Kabanata 40

15.2K 304 15
                                    

May konklusyon pa :))

**

Kabanata 40

Again


"Manang pahinga na po kayo...kaya ko na pong ligpitin 'tong lahat." Magrereact na sana si Manang ngunit inunahan ko na siya. "Kaninang umaga pa kayo kumikilos...kaya ko na po 'to. Si Tris na lang po..."

Dalawang oras na ang nakakalipas simula ng umalis ang bisita sa birthday celebration ni Tris. Syempre halos lahat ng mahal namin sa buhay nandito kanina. Napagod din 'yong anak ko kaya ngayon mahimbing na natutulog.

At saka kanina pang alas kwartro ng umaga gising si Manang kaya kailangan na niyang magpahinga. Wala rin itong kasama sa kwarto kaya kailangan doon na si Manang. Si Gideon kasi nagliligpit din ng upuan at mesa sa labas. Nilalagay niya ito sa kubo na malapit sa bahay. Saglit lang naman na ang gagawin ko dahil nahugasan na 'yong mga plato. Di bale iilang kalat na lang sa kusina at sa labas ng bahay.

"Sige na...Manang...please."

Napatango na lang si Manang. "Sige basta kapag kailangan mo ng tulong, tawagin mo lang ako, a, nak?"

"Opo!" I smile, widely.

Umiling na lang si Manang at naglakad papunta sa kwarto ni Patrice. Tumingin ako sa paligid—I mean dito sa kusina kung ano parte ang aking lilinisin o aayusin. Pupunasan na lang 'yong mga plato at pwede ng itago sa cabinet. Pupunasan ko na lang din 'yong mesa at magwawalis. Pero...si Gideon kaya tapos na sa labas?

Agad kong binitawan ang hawak ko at nagmadaling lumabas ng bahay. Bumungad sa akin ang malinis na bakuran at ang putting buhangin. Iyong alon ng dagat ang rinig na rinig ko. Ang kalma nitong nabubuong ingay at nagpapaayos ng gabi rito sa Luwasan.

Luminga ako sa paligid para mahanap si Gideon ngunit hindi ko siya natatanaw. Naglakad ako hanggang sa may nakita akong tao malapit sa dagat na nakaupo. Nakayuko ang ulo nito. At sa hulma palang nito...kilala ko na.

Mabilis ang aking paglakad hanggang sa nakarating ako sa pwesto niya. Umangat ang kanyang ulo nang maramdaman niya ang aking presensya. Humangin ng malakas at mabuti na lang hindi tumaas ang skirt ng aking dress. Nilagay ko ang kamay ko sa aking likod habang nakangiting pinagmamasdan si Gideon.

"Bakit ka nandito?" tanong ko. Umupo ako sa tabi niya at sinandal ang aking ulo sa kanyang balikat.

"This place gave me so much memories—I don't know, dinala na lang ako rito. Maybe of you, maybe of us. No...I think it is you, why I am here" Napawala ako sa pagkakasandal at tinitigan siya. Rinig na rinig ko ang alon sa aming pwesto. Na parang inaakit kami ni Gideon doon. "Hindi ko alam...this is surreal. Minsan naiisip ko baka nanaginip lang ako. Pero kapag nakikita kita, nalulusaw 'yon dahil totoo na sa akin ka na. I don't know...this is kind a weird, you know." Gideon laughs, softly.

"Alam mo...dati akala ko 'yong mundo, iikot lang kila Mom, dad, at Nica. Maayos naman buhay namin. Lahat na bibigay sa akin. Lahat ng pangangailangan ko kaya nakuntento na 'ko. Pero may iba pang palang nakalaang mangyari sa akin. At dinala ako nito sa'yo." Gideon holds my hand. Mahigpit ang kanyang pagkakahawak hanggang sa umayos kami ng pwesto at magkaharapan kami. "Ganon din ako, minsan naiisip ko nanaginip lang ako. Na hindi naman totoo pero kapag naiisip ko kung paano tayo nagsimula. Pinaniniwalaan ko 'yong sarili ko. Na totoo lahat ng ito at dumating na ako dito sa punto na 'to....sa lugar na 'to...sa'yo. Na nasa'yo na 'ko. Ang weird lang. Siguro dahil bless lang tayo. Na masaya tayo. Kaya ganon."

"I love you." Gideon says. Kumurba ang labi niya na tila na may iniisip siya na gawin ngayon.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko hanggang sa binitawan niya ito. Tumayo siya at iniangat ko ang tingin ko sa kanya para makita ang susunod niyang gagawin.  Gideon took off his white shirt. Suot niya pa rin ang blue faded jeans niya at tumakbo sa dagat. I gasp looking at him. Humarap lang siya nang nasa bewang na niyang tubig.

"Tara rito!" sigaw niya.

"Malamig!" I shout.

Naniningkit ko siya tinitignan sa kanyang pwesto. Sa pag-angat ko ng tingin ay kitang-kita ko ang kabilugan ng buwan. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Ang ingay na binubuo ng alon ng dagat.

"Tara na rito! Dito na lang tayo! Malamig!" I added.

"No!" He says. "Nandito ako! Hindi mo mararamdaman! I am warm, baby, you know that."

"Gid!" I squeal. Napatawa ako at hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tumakbo at pumunta sa pwesto niya. Hanggang tyan ko inabot ang tubig makarating lang sa pwesto ni Gideon. Ramdam ko ang paglutang dress ko. Ang malamig na tubig na sumasagad sa buto ko. Pero nawala iyon nang maramdaman ko ang bisig niya sa akin. Napalagay ako ng kamay sa kanyang batok hanggang sa inalon na kami hanggang nasa dibdib ko na ang tubig.

"Hindi naman malamig," natatawa niyang sabi.

"Dahil yakap kita..." ani ko.

"Right..."

"Malamig pa rin no..." reklamo ko. I bit my lower lip to keep it from trembling. Pero lalong humigpit ang yakap ni Gideon sa akin na mismo rinig ko ang pagtibok ng kalma niyang puso habang 'yong akin nagwawala na.

"Is it still cold, baby?"

Napaangat ako ng ulo at napatawa sa sinabi niya.

"Do I need to hug you tighter or what not to feel the cold but to feel the warm of my body?" He laughs.

"Hindi na..."

Saktong pagbaba ko ng ulo ko ay ang pagtama ng labi ko sa baba niya. Ramdam ko sa noo ko ang marahan niyang paghalik doon.

"Mabuti naman..." aniya. I laugh. Lalong humigpit ang yakap ni Gideon sa akin. Dinadala kami ng alon kung saan ngunit mahigpit at hindi ako makawala sa hagkan ni Gideon sa akin. Na ayaw na niya akong pakwalan pang muli. "Baby...I'm going to marry you again. I want to marry you in this place. I want this place to witness my more than to always love for you..."






U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon