Kabanata 1

40.7K 577 35
                                    


Kabanata 1

He'll make it

My eyes went wide with horror. Parehas kaming bumagsak sa lupa. Ito iyong pakiramdam na parang tumigil 'yung mundong ginagalawan mo. Ito iyong pakiramdam na parang wala ka ng rason para mabuhay pa. I think I'm screaming. Pero wala akong tunog na naririnig. I'm screaming. I think I'm screaming.

I remember the boy who asked me if I want to watch the race when I was seven year old. I remember the boy who was there for me when kuya Harry left. Iyong lalaking nagbigay sa akin ng pangakong babalik siya sa akin. At bumalik nga siya sa akin. Hindi ko alam noong una kung bakit kailangan kong magpakasal kaagad. Hindi ko alam na siya iyon. Na bumalik na siya sa akin pero puot lang at pagdududa ang binigay ko sa kanya noong una. He never forced me to do something. Noong una hindi ko alam bakit kabutihan ang binibigay niya sa akin. Naguluhan ako hanggang isang araw may sinabi siya. I remember Gideon saying he loved me and he never coerced me to love him back. He had the faith and trust on me. Iyon ang naging pundasyon niya. At hindi ko alam unti-unti akong bumibigay doon sa ginagawa niya. I never had a boyfriend at hindi ko alam paano nangyaring nahuhulog ako sa kanya. I never know how I fell in love with this man. I just did. My heart and soul wanted it. I wanted him. Gideon is kind and selfless and my everything. Dapat ako na lang! Dapat hindi niya na lang sinalo 'yung bala na para sa akin!

But now, I don't even know how to move. Nanlalabo ang mata ko sa luhang bumabagsak. Sumisikip ang dibdib ko sa nakikita ko. Nagunaw iyong mundo ko sa nakikita ko."Gideon..." Hindi ko alam ang gagawin. I wanted to say something. But only a sob escape from my mouth. And I'm screaming again. I scream until my throat hurts...until I don't know what to do anymore. Hinawakan ko ang pisngi niya. I saw pain on his face. His eyes are closed. My chest aches. "Gideon...please." Tinignan ko siya. Nakalagay ang isang kamay niya sa may dibdib niya. And I wanted to scream again...again and again. May dugo...may dugo. "Gideon!" Please. Please. This is not even possible. Sobra siyang nasasaktan. Mabagal ang paghinga niya at kitang kita ko ang pagkirot nito sa kanya. He tried to open his eyes pero hindi na niya kinaya. "GIDEON...NO!" I cried my heart out. No...

"Goodbye Mr. Jimenez." Napatingin ako sa nagsalita. NO! Nakita ko agad ang mala-demonyo ngisi ni Nick. Umiling siya sa akin at tumawa. Hindi! Hindi! Hindi totoo iyon! Tinignan ko si Gideon hanggang sa niyakap ko siya.

"No...please. Please, Gideon!" I hugged him. Please, hindi ko kaya kapag nawala ka. I am soaked with his blood. My inside is screaming because I can't even scream anymore.

"Your time," ani Nick. Ngumisi siya ulit at tinutok ang baril sa aking ulo. Lumakad pa siya papalapit sa akin hanggang nasa noo ko na ang baril.

"Go!" I barked. "I SAID GO! SHOOT ME!" Mahigpit kong hinawakan si Gideon sa akin. "GO!" I screamed.

He shook his head. "How pathetic Alysson. How pathetic you're begging." He laughed. And I want to kick him. I want him to die. I want him gone in this world!

"GO TO HELL!" singhal ko. Tumawa ulit siya. Tinutok niya ng mabuti ang baril sa aking noo. Naramdaman ko ang lamig nito sa buong sistema ko. I gulped. Tumingin ako sa kanya.

"Well, your wish is my command, princess. Goodbye Al—" And bang. Napatalon ako sa putok na iyon. Napapikit ako hanggang sa idilat ko kung saan nanggaling iyong putok ng baril. Hindi sa akin. Hindi sa akin tumama.

Nakita ko na lang nakalupasay sa lupa si Nick. Someone shoot him. May tumamang bala sa kanya. At kitang kita ko ang pag-agos ng dugo sa kanya. I screamed.

"AJ!" May papalapit sa pwesto namin. Napaiyak ako nang makita siya.

"Benj!" My lips are trembling. "Benj..." Tumakbo agad si Benj nang makita niya ako. He cupped my face and kissed my forehead. I hear him swear under his breath. "Si Gideon...Benj...si Gideon..." A sob escape from my mouth. Kumalas si  Benj ng hawak at tinignan ako hanggang sa bumaba ang tingin niya sa lalaking nasa akin. Napaawang ng bibig si Benj nang makita si Gideon.

Gideon is not even moving!

"Hindi na siya...gumagalaw...Benj..." I cry again. My eyes hurt in crying. "Please...Benj." Tumango si Benj sa akin. Agad siyang yumuko at tinapat niya ang kanyang tenga sa dibdib ni Gideon.

"Tulungan mo ako! Kailangan madala na siya sa hospital!" I don't move. Benj look at me. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. "AJ, please!" I jumped and looked at Gideon. Tumango ako kay Benj. I need to be strong for him. He needs me.

Kinuha ni Benj si Gideon sa akin. Inalalayan ko 'yung ulo niya. Papabuhat na sana si Benj kay Gideon nang may ilaw na tumama sa amin. Someone shouted. Hindi naging malinaw sa akin iyon dahil nakatitig ako sa kanya. I want to touch him pero hindi ko magawa.

Lord, please not him...Lord please. I pray.

Nagsidatingan ang mga pulis. Agad nilang pinaligiran ang lugar. Benj is shouting for help. Agad na may lumapit sa amin. Kinuha nila si Gideon kay Benj. I can't move. I don't know. I can't move. Pinagmasdan ko kung paano nila pinasok si Gideon sa ambulansya at kung paano pumapatak sa lupa iyong dugo niya noong papasok siya. My mind is shouting again. I don't know what to do. At napaupo na lang ako sa lupa nang umandar ang ambulansya.

Someone approached me but I can't hear him. Someone touched my shoulder but I can't move.

"AJ!" I looked at him. Niyakap niya ako at hindi ko alam kung bakit hindi na ako makaiyak. Wala na ba? Wala na ba?

"Benj..." I shook my head.

Paano kung wala na? Paano kung mawala na siya sa akin? This is my fault! Ako ang may kasalanan nito!

"AJ tara na...kailangan ka niya." Benj stares at my eyes. He's begging. Nanlalambot ang tuhod ko kaya inalalayan ako ni Benj na tumayo. Para na akong binubuhat ni Benj sa pagpunta namin sa isa sa mga kotse dito. Hindi ko alam kung paano ako nakasakay. Hindi ko alam kung anong sinasabi pa ni Benj. Lutang na lutang ang aking isipan.

I'm so tired. Pagod na pagod na ako sa lahat.

"Let's go?"

Hindi ko napansing bumaba na si Benj sa kotse. Hindi ko napansing nasa hospital na kami. Benj offers his hand to me. Kinuha ko iyon at bumaba sa kotse. Sobra ang pag-alalay ni Benj sa akin na halos yakapin na niya ako makalakad lang.

Naging mabilis ang paglakad namin papasok sa hospital. Nagtanong si Benj sa isa sa mga nurse. Narinig kong sinabi ng nurse iyong emergency room. Hinawakan ni Benj ang kamay ko at tumakbo kami kung saan.

Napahinto ako nang makita ko siyang nakahiga sa strectcher. Tinutulak siya ng mga nurse at napatingin ako sa taas ng kwartong papasukan niya. Emergency room.

Humigpit ang hawak ni Benj sa akin nang papakalas ako sa kanya. But I jerk his hand. Tumakbo ako para maabutan siya bago siya ipasok sa emergency room. May humarang sa aking nurse ngunit nagpipiglas ako.

"Gideon," I breathed his name.

May humawak na nurse sa akin nang maaabutan ko sila. Agad kong hinawakan ang kamay ni Gideon. "You'll make it. Promise me. Promise me, Gideon..." My tears are streaming down on my face.

"I'm sorry miss." Isa sa mga nurse ang nagsabi nito. May biglang yumakap sa akin ng mahigpit. Hindi na ako nakapalag. Napabitaw ako ng hawak kay Gideon hanggang sa ipasok nila siya sa loob ng emergency room.

He'll make it. I know. Kakayanin niya 'to.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon