Kabanata 21

14.2K 304 24
                                    

Kabanata 21

How long?

Hindi pa ako nakakapasok ng building ay inaya na ako ni Blade na sumama sa isang lakad niya. I asked him kung saan kami pupunta at sinabi naman niya sa akin. He's going to check the warehouse of the company. Blade's company is about cars, too, like Gideon's.  Chineck ko 'yong mga brand ng kotse ng company nila pero hindi katulad nung sa Autohub. Siguro ganon ang competition sa kapag sa mga autos. Nasa company kung paano niya susuyuin ang isang brand ng kotse o motor or whatsoever para lang mapunta ito sa kanya. It is about trust and loyalty.

"Aly..." tawag ni Blade.

Nilingon ko siya.

"I'm sorry about yesterday." He gave me a small smile. "Masyado na siguro akong nanghimasok. I'm sorry." Blade holds my hand. Pinisil niya ito at binitawan.

"Okay lang, sir."

"Sir? really? After nung nangyari kahapon, sir na? Come on, I'm fine with Blade. I don't want that kind of formality when you're with me. Call me Blade, please..." Tumitig si Blade sa akin nang nakakaengganyo. I mean he's perusing me right now. Kaya hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko.

"But..." I bit my bottom lip. "I should call you sir. I am one of your employees. I still need to respect you." Bigla siyang napasimangot. Napangiwi ako at agad na dinagdagan ang sinabi ko. "Siguro kapag wala na lang tayo sa trabaho." Bigla siya napabuga ng hininga at napailing na ngumingiti.

"Fine, okay, fine." He said, smiling.

Huminto ang kotseng sinasakyan namin. Nagmamadaling bumaba si Blade ng kotse at hindi ng hinintay iyong driver na pagbuksan siya. Bubuksan ko n asana 'yong pinto sa tapat ko ngunit naunahan ako ni Blade.

"May I," he grinned.

I grinned, also. "Thank you."

I am really enjoying Blade's company right now. Really. Tama nga talaga si bes. Nakakawala ng bagot 'to kasi may ginagawa ako bukod sa dati kong kinagisnan.

Bumaba ako ng kotse. Nakahanda naman ang braso ni Blade para pagkapitan ng kamay ko. Napailing akong nilagay ang kamay ko roon.

"Welcome to NG Group of Companies' warehouse, Aly," Blade announces.

I blink.

Kasing laki rin nung warehouse 'yong katulad din nung kila Gideon.  Malawak ito at hindi gaanong kataasan ang building. May nakalagay sa taas ng building na initials na NG. Napakagat ako ng labi habang iniisip ang initials na NG. Bukod sa kompanya nila Nick at Gideon, pangatlo 'tong NG sa nalaman kong manufacturer ng kotse dito sa Pilipinas.

"Tara na," anito.

Nag-umpisa kaming maglakad. May dalawang security guard sa tapat ng automatic glass door nitong building. Nakita ko ang pagtango nitong dalawa kay Blade. Tumingin din sila sa akin kaya nginitian ko na lamang sila. Bumukas automatically ang glass door nito. Agad akong napalunok sa nakita ko. Iba't ibang brand ng kotse ang bumulaga sa akin. Iyong iba nakita ko na sa mga magazine, 'yong iba siguro bagong ire-release. Nilibot ng mata ko ang warehouse at napabitaw ako kay Blade. Hindi ko napansing kusang lumakad ang dalawang paa ko sa malaking espasyo sa gitna. Inikot ko ang aking sarili para pagmasdan ang mga kotseng nakikita ng dalawang mata ko. I missed this. I really missed this.

"You're really fond of cars? Aren't you?"

Unti-unting naglakad si Blade makalapit lamang sa pwesto ko. Tatlong hakbang na lang ay magkaharap na kami ngunit huminto siya. Yumuko ito at napailing. "Wow..." Hindi siya makapaniwala. "O...girl, why you need to be so attractive like this?" he whispers.

Kahit na bulong iyon narinig ko pa rin. Napatingin ako sa paa ko dahil na rin sa sinabi niya.

"I'm sorry," he laughs and continues, "Nakaka-amaze lang kasi na may katulad mong babae na mahilig sa kotse. Bihira lang kaya ganito na lang 'yong paghanga ko. Do not worry; I will not steal you from your boyfriend, Aly. Pero kapag nagkaroon ng pagkakataon, sorry about that boy but this gonna be his loss."

**

Awkward.

One word. Ngunit nagpabago ng mood naming dalawa. Well, ako lang yata. Kahit na sinabi ni Blade na nagbibiro siya sa sinabi niya hindi pa rin ako mapalagay. Some jokes are half meant. Damn, motibo na 'yong pinakita niya. Kailangang maiwasan na 'to at matigil. Ayoko na may mangyari pang hindi kaaya-aya.

"Blade..." I called him.

"Aly..." He called me. Binaling niya ang atensyon sa akin at ngumiti.

Kasalukuyang nasa labas kami ng warehouse. Pinagmamasdan 'yong mga sasakyan na dumadaan sa harap namin.

"'Yong pinagtayuan mo kanina. Iyon 'yong magiging pwesto ng Aston Martin sa company namin. It is my dream. Makuha ang brand ng kotseng 'yon. For a purpose," Blade is literally smirking at me. Tumaas ang balahibo ko sa batok sa sinabi niya.

I think of Gideon...Oh my God.

My lips part, slowly. Hindi manguya ng isipan ko ang sinabi ni Blade sa akin. Aston Martin? What? Ano 'to? May balak siyang kunin ang Aston Martin sa pangangalaga ng Autohub? O may partnership na? Ano ng nangyari?

"What do you mean?" I asked, curious.

"Autohub is slowly losing the partnerships. Kapag may humiwalay na isa, unti-unti na 'yan. Kapag talaga nawala ang tiwala ng isang partnership mag-uumpisa na ang pagbagsak ng kompanya—ng Autohub. NG will be the leading manufacturer of cars in the Philippines or maybe sa ibang bansa na rin. Of course, trust is the main key for a success in this industry. NG is going to have that success...soon enough Aly, soon enough and you're going to see it by your beautiful eyes. I promise."

I was holding my breath. Walang kumawala na salita sa aking bibig. Iyong balak ko nalusaw na lang sa hangin. Naalala ko si Gideon. Naalala ko 'yong ginagawa niya ngayon. God, anong nangyari? Paanong nangyari 'to?

"No..." the only word I can say right now.

Kumunot ang noo ni Blade sa narinig sa akin. "No? Ayaw mo ba na maging ganoon na lang ang success ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo, Aly? Of course, you'll like it." He shook his head and laughed. "Of course, you will. Everyone's like to taste the success."

I still can't believe what he's saying. And all I can think is Gideon right now. Is he okay? Mabuti lang ba 'yong kalagayan niya ngayon? Is he fine? Ano na? Tuluyang nanuyot ang lalamunan ko kakaisip. Ano 'tong sinasabi ni Blade sa akin? Wait...ano 'to?

"Hindi mangyayari 'yan. Hinding-hindi. Gideon is doing his best to save everything. Lahat-lahat. Para sa kompanya at para sa mga empleyado. Hinding-hindi mangyayari 'yong sinabi mo." Gulat si Blade na tumingin sa akin. Umiling ako at nag-umpisang maglakad. Agad na pumara ng taxi at sumakay. Napabuga ako ng hininga at napasandal sa upuan. Sinabi ko sa driver ang lugar ng pagbababaan niya sa akin. Napakagat ako ng labi kakaisip. Dahil ba sa dinulot ni Nick kaya ganito 'yong nangyari? Na unti-unti talagang bumagsak ang Autohub? Really? Totoo ba 'to?

Tapos ngayon dahil sa problema ng Autohub, kumikilos ang NG sa pagkuha ng partnership. Makipag deal sa ibang kompanya? This is Nick's fault! Siya ang may kasalanan ng nangyayari na 'to! Nauunahan ng ibang kompanya ang Autuhob!

"Miss..." Napabalikwas ako sa tawag ng driver.

"Sorry..." Nagmamadali kong dinukot ang pera sa aking coat at binigay ito sa driver.

Bumaba ako ng kotse at napabuntong hininga sa harap ng gate namin. Binuksan ko ito at papasok na sana nang may mahagip ang mata ko sa baba nito. Isang envelop. Agad akong napaupo upang kunin ito. Binuksan at muntik ng mabitawan sa nakikitang picture.

Gideon is with someone.  He's with Diane in the picture.

Nanginginig ang buong katawan ko sa nakikita kong imahe. May limang photo sa aking kamay. Puro si Gideon at si Diane na papasok sa isang hotel? Saan pa? Magkasama pa sila sa isang picture? How? Paano?

Gideon, I am defending you. I am loyal to you. I trust you.  But how long can I trust you? How long?

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon