Kabanata 36

13K 260 11
                                    

Kabanata 36

Drunk


"Baby..."

Napakunot ang noo ko sa tawag na iyon pero nanatili pa ring nakapikit ang mata ko. Mamaya na Gideon, antok na antok pa ako. "I need to go," aniya at hinalikan ang ulo ko. "Baby..." tawag niya ulit.

Kakatulog ko lang pero ginising niya ako. Ayoko na, antok na antok na talaga ako.

"Bye, " ani ko at nagtakip ng unan sa ulo. Pakiramdam ko lumulutang ang katawan ko sa sobrang hilo ng walang tulog. Ilang araw na ganito, sa gabi gising si Tris at kailangan gising na gising ako.

Napatagilid ako ng higa at napadilat ng mata. Bigla akong nakonsensya sa ginawa ko kay Gideon na hindi pagpansin. Pero anong magagawa ko? Lantang lanta na ang katawan ko kahapon. Kahapon kasi hindi nagpababa si Tris sa akin. Gusto niya lang buhat-buhat ko siya. Kaya wala akong magawa kung hindi kagarhin siya.

Pero kahit hindi ko alam kung mahihilo ako sa pag-upo ko ay ginawa ko pa rin. Napapikit ako noong una ngunit dinilat ko ito para lang maabutan si Gideon. Pero...pero saktong sara naman ng pinto ang naabutan ko sa kanya. Wala na siya...nakaalis na.

Hay, sorry.

Nawala na rin ang antok ko at tumayo na ako. Nagbakasakali pa rin akong maabutan siya ngunit wala na siya. Nakaalis na talaga. Naabutan ko na lang si manang na buhat-buhat si Tris sa bakuran.

"Hindi mo naabutan?" tanong agad ni manang. Umiling ako at lumapit sa pwesto nila.

"Ang aga po niya masyado," ani ko at hinaplos ang kamay ni Tris.

Bigla namang tumawa si manang sa sinabi ko. "Late na siya..." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Hinihintay ka niya...kanina pa...pero..." Napahinto si manang dahil biglang nag-unat si Tris kaya hinele niya ito. "...tulog na tulog ka. Ayaw ka niya sanang istorbuhin pero gusto ka niyang makasabay."

"Dapat hindi na niya ako hinintay..." Napasimangot ako sa sinabi ni manang. Sana hindi na niya lang ako hinintay.

Napabuntong hininga si manang sa akin. "O sige...maghain na ako para sa'yo." Napatango ako kay manang. Kinuha ko na lang si Tris kay manang. Nagising yata si Tris sa pagbuhat ko sa kanya kaya napaiyak ito saglit. Mabuti na lang hinele ko ito at nakatulog ulit. Naunang pumasok si manang sa loob ng bahay. Napatitig na lang ako sa dagat.

Napailing na lang ako at pumasok na kami ng baby ko sa loob ng bahay. May hinain na si manang sa mesa kaya pumunta muna akong kwarto at binaba si Tris sa kuna niya.

**

"Tita Aly!" Nagtatakbo si Nate sa akin nang makita ako sa gate. Napalaki ako ng mata sa sopresa niyang—nilang pagpunta.

"Baby Nate!" Binuhat ko siya nang yakapin niya ako.

"Tita! Call me Nathaniel! I'm a big boy now!" Nagpababa siya sa akin at siyang dating naman ni Nathalie kasama si kuya Harry na may dalang kung ano. Regalo siguro para kay Tris.

"Aly!" Nats and kuya Harry said in unison.

Nagmamadali si Nats na makapunta sa pwesto ko at agad akong niyakap. "God, I missed you. And you're still pretty. Kainis, nanganak ka ba talaga?!" Napahalaklak siya sa sinabi. Ganun din ang ginawa ko at tinitigan siya.

"Parang ganun ka rin naman kay Nate yata, Nats!" natatawa kong sabi.

"Ganun nga," singit ni kuya Harry at hinapit si Nats sa tabi niya. "Where's Azel?" Kuya Harry wiggled his brows while asking this question. Biglang nanlaki ang mata ko dahil oo nga?! Nasaan na ba si Gideon? Hindi ko rin siya naabutan ngayong araw. Kahapon hindi rin tapos ngayon wala din siya?! Linggo ngayon? Nasaan siya? Wala naman siyang trabaho ngayong araw a.

"Oo nga! I have something to him," Napalunok ako nang biglang nagsalita si Nathalie. God, hindi ko alam kung nasaan siya. Anong sasabihin ko? Wala naman akong nakitang note sa tabi ng kama? O kahit saan? Wala namang sinabi si manang sa akin? Nasaan na siya?

Napapikit na lang ako. Hindi ko talaga alam kung nasaan siya. Wala akong ideya. Anong sasabihin— "Baby Tris!" I opened my eyes. Nagtatakbo si Nate sa may pinto ng bahay at ganun din ang ginawa ni Nats at Harry. God, thank you. Mabuti na lang nalabas ni manang si Tris at doon na natuon ang atensyon nila dahil hindi ko talaga alam kung anong isasagot sa kanila.

Umalis? O kailangan siya sa trabaho? Ha? Bakit?

"Aly! Tara na sa loob! Sa loob na lang natin hintayin si Azel!" sigaw ni Nats. Napatingin ako sa kanya at buhat-buhat na niya sa Tris ngayon. Napatango na lang ako at dumiretso na lang sa loob ng bahay.

"Nagtext na si Azel sa akin. Nasa bahay lang daw siya nung kasamahan niya...nagkayayaan sila," ani kuya Harry.

"A sige sige!" Sinara ko ang pinto ng bahay.

Bakit kay kuya Harry nagtext siya? Bakit sa akin wala? May mali ba? Did I do something wrong?

Napasandal agad ako sa couch. Bakit ganon? Pakiramdam ko may ginawa talaga ako kahapon na mali? O kaya may mali na akong ginawa dati pa?

"Kamusta pala Aly? Na kay manang na 'yung bibigay namin kay Azel. Aalis din kasi kami agad. Papunta kasi kaming Hong Kong for Nate." Ani Nats. Napatango ako. Wala ako sa wisyo ngayon dahil nangyayari. May mali talaga.

"A ganon ba? Aalis na rin kayo?" biglang umiyak si Tris kay Nats kaya agad ko itong kinuha.

"Oo. Binisita lang namin kayo...at babatiin si Azel." Tumayo na si Nats pati na rin si Harry. Binuhat ni Harry si Nate at kumaway ito sa akin. "Say bye na kay tita Aly and Patrice, Nate." Nats added. "Your time should be balance a."

"Right! Kaya nga papunta kaming Hong Kong ngayon..." ani kuya Harry.

"Bye tita Aly! I'll buy Patrice a stuff toy! I promise!" Baby Nate said waving at me and to Patrice.

"Sige! Sabihin mo na lang kay Azel. Happy Birthday to him!" They both said in unison. Harry and Nats. Pagkatapos lumabas na silang bahay. Hindi ko na nakuhang ihatid sila at narinig ko na lang na may sasakyang umalis.

God, I missed his special day. I missed Gideon's birthday today...God, no.

"Manang birthday pala ni Gideon ngayon..." Kinuha ni manang si Tris sa akin.

"Oo. Pinagluto ko nga siya pero wala pa siya," aniya.

So ako lang ang nakalimot sa birthday niya. Napapikit ako. Kaya pala may mali. Kaya pala parang may nakalimutan ako. It is his birthday today. Pero kinalimutan ko lang ng ganito.

"Nakalimutan mo ba?" Napatingin ako kay manang.

Napakagat ako ng labi bago sumagot, "Hindi po..." Napangiwi ako sa sagot ko.

"Sige, kunin ko muna si Tris sa'yo para makapaghanda ka sa kanya," ani manang. Kinuha naman niya si Tris na tulog na pala. Sinundan ko si manang at ang baby ko na pumasok sa kwarto. Akala ko maayos lang kung ibigay ko ang lahat kay Tris dahil alam kong maiintindihan ako ni Gideon. Pero mali pala...mali pala ako dapat balanse. Medyo nawala ako.

Babawi ako.

**

Papalit-palit lang ang tingin ko sa orasan at sa pinto. Lumipas na ang birthday niya ngunit hindi pa rin siya umuuwi. This is my fault. Alam 'ko na ako ang may pagkakamali rito. Nangawit na ako kakaupo kaya tumambay na ako sa labas ng bahay. Napakagat ako ng labi nang ni anino niya wala pa rin akong nakikita. Maghapon na siyang wala ngayon pero wala pa rin siya. Saan pa ba siya nagtungo?

"Gideon saan ka na ba?" Kinakabahan na ako. Baka kung saan na napadpad iyon. Pumunta na kaya ako kila nay Percy? O kaya magtanong na rito? Saan  na kaya iyon? Kailangan ko na siyang hanapin.

Pumasok na ako sa loob at kinuha iyong jacket sa sala. Hahakbang na sana ako palabas nang may tumambad sa akin sa pinto.

"Gideon..." Nandito na siya. Nakasandal siya at nakaangat ang kanyang ulo na para mong masakit. "Saan ka ba nagpunta?" Tumingin siya sa akin sa tanong kong ito. Pero titig lang ang ginawa niya kaya lumapit na ako sa kanya. "Okay ka lang?" Napatanong ako sa kanya nang tumayo siya at muntik ng tumumba sa pagkakatayo ng tuwid. Hahawakan ko na sana siya ngunit hinarang niya ang kamay niya sa akin. "Gideon, bakit?" I asked.

I think he's drunk.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon