Kabanata 34

13.5K 292 9
                                    

Kabanata 34

Happy and contented

Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari iyon sa Luwasan. Pinaglalaruan ko ang susi na pendant sa aking kwintas. Napapakagat ng labi kapag naiisip 'yong nangyari.

"Bes? Hello? Dyan ka pa rin ba? Matatapos na 'yong break ko?" Nica says over the phone.

"Ay sorry bes!" sagot ko kaagad.

"Ayon nga. Medyo busy kasi si Karl ngayon may inaakikaso...uhm...alam mo na ba?"  Yes, bulong ko sa sarili ko pero tumango ako kahit na hindi naman makikita ni Nica. Napansin niya sigurong hindi ako sumasagot kaya siya muli ang nagsalita. "Well, bes." Nica sighs. "Dati pa pinag-iisipan ni Gideon daw 'yon e sabi ni Karl." My lips part. "Simula nung bumalik ka yata sa kanya...pero hindi niya maiwanan dahil nga sa problemang ginawa ni Nick. Kaya ngayon abala silang lahat," Nica added.

"Wow," the only word I can utter.

I bit my upper lip upang makontrol ang emosyon nais ilabas ng aking sistema.

"Sige...bes may meeting na ako with other engineers? May pupuntahan kasi kami ngayon sa site. Okay? See you on weekend? Love you."

"Sige bes. Ingat ka. Love you, too." The line went dead.

Napahawak ako ng mahigpit sa telephone hanggang sa binaba ko ito sa maliit na mesa. Napaayos ako ng upo sa couch at hinimas ang aking tyan.

Ilang buwan na lang baby...

Hindi pa namin napag-uusapan ni Gideon 'yong bahay. I mean kailan kami lilipat doon. Naging abala nga siya sa kompanya. Siguro inaayos niya 'yong pag-alis niya bilang head nito. Inaayos niya lahat at syempre kasama na siguro doon 'yong pagsabi niya sa lahat ng empleyado 'yong gagawin niya.

Ginagawa niya 'yon para sa amin...para sa amin. Kapag naiisip ko 'to hindi ko maiwasang maging emosyonal. Autohub is his company. Kaya niyang pakawalan ang anomang bagay para sa akin. At gagawin ko ang lahat maging worth it lang ang desisyong ginawa niya.


**


"Sir..."

"Azel..."

"Azel..."


Tatlong tao ang nasa harapan namin ni Gideon. Gulat na gulat sila sa salitang binigay niya sa kanila at pati ako paawang-awang ng bibig pagkarinig ko ng anunsyo niya.

"That's my decision," ani Gideon. Tinignan ko siya at nakatingin siya ng seryoso sa tatlong nasa harapan namin. "Kayo na ang bahala sa Autohub. I know and trust all of you. Alam ko kaya niyong i-handle ang kompanya."

"Tangina naman Azel." Karl curse under his breath. "Hindi ko—o namin binabawi 'yong sinabi namin. Pero 'yong kompanya sa'yo pa rin 'yon. Nakatatak na ang pangalan mo sa Autohub. Umalis ka man bilang head o ano pa man."

"Right," ani Harry. Tumingin ito sa akin at nagsalita muli, "Meron pa namang branch ang Autohub sa San Mateo. You planning to work there, bro?"

"Yes but not the head. I don't want any big responsibility for the company. I want a normal life with my family...my time for them."

Naramdaman ko ang tingin ni Gideon sa akin kaya hinarap ko siya. Napaloob ako ng labi habang napapangiti. Sinubukan kong kontrolin ang nagsusumamong emosyong nabubuo sa akin ngunit hindi ko na kayang pigilan pa. May lumandas na luha sa aking mata.

"Sir...I think this is too much for me. I can still be the secretary of Mr. de Vera or with your brother. But one of the people for handling the company doesn't suit for me," biglang nagsalita si Andy.

Napatahimik ang lahat at ang buong atensyon ay na kina Andy at Gideon.

"No...you're one of them. You've been with me since the company build. You deserve this, Andy...deserve everything about the company." Gideon says.

Napangiti ako.

Andy sighs. Umiling ito at hindi pa rin makapaniwala. Ilang taon din ang pinagsamahan nila sa trabaho. Ngayon, binibigay ni Gideon ang para sa kanya.

"Thank you sir. But the company is still yours. You're still our CEO. And no one can ever the change that fact." Andy nods.

"Right. Kaya kung magbago man ang isip mo, Azel. Wala kaming karapatan na hindi ibigay ang kompanya mo," ani Karl.

Tumingin ito sa akin at kinindatan ako.

Siguro kailangan ko munang umalis dito dahil mag-uusap pa silang apat. Lumapit ako kay Gideon. Napansin naman niya agad at humarap siya sa akin. "Akyat muna 'ko," ani ko.

Tumango si Gideon. I felt his kiss on my head. Tinignan ko 'yong tatlong nasa harapan namin. Tinanguan sila at tumayo na ako. Hawak-hawak ko ang aking tyan sa marahang kong paglakad papunta sa hagdan. Naglakad ako papunta sa aming kwarto pero bago ako makapasok sa kwarto ay rinig na rinig ko ang boses ni Manager. Iba talaga ang halakhak ng asawa ni bes.

Nang makapasok ako sa kwarto ay umupo kaagad ako. I felt happy and sad at the same time. And I don't know if this is normal. Napatawa ako sa sarili ko.

Life is not just a straight line. Na malalaman mo na agad ang ending. Na alam mo na ang patutunguhan mo. Maaari kasi malihis 'yong line na 'yon. Pwedeng pababa pataas na hindi mo alam kung anong mangyayari.

Itong nangyari kay Gideon. Itong sa amin. I never expected this to happen. Akala ko 'yong buhay ko iikot lang kila Mom at Dad, kay Nica, at sa mga taong malapit sa akin. Pero biglang nalihis 'yon at nabago. Pero hindi ko pagsisihan 'yong sa amin. Alam ko sa lahat ng nangyari sa amin iyong ang dahilan kung bakit ganito kami ngayon.

The Lord has his reasons for every little thing that happened to us. He is guiding us to the right path. At ngayon, nandito ako sa nilagay Niyang lugar para sa akin. Buong puso akong nagpapasaamat sa lahat dahil sa Kanya.


I'm happy and contented right now. Wala na akong mahihiling pang iba.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon