Kabanata 10

16.7K 380 23
                                    

Kabanata 10

Hickey

"Bes ang init-init naka-scarf ka?" pagtataka kong tanong habang papunta kami sa isang pond dahil mangingisda kami. Alas dyes ng umaga at napakainit sa nilalakaran namin pero naka-scarf ang leeg niya na parang may tinatago.

"Bes...ano—ano ka ba! Ano...'to—fashion!" She said, nervously. Mas lalo pa niyang inayos ang bulaklaking scarf sa kanyang leeg. Nakasimpleng shirt at maong shorts si bes. Pero ang pinagtataka ko lang, bakit naman naisipan ng best friend ko ang mag-scarf? Alam ko ayaw na ayaw niya 'to? Isang mainiting tao pa naman 'tong si Nica.

"A...okay!"

Patuloy kaming naglalakad na apat papuntang pond at nadadaanan namin sa bukid ang mga palayan. Mainit sa balat ang sinag ng araw at nakalimutan ko namang magdala ng payong. Nauuna kaming naglalakad ni bes habang si Gideon at Karl nasa likod namin.

Nagkita-kita kami noong mga ala sais ng umaga sa Taal toda—isang paradahan ng tricycle. Malapit-lapit lang ang bahay nila bes doon sa bahay ng lola ni Gideon. Tinext ko sila kahapon. At kanina ko lang nalaman na bago pa mangyari 'yong kasal nila ay nakaplano na 'tong pagpunta namin sa Bulacan.

"May tinatago kasi 'yan...Aly." May biglang bumulong sa akin. Tumaas ang buhok ko sa boses ni Karl. Agad akong napalayo at napahawak sa gilid ng leeg ko.

"Anong tinatago?" tanong ko. Pasalit-salit ang tingin ko kay Karl at Nica. Si Nica naman nangangasim na ang mukha at namumulang tinitignan si Nica. Handa na ang kamay nito na sobra ang pagkakayukom.

"Pa'no ikaw ang may kasalanan!" Biglang sinapak ni bes si Karl sa panga. Kitang-kita ko ang pagngiwi ni Karl sa binigay ni Nica. Napalunok ako sa galit at inis na mukha ni bes. Hindi ko inaasahan na papunta si Karl sa likod ko para magtago. Pero ito namang si Karl, tawa lang ng tawa. "Ikaw kasi!" sigaw ni bes. Hindi ko alam kung naiiyak na ba 'to o sobrang naiinis lang.

Ano ba kasing ginawa ni Karl para mag-scarf si Nica? At sobrang galit na galit naman si bes? Ha? Ano 'yon?

Tinignan ko si Gideon para makakuha ng sagot pero pigil na pigil ang tawa niya. Habang ako, gulong-gulo sa nangyayari. Ano ba? Ako lang talaga ang clueless sa nangyari.

"Gusto mo rin naman a!" natatawang sabi ni Karl.

Nanlaki ang mata ko nang pasugod si Nica sa amin ni Karl. Agad 'kong kinontra si bes. Para akong bata na isinangga ang bawat bira ni Nica. Grabe, pati ako nadadamay sa dalawang ito. Nang mahimasmasan si Nica agad kong hinawakan ang kamay nito at nagsalita, "Kalma, bes. Hinga. Ano ba kasing ginawa ni Karl sa'yo?" I look at Karl. Kamot-kamot niya ang batok. Ngayon tumabi ito kay Gideon.

"Wala!" Iniwas ni Nica ang tingin sa akin. Nagmamadali na itong lumakad at iniwan niya akong pinagmamasdan siyang maunang maglakad papunta sa pond. Umihip ang hangin nang tignan ko si Karl at Gideon. Parehas silang nagkibit-balikat kaya ganon na rin ang ginawa ko.

**

Looking at Gideon right now, hindi ko siya magpakakalaman na may-ari ng isang kompanya. Nakatupi ang pantalon niya sa gitna ng binti niya habang may sombrero na suot siya sa ulo na bigay ni Karl. Dumagdag pa 'yong kasimplehan ng kulay gray niyang shirt na yumayakap sa upper body niya. Ugh. Mali talaga na dinedescribe si Gideon. Nahihirapan ka lang na hindi siya alisan ng tingin.

Parehas kaming nakaupo ni bes at hinihintay ang isda na kumagat sa pain namin. Pero hindi ko namang makausap ng maayos si bes dahil nakabusangot pa rin ang mukha nito. Hindi niya talaga pinapansin si Karl kahit anong suyo nung isa.

"Bes, okay ka lang talaga? Sabihin mo lang kung anong ginawa ni Karl, kakausapin ko siya ngayon na," ani ko. Hinawi ko ang buhok ni bes. Tumayo at umupo ako sa likod niya para ipusod ko ang buhok niya. "Sige na, bes. Ano ba 'yong ginawa ni Karl sa'yo?" tanong ko ulit. Sana hindi makulitan si Nica sa akin.

"Paano ba? Uhm..." Napatigil si bes na nagbigay pagkakataon sa akin na tignan si Gideon. He nods at me and smiles. Nginitian ko rin siya at binaling ang atensyon kay bes. Natapos ko na ring pusuran si bes kaya umupo na ako at hinawakan 'yong pamingwit. "Hindi ba kayo nagka-cuddle ni Gideon? Kahit minsan?" Napalunok ako sa tanong ni bes.

Ano bang isasagot ko?

"Uhm...oo," kagat labi kong sagot.

Urgh...grabe naman. Parang awkward naman ng ganitong usapan.

"Pero dumadating ba sa point na naging agresibo siya—si Gideon sa'yo? I mean, kiss mark, love bite, mga ganon—"

"Oh my God!" awat ko at tinakpan ang bibig ni bes. "Don't tell me...kaya ka may scarf is because of..." Lumapit ako kay bes at bumulong, "Hickey." Inalis ko ang kamay ko sa kanya at buong pusong tumango si bes.

"Di ba nakakainis 'yon bes? Ikaw ba hindi ba nakakaranas non? Minsan ba kinagat ka na ni Gideon? Sa labi?" Bigla akong napahawak sa labi ko. "Sa leeg?" Dalawang kamay kong hinawakan ang leeg ko. "Nakakainis bes! Nakakainis talaga 'yang si Karl!" Wala na, nagdadabog na naman si bes at nabitawan na niya ang pamingwit.

"Babe...sorry na. Hindi ko naman kasi napigilan ang sarili ko..." Biglang lumitaw si Karl sa pwesto namin. Napatayo ako at si Karl naman ang umupo sa dati kong pwesto.

"Lumayo ka nga sa 'kin!" sigaw ni bes ngunit hindi naman sinunod ni Karl. Napaatras na lang ako para bigyan privacy ang dalawang 'to. Pero ibang klase rin naman kasi 'tong si Karl sa pagiging agresibo. Ito namang si Nica, ano—aba! Ewan ko na lang. Bahala na nga lang sila mag-usap.

Umatras ako hanggang sa nabangga na ako. Napatingin ako doon at si Gideon pala 'yong naatrasan 'ko. "What happened?" he asked, smiling. Kumunot ang noo ko na parang alam na rin naman ni Gideon ang nangyayari pero nagtatanong pa siya.

"Paano...si Karl, binigyan ba naman ng hickey si Nica..." Umiwas agad ako ng tingin. Urgh...medyo awkward. "Ayon nagmumokmok. Alam mo naman 'yang si bes, ganyan talaga magreact kapag kay Karl," I added.

"I heard her..." I gulp. Nanlalaki matang tinignan ko si Gideon. "You told her, we cuddle." Lunok.

"So?" Nanginginig labi kong tanong.

"I missed it," ngumisi si Gideon sa akin pagkatapos ay kumurba ang labi niya. Ilang beses pabukas-sara ang mata ko sa sinasabi niya sa akin. Inalisan ko siya ng tingin saglit at tinignan si Karl at bes na ngayon ay naghahalikan. O good Lord. Umiwas ako at si Gideon naman ang natagpuan ng mata ko. Oh my God.

Naalala ko 'yong sinabi ni bes na ginawa ni Karl kaya napahawak ako sa leeg ko. Naku...naku...Gideon! Halos sumisigaw na ako sa loob-loob ko sa tinging binibigay ni Gideon sa akin at sa tawa niyang nakakaakit. Damn.

"O...baby..." Napatingala siya sa kanyang tawa. Lunok. "Hindi naman ako katulad ni Karl," aniya. Napabuga naman ako ng hininga. Gideon touched my hands on my neck. Unti-unti niyang inalis iyon at hinalikan ang tungkil ng ilong ko. Pumikit siya hanggang sa hinalikan ang labi ko pagkatapos ay nagsalita, "Pero kung gusto mo naman, gagawin ko." My eyes went wide, again at his statement. Lalayo na sana ako nang bigla niyang halikan ang labi 'ko. "C'mon, baby, let's just cuddle today instead of fishing."

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon