Kabanata 2

28.6K 528 49
                                    

Kabanata 2

Jealous

"AJ...please..." Narinig ko muli ang pagmamakaawa ni Benj sa akin na huwag nang pumalag pa sa hawak niya sa akin. "Gagawin nila ang lahat mailigtas lang si Gideon. Please...AJ." Bumagal ang paghinga ko at napatingin kay Benj. "Please." Nanginig ulit ang labi ko. Benj gave me a small smile. Niyakap ko siya at umiyak ulit.

Hindi dapat sa kanya nangyari 'to. Hindi dapat siya 'yung nabaril. "Hindi dapat siya..." Napahigpit ako ng hawak kay Benj na halos masaktan ko na siya sa shirt niya. "Hindi...dapat siya—" I choked.

Kumalas ng yakap si Benj sa akin. "Look at me, AJ." Umiwas ako. Hindi ko na alam gagawin ko. "AJ, please..." Benj cupped my face. Napatingin ako sa pagod na pagod niyang mata. "Sa tingin mo hindi siya masasaktan kapag ikaw 'yung nabaril? God, AJ. Sasaluhin ko rin 'yung baril kapag mapapahamak! I'll take that bullet, too. I'd rather die. So, please. Please." Benj shook his head. "This is not your fault. Tama na." Inalis niya ang hawak sa akin. "Tama na." He looked away.

Pinagmasdan ko na lang si Benj na umupo sa mga upuan doon sa gilid. Napayuko siya at napahawak sa kanyang ulo. I saw his body is shaking. Papalapit na sana ako sa kanya nang may lumapit na nurse kay Benj.

"BES!"

Napatingin agad ako sa pamilyar na boses iyon. "ALY. OH MY GOD, BES." Tumatakbo paputa sa direksyon ko si Nica. Nakita ko rin si Karl, ang mga magulang ko, si Andy, si Nats, si kuya Harry, at ang mga magulang ni Gideon.

I feel my heart aches.

Nakita ko ang pagbagsak ng luha ng mom ni Gideon. Muntik na itong bumagsak pero mabuti na lang nandoon ang asawa niya. Napayakap naman si Nats kay Harry. At nakatingin si mom at dad sa akin. Napatakip ako ng bibig.

"Bes..." May katawan na yumakap sa akin. Muntik na akong mapabitaw pero mabuti na lang mahigpit ang pagkakayakap ni Nica sa akin. "Magiging okay lang si Gideon." Iniangat ni Nica ang ulo ko. Hinawakan niya ang pisngi ko. "Hindi siya pababayaan ni Lord, bes. Ano ba!" I wish I could be strong as Nica. "Sa ngayon, pagamot muna natin 'yang mga sugat mo." Hindi na ako nakasagot dahil hinatak na ako ni Nica sa isa mga kwarto.

Agad na may nag-assist sa aming mga nurse. Si Nica ang kumausap sa kanila. Hindi ko na naintindihan dahil unti-unti akong napapakurap. Sinubukan ko lang buksan ang mata ko pero hindi ko nakakayanan hanggang sa unti-unti dumidilim ang paningin ko at may sumalo na lang sa akin.

And there is darkness.

**

My eyes adjust at the light of this room. Unti-unting bumukas ang aking mata. Napangiwi ako ng buksan ko ang aking bibig marahil may sugat ako sa gilid. Para akong isdang binubukas sara ang bibig para makahinga.

"Goodness, Alysson Jane!" Napatingin ako sa nagsalita. "Akala ko kung ano na nangyari sa'yo!"

"Nica," I say her name. Biglang napangiti si bes sa akin. Napuno agad ng pag-aalala ang kanyang matang nakatitig sa akin. Hinawakan pa niya ang kamay ko. "Okay lang ako...si—" Napalunok ako. My heart hurts saying his name.

"My son is stable now, Aly. Don't worry." Hinanap ng mata ko iyong nagsalita. Gusto ko sanang umupo pero hindi ko magawa dahil walang akong lakas. I tried but I failed. "O darling, don't move. Azel is really okay now. You both need to rest." Gideon's mom. Tita Hazel smiles at me.  Katabi niya ang kanyang asawa at parehas silang nakatingin sa akin. Tumango ang dad ni Gideon sa akin. Napatingin ako doon sa dalawang tao sa gilid na nakaupo. My mom and dad. Kita sa mukha nila ang pag-aalala.

Pero sumisikip lang ang aking dibdib. "I'm so, so sorry." Napabitaw ng hawak si Nica sa akin. Umatras si Nica nang papunta ang mom ni Gideon sa akin. "I'm so, so sorry," pag-uulit ko nang makarating siya sa pwesto ko.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon