Kabanata 23

15K 323 46
                                    

Kabanata 23

Come with me

Sa sobrang pagmamadali kong makapunta sa bahay nila Mom at Dad ay nakalimutan ko ang phone ko sa bahay. Ni hindi ko na pinabalik 'yong driver para kuhanin iyon dahil kulang na sa oras. My Mom told me na pumunta sa bahay exactly 7 p.m. para 7:30 nasa event na kami. Mom and Dad invited me na sumama sa kanila. Umoo na 'ko dahil wala rin naman akong gagawin.

Well, nag file na ako ng resignation sa company ni Blade. I don't want to continue working on his company. Ano pang rason ng pagpapatuloy ko? I'm still affected on the record I've heard. Hindi ko alam kung totoo. Hindi ko alam kung sinabi ba ni Gideon 'yon? I don't know dahil wala naman akong naririnig tungkol sa kanya. Wala pa rin kaming communication sa isa't isa. Anong paniniwalaan ko?

Huminto ang kotse sa tapat ng gate ng bahay nila Mom at Dad. Natanaw ko na sila kaya walang paglagyan ang saya ko. Kumaway pa si Mom sa akin kaya napababa ako ng walang ingat kahit na suot kong ngayon ang isang eleganteng evening dress.

"Sweetie..." Mom called me.

I beam at her.

Nagmamadali akong makalakad papunta sa pwesto nila ni Dad.

"You look so stunning, sweetie." Mom smiled, sweetly. Tinignan ko siya sandali pagkatapos ay niyakap ng marahan. Mom is wearing a dark blue dress na hanggang sa ilalim ng kanyang tuhod.

"You, too, Mom." Kumalas ako ng yakap.

"How about me, baby girl?" May sumulpot na boses at napabaling ako ng atensyon sa taong katabi ni Mom—si Dad.

"Dad!" I grinned. "Syempre, gwapo! Walang tatalo sa kagwapuhan!" I cheerfully said.

"O, come on." My Dad spreads his arm. "Come here and give your daddy a hug! Kahit kailan talaga Alysson Jane," natatawang sabi ni Dad. "Hindi ka talaga nagsisinungaling," he added.

"Of course, Dad, hindi no. Ito ba naman ang ibubunga niyo ni Mom?" Itinuro ko ang sarili ko at pinaglaruan ang kilay. Mom and dad both laughed at mya action.

"Tara na nga. Mamaya niyo na lang ituloy 'yang pagbibiruan niyo." Parehas kaming hinawakan ni Mom sa balikat. Napatingin kami ni Dad sa isa't isa at napatawa na lang.

**

Sa isang hotel ginanap ang party na in-attend namin nila Mom and Dad. Naging kasosyo dati nila Mom and Dad 'yong celebrant kaya naimbitahan sila. Ginanap ito sa pool side ng hotel. Elegante ang pagkakaayos ng event. May maliit na stage. May nagvi-violin sa tabi ng stage habang may pianist rin katabi non. Ayos na ayos ang mesa na may kulay na puti at asul. Ang kabuuang kulay ng event ay asul. Ang nagpaganda ba sa lugar ay iyong kulay na gumagala sa pool na minsan nagrereflect na nagiging violet or pink.

Pero hindi lang talaga ako makasabay sa pinag-uusapan nila Mom at Dad kasama 'yong mga kakilala  nila sa industriyang ito. Nanunuyot na ang labi ko kaya panay inom ko ng tubig para lang may gawin man lang ako.

"O, wait, you must be the wife of the owner of Autohub," someone asked me, a woman na kasing edad ni Mom. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Ngunit hindi pa yata siya nasiyahan sa tango ko. "Where he is? Nandito ba siya ngayon?"

Napaloob ako ng labi sandali at ngumiti. "Wala po. Nasa London may inaakikaso po."

The woman nods at me. Hindi na niya muling dinaagdagan ang sasabihin dahil kinausap siya ni Mom. Si Dad naman napatayo dahil may kakausapin siguro sa kabilang table. Ako naman tumayo rin para maglibot dito. Since wala naman akong kilala rito kung hindi ang magulang ko ay maglilibot-libot na lang ako.

Nagsimula akong maglakad at nginingitian ang mga taong tumatango sa akin. I heard their whispers. Tungkol sa amin ni Gideon. Ganon naman 'yon. Pero ngiti lang ang ginaganti ko sa kanila. Hindi naging abala ang dark green evening dress ko sa pagtakas sa nakakasakal na event na 'yon para magpahangin. Simple yet elegant ito. Off-shoulder ito kaya gustong-gusto ko. Parehas talaga kami ng taste ni Mom.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon