Kabanata 28

13.9K 318 24
                                    

Kabanata 28

Sumuka

Naging normal ang mga nagdaang araw sa amin ni Gideon. Ilang linggo na rin pala ang lumipas. Siya, nagtatrabaho sa kumpanya nila. Ako naman nag-aakikaso sa kanya. Minsan naman pumupunta ako sa kumpanya nila para dumalaw at sa department ko dati.

Pero ngayon maaga siyang umalis dahil may gagawin yata siyang importante. Hindi na nga niya nakuha sa aking makapagpaalam ng personal kaya sa text na lang siya nagpaalam. Kaya ngayong hindi ko naman alam ang gagawin ko. Naging busy na kasi si bes ngayon. At sila mom at dad busy na rin.

"Baby!" napatayo ako ng may sumigaw. Napatungo agad ako sa gate.

"Karl! Karl! God, Karl!" Napayakap ako ng makita siya. Kasi naman may makakausap na ako ngayon. Sana naman magtagal siya rito.

"Baby!" sigaw niya noong nakayakap sa akin. Kumalas naman ako ng yakap sa kanya at sinimangutan siya. "O bakit na naman?" inakbayan niya ako at naglakad na kami papasok ng bahay.

"Ba't mo ba laging sinasabi 'yan?" sumbat ko.

"Wala ang cute," aniya at lumabas ang malalim niyang dimples. Grabe silang dalawa hata ni Gideon 'yung taong hindi tumatanda at parang pagwapo ng pagwapo kahit sa anong gawi.

"Hindi naman! Lagi mo sa aking pang-asar 'yan kapag wala si Gideon sa tabi ko," inalis ko ang akbay niya sa akin. At umupo sa sofa.

"Wala e, pinabantayan ka na naman niya sa akin. Alam ko nagtatrabaho ako sa kompanya bilang manager ng isang department pero hindi ako nag-aalaga ng bab—" kinurot ko na sa tagiliran si Karl. Grabe naman!

"Hindi ka naman yata pinilit!"

"Hindi?! E halos sigawan na ako mabantayan ka lang! Tapos may nagbabantay bang dapat hindi dumikit sa binabantayan?! Putcha! Aly, bawal ka ngang hawakan e!" Bigla namang nagulat si Karl sa sinabi niya at lumayo sa akin. "O paano na tayo nito?"

"Sinabi talaga ni Gideon 'yun?"

"Putcha! Oo! Ano bang pinakain mo don at napakasarili kapag sa'yo?!"

"Hindi ko alam!" agad kong iniwas ang tingin sa kanya. "Hindi naman siguro ganun si Gideon. Pwede ka namang lumapit sa akin. Ano naman gagawin natin kung nakalayo ka?"

"Aba! Ewan ko," lumayo pa si Karl sa akin.

"Sa pool na lang tayo ngayon! Tapos kwentuhan mo ako ng tungkol kay Gideon noong college kayo?" bigla akong lumapit sa kanya. Pero lumayo naman siya at tinaas ang kamay.

"O! Don't touch me! Mapapagalitan ako ni Azel!"

"E Karl!" kumapit na ako sa braso niya. "Hindi 'yan! Tara na don!" Inakay  ko na si Karl papuntang pool.

"A! Aly! Kapag talaga ako naabutan na ganito kalapit sa'yo! A! Mapapagalitan ako nun!"

"Hindi 'yan!" Mabuti na lang nakatsinelas lang si Karl kaya pwede namang ibabad 'yung paa namin sa pool. Nauna na akong umupo. Sumunod naman si Karl na umupo pero medyo malayo sa akin. "Hindi ka naman papagalitan nun. Lumapit ka na sa akin," umusad ako sa pwesto niya.

"Huwag na Aly! Dyan ka na lang kekwentuhan naman kita!" Napasimangot na ako. Bahala na nga. "Noong college kami naging kaklase ko si Gideon sa isang subject. Tahimik na talaga 'yun dati. Lapitin ng babae. Pero hindi pinapansin. Akala ko nga magiging matandang binata 'yun dahil hindi talaga siya umiimik. Naging close ko siya dahil pinagpartner kami. Putcha! Alam mo 'yung project na 'yun?! Wala akong ginawa pero shit! Uno kami," ngiting ngiti si Karl nung inalala niya 'yun.  Napapikit lang ako kasi ang hirap titigan si Karl ng matagal dahil sa dimples niya.

"Ganun? Uhm...si Diane paano niya nakilala?" Biglang napaubo si Karl sa tanong ko. Hala wala namang masama sa tanong ko.

"Graduate na kami nun. Malapit ng matapos 'yong kompanya. Si Diane secretary ng tatay niya. Tapos alam na!" ngumisi si Karl sa akin. Napalunok naman ako sa huling mga salitang sinabi niya.

"Paanong alam na?!" biglang napakunot ang kilay ko.

"Naging sila. Putcha! Nagpainom pa ako! First time!" napasimangot na ako sa sinabi ni Karl. "Pero sandali lang. Ang alam kong rason ay dahil mas gusto ni Diane na ipagpatuloy ang career niya sa modeling. Ewan...pero may iba sigurong rason." Karl shrugged his shoulders. Nilaro niya ang kanyang kilay na para mong may sinasabi siya sa akin na rason dahil tumititig siya sa akin.

"A! Ganun!" Napatango na ako.

"Pero ano naman ang laban ng isang Diane kay Aly? Putcha, nalaman ko 'yung tungkol sa inyo. Ikaw pala rason. Ikaw ang laging rason. Azel tried to have relationship with Diane just to forget you. What the fuck?" biglang lumapit si Karl sa tabi ko. Inakbayan niya ako at pinisil pisil ang braso ko. "Wala kasing tindi ang lason mo Aly kay Azel." Humalakhak na si Karl. Nahiya naman ako sa sinabi niya. Naalala ko tuloy 'yung sinabi niya dati noong pinakita niya sa akin 'yung papel.

"A? E? Ganon?"

"Kaya wala ka ng dapat ikabahala. Iyong iyo siya. Noong hanggang ngayon sa'yong sa'yo pa rin siya," napangiti na ako sa sinabi niya. Sa lahat nang nangyari sa amin. Simula nung walang bisang kasal,  sa proposal niya dati, sa aksidente, sa kompanya hanggang ngayon. Everything na nangyari sa amin naging worth lahat ang paglaban namin kasi naging masaya na kami ngayon. Binigay lang ng Panginoon ang pagsubok na iyon sa amin para mapatatag kami ng sobra. "Kaya baby, huwag ka—"

"Ehem," biglang lumayo si Karl sa akin ng marinig ang pamilyar na boses. Este 'yung pekeng ubo. Tumayo siya kaya napatayo ako.

"Azel?!" Napalunok siya ng bigkasin ito. Napaharap naman ako sa tinititigan ni Karl. Bigla akong napangiti ng makita siya. Seryoso ang mukha niya habang tinitignan si Karl.

"Gideon..."tumingin naman siya sa akin. Lumapit na ako sa pwesto niya at kinuha ang coat na hawak niya.

"Ge! Una na ko!" Tumakbo na si Karl. Lumabas na siguro 'yun. Ano naman nangyari don?

"Yes, baby?" bigla akong umiwas ng tingin nang kumurba ang labi niya. God! Ito na! Napailing na lang ako kasi wala na-miss ko lang 'yung pagtingin niya sa akin. 'Yung tingin niya na parang ayaw ka niyang pakawalan pa. God! Ano ba 'tong iniisip mo, Aly?!

Tumango naman si Gideon sa iling ko. "Uhm...ano nga pala?" Anong ano nga pala Aly? E wala ka namang sasabihin?! Grabe, hanggang ngayon kahit anong gawin ko, kinakabahan ako sa kanya. Hindi na ba nawawala 'tong kaba?

"Wala ba akong yakap?" napatingin na ako sa kanya. Bakit ba kilalang kilala na ako ni Gideon?!  Na alam niya na wala naman akong sasabihin?!

Yinakap ko na siya. Naramdaman ko naman ang bisig niya sa akin. Bakit parang nag-iba ng pabango niya? Bakit parang hindi maayos sa pang amoy 'yung pabango niya ngayon? Medyo lumayo ako sa kanya kasi ayoko ng pabango niya.

Kumalas ako at nagtanong. "Kamusta nga pala lakad mo?" dumistansya ako sa kanya at nilagay sa upuan 'yung coat niya.

"Good. Matatapos na," sabi niya at lumapit sa akin. Umatras ako ng kaunti at medyo inayos 'yung coat niya. Medyo ayoko lang talaga ng coat niya kasi para akong nahihilo sa amoy.

"A, ano ba 'yung tinatapos mo?' naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko kaya napatalon ako. God! Ayoko namang mabuwal sa harap niya?! Nahihilo at parang nasusuka sa amoy niya. Hindi lang siguro ako sanay sa bago niyang pabango.

"A business. A dream," aniya. Pinaharap naman niya ako sa kanya. Bigla akong napalunok na parang nasisikmuran ako kasi para talaga akong masusuka sa amoy niya. Tumindi na 'yung amoy sa akin. At parang lasap na lasap ko na.

Hindi na lang ako huminga ng ilapit niya ang sarili sa akin. "...everything is for you. Konti na lang naman matatapos na 'yun," pakiramdam ko hindi ko na kakayanin 'yung amoy niya. Ayoko na. Ayoko na. Napakapit na ako sa braso ni Gideon. Napakalas na at napatakip ng bibig.

Lumunok ako at hindi ko na talaga nakayanan. "O God!" nagtatakbo na ako sa kusina at sumuka.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon