Kabanata 4

28.3K 462 34
                                    

Kabanata 4

To hold them

Napababa ako para kumuha ng tubig. Wala si manang sa kusina siguro nasa kwarto niya natutulog. Napatingin ako sa orasan at 1:00 na ng hapon. Kahapon kami bumalik dito sa bahay at pakiramdam ko ilang taon kami nawala kahit araw lang. It's good to be back here. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag lumilibot ang mata ko rito sa bahay. The same scent...the same structure.

We're back.

Patuloy kong iniinom iyong nasa tubig nang may narinig akong tumutunog na phone. Not mine...nasa kwarto 'yong akin. Napasilip tuloy ako sa may sala. Bumungad sa akin ang likod niya—ni Gideon. I saw how his back went rigid. Napailing na lang siya ng ulo at naningkit ang mata ko makita lang 'yong kausap niya.

Si Andy.

Napababa ako ng baso. Napalakad ako hanggang sa marinig ko ang usapan nila.

"Karl?" ani Gideon.

"Already on his way, sir," sabi ni Andy. He is wearing a black business suit. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at walang bakas ng pagkakunot ang noo niya at diretsong nakatingin lang siya kay Gideon. "I'm sorry, sir. The board needs you." Napayuko si Andy.

Gideon breathed. Umiling muli siya. He patted Andy's shoulder. "It's okay. I need all the managers to be ready." Inalis niya ang kamay niya kay Andy at nagsalita ulit, "Tell them, I'm on my way."

"Yes, sir." Andy bowed his head, again.

Gideon turns his back on him. Napalunok ako nang bigla natagpuan ng mata niya ako. Biglang nawala sa pagkakunot ang kilay niya at biglang kumurba ang labi niya sa akin. Napansin kong wala na rin si Andy at nakalabas na ng bahay. Agad akong napapunta sa pwesto niya at hinarap siya.

"So?" Napanguso ako.

Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang yumuko. Lumapit ang mukha niya sa aking tenga. I feel his breath on my neck until his lips found the side of my ear that gives me chills to my veins. I bite my lip.

Nang hindi siya magsalita ay ako na ang nanguna, "Ingat...ka!" I stuttered. But I gulp when his lips touch my ear. Ugh! Bakit ba lagi na lang akong ganito? Calm, your heart, Aly! Calm, please.

"O, baby, I don't want to leave..." namamaos niyang sabi. Napaayos siya ng tayo at napapikit na para mong may iniisip na solusyon. Biglang hinanap ng tenga ko ang labi niya. I felt the touch of his lips linger to my ear down to my neck. Napahawak tuloy ako sa side ng leeg ko.

Pinagmasdan ko si Gideon nan aka-short at puting t-shirt. May sling pa rin siya sa isang braso niya at 'yong isang kamay niya nakayukom hanggang sa hindi na. Umangat ang tingin ko sa kanya at natagpuan ng mata ko at mapungay niyang mata.

"Sir?" May kumatok sa pinto. Si Andy ulit. Napatingin ako sa kanya. Tinanguan niya ako at parang sinasabi ng mukha niya na pakilusin ko na si Gideon dahil aalis na sila. How did I sense it? Tumango na lang ako sa kanya.

"Gideon...aalis na kayo. Hindi ka pa ba magbibihis?" Tinuon ko ang atensyon sa kanya. Siguro, importante 'to dahil pinuntahan talaga ni Andy si Gideon kahit na kakauwi lang niya rito sa bahay. Kailangan na kailangan siguro siya.

Ayoko naman ding umalis siya pero kailangan siya e. I clear my throat, "Gideon, aalis na kayo." Napatungo siya sa akin.

"Fine," he said and sighed.

Naglakad na siya papunta sa hagdan. Nakita ko naman si Andy na naghihintay sa may pinto. He gave me a smile before I turned my back on him. Nasa taas na si Gideon noong tumalikod ako. Nagmamadali akong sinundan siya at nakapasok na siya ng kwarto. Napapunas ako ng pawis sa noo bago pumasok sa kwarto. Pero naramdaman ko ang pawis ko sa likod sa nakikita ko ngayon.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon