Season 2 - Chapter 26 *Moving on..*

11.9K 128 30
                                    

*A/N: HAPPY 100,000 plus reads! I'm so happy like a happy birthday. Chos! XD Bwahaha thank you so much. >:D< 

Please watch the video located at the right. Second trailer yan ng I'm in love with a heartthrob. Thanks.

Vote and comment. <3

-------------------------

Kath's POV


Walang mangyayari kung magmumukmok ako at iiyak nalang mag damag. Kailangan mas maging masayahin ako. Ayoko ng mag alala yung ibang tao sakin, ayoko naring kaawaan nila ko. Siguro unti unti rin naman darating yung panahon na matatanggap ko na rin lahat. Hindi ko nga lang alam kung kailan o kung darating pa yung araw na yun. Pero pano ko malalaman, kung hindi ko susubukan diba?

Nag handa na ko at pumasok na sa office. Pag dating ko dun, naabutan ko na para silang naka haste lahat dahil ang bibilis nilang kumilos. Anyare? Anong meron? Busy mode: On talaga ang peg? Edi nag busy busyihan narin ako para in. XD

Pumunta na ko sa bagong desk ko at nag handa na ng coffee para sa "sir" ko. Yes! Hindi ko na siya tatawaging Daniel or DJ kahit kelan. "Sir" na itatawag ko sakanya para mas mabilis akong makapag move on. Kawawa naman yung mga mata ko no, naghihingalo na. Nadedehydrate na ko kakaiyak. -___-

After ko mag timpla ng coffee, pumasok na ko sa office ng 'boss' ko. Nakita ko na nakaharap siya sa laptop niya at stress na stress sa mga trabaho sa desk niya. Nung mapansin niya ko, umangat siya tapos nagulat sa bigla bigla kong pag dating.

Pinilit kong ngumiti ng sobrang laki at buong sigla akong bumati sakanya.  "Good Morning sir. Ito na po yung coffee nyo." tapos lumapit ako at nilapag yung coffee sa lamesa niya. Tumingin naman siya sakin na may halong pagtataka.

 "Thank you.." tapos bumuntong hininga siya. "Kath.. Okay ka lang--" hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya at nag salita nako agad.

"Welcome sir. And please call me Ms. Bernardo. Is there anything else I can do for you?"

"Ah? N-none. T-hank you." Tatalikod na sana ko ng bigla niya kong tawagin ulit.

"Kath! I mean, Ms. Bernardo, I hope you are okay." Anak ng patola! Wala ba siyang balak tantanan yung pagsasabi ng i hope you are okay na yan? Kasi hindi ako okay eh. Kung alam mo lang, hindi ako okay kasi sobrang sakit parin.

Humarap ulit ako sakanya tapos nilipat ko yung tingin ko sa sahig. Ayoko siyang tignan sa mata dahil baka maiyak lang ulit ako. 

"Sir. Wag na po sana nating pag usapan ulit yun. Wag narin nating banggitin. Diba ikaw narin nag sabi, let's not make this difficult for the two of us? So ayun po yung gusto kong gawin. Simula ngayon, kalimutan na natin lahat ng nangyari dati. We've been happy before right? Then let's make the past as a beautiful memory instead of a painful one. Let's put it all in the past. Baka pag ganun, makalimutan natin lahat. Sorry, I mean, baka ako lang yung dapat kumalimot. Kasi matagal mo na nga pala kong nakalimutan." then pinilit kong ngumiti sakanya.

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon