Kabanata 27

15K 334 30
                                    

Kabanata 27

From us

"Ready!" Agad kong binaling ang ulo ko kay Gideon na kakasakay lang ng kotse. Hindi na niya tinago ang kanyang ngiti at umiling sa akin. Ayos na ayos at sobrang neat niya talaga kapag ganitong papasok siya sa trabaho. Side part ang ayos ng kanyang buhok kaya lalong nakakaakit. Umiling ako para hindi mapatitig sa kanya.

"By the way, may meeting pala ako pagdating sa kompanya."

"Kila Manager muna 'ko—I mean kila Jas muna." Ngumiti ako at sabay pa kaming naglagay ng seatbelt. Ini-start ni Gideon ang engine. Tumingin sa likod bago tuluyang paandarin ang kotse. "Na-miss ko rin sila e."

"Sure? Pwede ka naman sa office ko. O kaya kasama ko." aniya.

I shook my head. "Nope. Doon na lang ako kila Jas."

"Okay.  Sure?" he asked.

Hala, ba't naman ang kulit nitong si Gideon.

"Sure!" Tinaasan ko ang aking boses para hindi na siya mag-alala o magtanong pa. Saka miss ko na talaga sila Jas. Noong nandoon ako sa Autohub sobrang busy ng mga tao na hindi ko na makausap ng matino. Kaya ngayong maayos na ang lahat, gusto ko namang makausap sila Jas, Belle, at Renz. Baka nga wala rin si Manager doon kasi kasama rin yata doon sa meeting. "Text mo na lang ako kapag tapos na kayo para aakyat na ako sa office mo? Namiss ko rin 'yong emoticon mo e." Ngumisi ako sa kanya.

"Really?" He said, smiling.  Gideon shook his head. "From now on, I will never use those emoticons. Really. You're making fun of me, baby."

"Hala! Bakit naman? Ang cute kaya!" Napabungisngis ako. Inalisan siya ng tingin at sikretong tumawa. Imagine, Gideon Azel S. Jimenez is using emoticons? Ay grabe! Grabe talaga! Ni hindi ko ma-imagine 'yon dati! Pero ngayon naman sana gamitin niya. "Si Manager nga kulang na lang emoticons 'yong itext niya sa mga messages niya kay bes e. Wala namang nakakahiya. Gayahin mo 'yang si Karl. Nabibwisit man si bes pero ang sweet. Super sweet." Naalala ko tuloy 'yong minsang text ni Manager kay bes at talagang sa sobrang bwisit ni Nica ay pinakita niya sa akin para itranslate namin 'yong emoticons sa text. Iritang-irita si bes non pero nang malaman namin 'yong text. Ay naku, sinikreto pa ni Nica 'yong pagngiti ng malaki. Kunwari nabibwisit pero laglag panty na si ate.

"How 'bout me? Am I not that sweet?"

I gulp.

Grabe. Grabe naman 'tong si Gideon.

I scoffed before turning my head. "Sweetest. You're my Gideon. Of course, you're the sweetest." Tumikom ang bibig ni Gideon ngunit hindi naitago ang ngiti. Patuloy siyang nagmaneho at pinagmasdan ko na lang. Hindi na siya nagtanong pa.

**

"Ay naku! Kumakalat 'yong balita na magbabawas daw ng empleyado ang Autohub dati. Gravity 'te! Kabog ang puso ko doon 'te! Hindi pa tapos 'yong kapatid ko si Jasmine no! Mabuti na lang talaga ang galing ni Sir. Jimenez. Boss na boss," ani Jas. Tumayo siya sa kanyang cubicle at kumuha ng tubig. Sinundan namin siya ng tingin nila Belle at Nica. Busy pa 'yong boys sa pinapagawa ni Manager sa kanila kaya wala sila rito sa amin.  May kapatid si Jas—I mean itong si Julio, Jasmine talaga 'yong pangalan.

"Kinabahan din ako doon, bakla! Matagal na ko rito kaya kinabahan ako noon." Umiling si Belle pagkatapos niyang magsalita. "Mabuti na lang ang galing talaga ng team Autohub. Iba talaga si Sir Jimenez, may puso!"

"Gaga may puso naman talaga si sir. Saka malaki rin 'yong ano non di ba, Aly?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jas sa akin. Bumaling ang atensyon nila sa akin. Tinignan ko silang lahat at malaki ang ngisi nila sa akin pati 'tong si bes! Parang nagkakaintindihan silang lahat maliban sa akin.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon