Kabanata 30

16.2K 383 26
                                    

Kabanata 30

Pregnant


Naalimpungatan lang ako sa ingay ng taong nagsasalita. Napatagilid na lang ako at sinubukan kong matulog ulit pero hindi ko magawa dahil may salita ng salita.

"Baby Nate! Tita Aly is sleeping!" Doon na ako nagising. Napaupo ako sa pagkakahiga. Teka...teka paano ba ako napunta rito? Napakunot ako ng noo at napatitig ako kay baby Nate. Kanina lang kasama ko si Gideon pero paano ako napunta rito? Nawalan ba ako ng malay?

Napagala ang mata ko at nasa hospital ako?

"Tita Aly!" Napatuon na ang mata ko kay Nate. Tumalon talon pa siya habang patungo sa akin. Napatayo naman ako para kunin siya. Ang bilis lumaki naman nitong si Nate. Kinarga ko na siya at napakurot na ako sa pisngi niya.

"Aly? Okay ka na ba? Baka nahihilo ka pa?" tanong ni Nathalie. Lumapit naman siya sa akin at kinuha si Nate. Pinaupo niya ako sa kama. "Wag ka daw magkikilos sabi ng asawa mo," napangisi si Nats sa akin kaya napakunot ang kilay ko.

"Ha?"

"Nawalan ka raw ng malay sabi ni Azel. Dinala ka niya rito. Tinawagan niya ako kasi may urgent meeting siya," napatango naman ako.

"Masama na kasi pakiramdam ko kahapon pa," sabi ko at napaayos naman ako ng buhok. Maayos naman ang pakiramdam ko ngayon. Makakauwi na ako. "Salamat Nats! Sa'yo rin baby Nate, " Napatayo ako at lumapit sa kanila. Nakurot ko na naman ang matabang pisngi ni Nate. Ang cute cute! "Uwi na siguro ako," sabi ko.

"Are you sure? Hindi ka na talaga nahihilo? Magpahinga ka na lang?" ani Nathalie.

"Okay lang. Uuwi na ako. Nakakaabala na ako sa inyo ni baby Nate." Argh! Ang cute-cute talaga ng batang 'to! Napatango si Nats sa akin. Binaba naman niya si Nate sa pagkakarga. Napaupo naman ako para mayakap si Nate. Parang giliw na giliw naman yata ako kay Nate ngayon?

"I'll text Azel. Sasabihin ko uuwi na kita," napatango ako.

"Sige," Napatayo na ako at inayos ang sarili ko. Lumabas na kami ng room at hindi naman nagbuhat si Nate kaya hawak-hawak ko 'yung maliit niyang kamay.

"Mommy. Go home?" napaangat ng ulo si Nate kay Nathalie.

"Yep, baby. Pero hatid natin si tita Aly sa bahay nila," ngumiti si Nate sa sagot ng mommy niya kaya napangiti ako. Napagkamalan ko talagang anak ni Gideon 'to dahil sa mata niya. Katulad nung kay Gideon. Napakagat ako ng labi ng maalala ko siya. Linggo ngayon pero kailangan niyang umattend sa meeting na 'yun. Minsan hindi rin siya makakatakas sa ganito.

Bago kami makalabas ng hospital ay may kinausap muna si Nats na nurse. Kinuha ko muna sa kanya si Nate at binuhat. Nauna na kaming pumunta sa paradahan ng kotse. May kinukwento si Nate na hindi ko naman maintindihan.

"Mommy said...about cousin!" ani Nate at nagpababa. Tinuro niya ang tyan ko at napalaki ako ng mata.

Tumawa ako at napaupo doon sa bench. Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Nate. Pati ba sina Nats sinabihan nina mom tungkol sa baby? Hala. Napalunok ako ng titigan ako ni Nate. "Wala pa, baby Nate," natatawa kong sabi. "Ikaw muna baby ko," napayuko ako para matignan siya kasi bigla siyang yumuko at umiling.

"No...no...kuya!" pumadyak pa siya ng isa. Nagulat ako sa reaksyon niya. Pati ba naman si Nate gusto na niya akong magka-baby?

"Okay, kuya Nate," bigla siyang tumalon sa sinabi at lumapit sa akin. Tinuro na naman niya ang tyan ko. Grabe sa ganitong bagay alam na ni Nate. Nagugulat ako. Grabe.

"Good kuya!" sabi ni Nate. Tinaas pa niya ang kamay niya at nilakihan ang mata. Grabe, napakurot tuloy ako sa pisngi niya. Kung siguro magkakaanak...er...ang awkward. Napapikit ako sa naisip ko. God, ano ba 'tong iniisip ko?

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon