata nya.

"Sino to?!! Lance?!" nag sad face lang ako tapos tinanggal na yung pagkaka takip ng mata nya.

"Uy Kath! Akala ko si Lance. Anong nangyari kagabi? Bakit ganyan mata mo? Puyat ka ba?"

"Ha? Hindi naman. Slight lang. Nanood kasi ako ng teleserye eh." -__-

"Tss! Ayan ka na naman eh. Tigilan mo na nga panonood ng drama pag gabi. Teka, Late ka na nag reply sakin kagabi ah. San ka pumunta?"

"Wala. Nag mall lang kami ni CJ."

"CJ? Alcantaras?" sabay inusod ko yung upuan ko papalapit sakanya.

"Yep. Matagal tagal ko na rin naman siyang di nakikita eh. Kamusta yung party kagabi?"

"Ayos lang. Hindi masyadong masaya kasi wala ka eh."

"Wushu!"  lumapit pa siya para hawakan yung mata ko, pero inalis ko lang ulit yung kamay niya.

"Haha totoo nga. Teka nga, ikukuha lang kita ng bote ng tubig na malamig para ilagay mo dyan sa may mata mo. Daig mo pa di natulog ng isang linggo eh!" umalis na muna siya at naiwan niya yung cellphone niyang nakalapag sa lamesa niya.

Inantay ko lang siya hangga't biglang nag vibrate yung phone niya.

Calling.. Tina..


Tina? Sinong Tina? Natapos na yung call ng hindi ko sinasagot. Naisipan kong i-text yung Tina na mamaya na siya tumawag dahil naiwan ni DJ yung phone niya. Pero bago ko siya itext, tinignan ko muna yung inbox niya dahil na curious narin ako. 

1 message from Tina

From: Tina

' Hey DJ. Thanks for last night. :*

What the hell!?? Thanks for Last night? Sino naman to? Erase. Erase. Ilang beses na kaming nag usap tungkol sa mga ganito. For sure kaibigan niya lang to. Kailangan ko pagka tiwalaan si DJ or else mag aaway na naman kami. Nilapag ko nalang ulit yung phone niya at inantay siyang bumalik.

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon