Kabanata 29

13.5K 315 11
                                    

Kabanata 29

Nagdilim

"Are you okay?" napaharap ako kay Gideon pagkapunas ko ng bibig. Tumango ako. Pero napalunok ulit ako at napatalikod nang  maamoy ko ulit siya. Nasuka ulit ako. God! May nakain hata ako kanina na hindi kinaya ng sikmura ko. Kain kasi ako ng kain. Ito tuloy nasusuka ako. At ngayon pakiramdam ko nawalan ako ng lakas. Gusto ko na lang humiga at maramdaman ang kumot sa katawan ko.

"I'm fine," napapikit ako at hindi huminga nang humarap sa kanya. Nagmamadali akong pumunta sa isang upuan dito sa kusina. Mabuti na lang may tubig at ininom ko agad iyon. Kaninang umaga masama na talaga ang pakiramdam ko pero hindi ko na lang ininda. Pero sa hindi ko pagpansin pala rito mas lalong sumama ang nararamdaman ko. Gusto ko ng matulog.

Napatayo na ako. "Gideon, matutulog na muna ako," hindi ko na lang ipapaalam sa kanya na masama ang pakiramdam ko.

"Okay ka lang ba talaga?" napatango ako pero hindi ko siya tinignan. Napapikit ako nang marinig ko ang yabag niya na papunta sa pwesto ko. God, hindi muna ako hihinga kasi natitiyak kong masusuka talaga ulit ako kapag naamoy ko siya.

"Kumain ka na. Aakyat na ako," sabi ko. Hindi naman siya kumibo kaya hindi ako kumilos sa kinatatayuan 'ko. A, nag-aalala na naman 'to e. Napaangat na ako ng ulo sa kanya. Nakatitig na si Gideon sa akin at seryoso ang mukha.

Tumingkayad na ako at hinawakan ang pisngi niya. Hinalikan ko siya at nawala ang pagkaseryoso ng mukha niya. "Okay lang ako," Aalisin ko na sana ang kamay ko sa pisngi niya pero hinawakan niya iyon. Nilapit pa niya ako sa kanya at naramdaman ko ang labi niya sa akin. Inalis na niya ang hawak sa kamay ko at napakapit na ako sa balikat niya.

I feel his hand on my back. Hanggang sa nadestino ito sa bewang ko. Napapikit ako ng maramdaman kong parang bumabaligtad na naman ang sikmura ko. At pakiramdam ko masusuka na naman ako. Kumalas agad ako ng yakap kay Gideon, "sige na. Kumain ka na. Nasa oven na man 'yung pagkain mo. Ininit ko na," panay lunok ko ng laway para mapigilan ko ang sarili ko.

"All right," aniya at tumalikod na sa akin.

"Okay," at tumalikod na rin ako sa kanya. Naglakad na ako papuntang kwarto namin. Hay, pakiramdam ko pagod na pagod ako. At babagsak na ang katawan ko. Pagkarating ko sa kwarto humiga na ako sa kama. Napapikit na ang mata ko at kusa ng bumigay ang katawan ko sa tulog.

**

"Aly..." napayakap ako sa unan ko. "Baby..." may humahaplos na ng braso ko. Napamulat ako ng isa mata. Si Gideon pala. A, gusto ko lang matulog.

"Bakit?..." tanong ko at sinara ulit ang mata ko. Bigla namang inalis ni Gideon at unan na yakap ko.

"You should eat," aniya.

"Sleepy....i can't...Bukas na lang," I say. At kinapa ko pa 'yung isang unan sa kabilang side. Pero wala akong nakapa. Kinapa ko naman 'yung isang side at napayakap na ako kung saan. Napasubsob na ako. Si Gideon na hata ang nayakap ko.

"Should I call a doctor, baby?" umiling ako.

"Inaantok lang ako..." At hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Napabuntong hininga naman siya pero napahiga na rin sa tabi ko. Naramdaman ko ang halik niya sa ulo ko at nakatulog na naman ako.

**

"Come on, baby," naramdaman ko ang halik ni Gideon sa pisngi ko. "Wake up now," hinalikan naman niya ako sa kabilang pisngi. Pero ako pikit na pikit pa rin at parang hirap na hirap na mamulat ang mata ko. "We should be on date, hindi pa tayo lumalabas simula noong kinasal tayo," nawala bigla ang antok ko sa sinabi niya.

Kahit hirap na hirap akong umupo sa pagkakahiga ay ginawa ko pa rin, "Okay..." antok na antok kong sabi at kinusot kusot ang mata ko. Pagkamulat ko ng mata nakabihis na si Gideon at handa ng umalis. Bigla akong napatayo at agad-agad kong kinuha ang towel sa silya. Nagdiretso na ako sa banyo.

"Nakabihis ka na...pala. Dapat kanina mo pa ako ginising!" sigaw ko mula sa banyo. Nagshower agad ako.

"Kanina pa kita ginigising," aniya.

"Dapat tinapik tapik mo ako..." ani ko.

"I can't...you're too lovely," napakagat ako ng labi dahil sa pagpipigil ng ngiti. God, Gideon. "You're too cute...so I just kissed you," para akong nabilaukan sa sinabi niya. Hindi talaga ako nagigising kahit hinalikhalikan niya ako.

"How many times?" tanong ko. Grabe ang lamig ng tubig. Medyo tumalon-talon ako kahit shower na 'to.

"Many times...I kissed your nose twice. Your cheeks twice also...your forehead once...your lips many times," bigla akong napahinto sa pagsasabon. Hinalikan niya ako nang hindi ko alam?! At hindi ako nagigising?! "What did you do yesterday? Napagod ka ba?" tanong niya.

Nag-shower muna ako bago sagutin siya. "Wala naman," sagot ko. Kinuha ko na ang towel at nagpunas. Nag-robe na ako para makapag-toothbrush. Hindi na siya sumagot sa akin kaya nag brush na ako ng teeth.

Agad akong lumabas ng banyo nang matapos ako. Nakaharap si Gideon sa salamin at inaayos ang shirt niya. Napangiti ako sa ginagawa niya, "wala namang mababago," nagdiretso ako sa cabinet para kumuha ng dress. Hindi naman mawala 'yung ngiti ko sa labi. Nawawala ang antok ko sa kanya.

"Do you still find me attractive, baby? Gusto ko kasi sa akin pa rin ang atensyon mo," God, kahit magkasama na kami araw-araw ganito pa rin ang epekto niya sa akin. My heart is still beating fast.

"Still beautiful yet so selfish, Gideon Azel," kinuha ko na ang dress at naglakad na papuntang banyo para magbihis. Papasok na sana ako ng humarap siya sa akin. Napaharap tuloy ako sa kanya at tinitigan siya. Kumurba ang labi niya kaya hindi ko na mapigilan ang ngiti ko.

"Don't stare. Nakakawala," aniya pero nakipagtitigan lang ako sa kanya. Nagiging isang ngiti na ang kurba ng labi niya. I challenge him with my stare. Unti-unti siyang lumapit sa pwesto ko. "No more....date today...a kiss is probably a good solution," Napalaki ako ng mata.

"We should be on a date!" natatawa kong sabi ng hapitin niya ako sa bewang.

"So don't stare. Or..." niluwagan niya ang yakap sa akin at tumingin sa katawan ko. O God. Kumalas ako ng yakap at nagdiretso sa banyo. Agad-agad akong nagbihis. Minadali ko na ang sarili ko.

Agad akong lumabas ng banyo pagkabihis. Nagsuklay na ako at inayos ang sarili ko. Sinuot ko na lang 'yung putting flats na nakita ko. "Tara na?" aya ko sa kanya. Tumayo naman si Gideon at lumapit sa akin. Napapikit ako ng halikan niya ang ulo ko.

"Still lovely...still cute...still my baby," napahigpit ako ng hawak sa bewang niya. Masaya na ako kung anong mayroon ako ngayon. Wala na akong hinihiling. Kasi ngayon nagpapasalamat na lang ako sa Panginoon dahil binigay niya si Gideon sa akin.

Bumaba na kami at naabutan namin si manang sa sala. Napangiti siya ng makita kami. "Enjoy!" sabi ni manang ng makalabas kami ng bahay. Napangiti naman ako nang makita ang kotseng gagamitin namin.

Aston Martin.

O God, namiss ko rin sumakay dito. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay na ako. Sumakay naman siya agad at nagmaneho.

"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko.

"Eat first then go to our favorite place," sagot niya at nag-focus na sa daan. Naging madali lang ang byahe namin papunta sa isang resto. Wala pa ngang kalahating oras nandoon na kami. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at kinuha naman niya ang kamay ko.

"Mine," bulong niya pagkakuha ng kamay ko. Humigpit ang hawak niya kaya napangiti ako.

Napatingala ako at nakita kong chinese resto pala ang pinuntahan namin. Bigla akong napalunok ng buksan nung waiter ang pinto sa amin. Bigla akong parang naglaway dahil bumabaligtad ang sikmura ko. Napapikit na ako nang maramdaman ang kamay ni Gideon sa likod ko. God, pakiramdam ko masusuka ako sa amoy ng chinese resto na 'to.

I composed myself. Huminga ako ng malalim para hindi matuloy ang binabalak ng katawan ko. Pero napapikit ako...at pagdilat ko...biglang nagdilim ang paningin ko...and I don't know what happened.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon