Kabanata 12

17K 386 21
                                    

Kabanata 12

Emoticon

"Hindi niya rin sinabi sa akin kung bakit siya aalis. I just saw him talking over his phone. Kinuha niya 'yong susi. Then umalis na siya." Kibit balikat na sabi ng lola niya. "Maybe he got a call from Andy or from someone important. Alam mo naman si Azel, ayaw niya na may problema."

Napatango na lang ako. Tipid na ngumiti at sumilip sa phone ko kung may text na ba si Gideon. Mahigit tatlong oras na ang nakakalipas simula nang umalis siya. But still, I'm waiting for his text or call and I got nothing.

"Siguro nga po." Napaloob na lang ako ng labi.

"C'mon, don't stress yourself." I felt grandma's hand on my shoulder. "If you need something, just go to my room and say it, okay? I just need to take a nap." Grandma said, smiling. Ilang beses akong tumango bago niya alisin ang kamay niya sa aking balikat. She is checking me if I'm okay.

"Thank you po."

"You're very much welcome, Alysson." And she walked and left me alone in the pool area. Napatitig na lang ako sa pool, tinitignan ang repleksyon ng sarili ko, trying to understand my situation but my subconscious mind won't like to believe that I'm okay. But I'm okay—really, I am, really.

Napabuga ako ng hininga at pinikit ang mata ko. It's already 8 in the evening pero hindi pa rin mawala sa isip ko na kahit text wala akong natatanggap sa kanya. Naiintindihan ko na umalis siya, sana naman may iniwan siyang note o anything for me. Napailing ako. No, I'm not selfish. This is for his company. Trabaho niya 'to. I will forever understand him. Pero I don't know if going to believe myself on it.

**

"Sabi ni Karl sa akin, may isang affiliate na umayaw na sa Autohub kaya pati nga siya napapunta kaagad doon. Nagmamadali nga e. Wala man lang ako..." Napalunok si Nica at hindi na tinuloy ang sasabihin. Biglang namula ang pisngi nito at tinuon ang atensyon sa daan. "Ay nako bes. Nagugutom na 'ko."

Tinitigan ko si Nica ng isang minuto bago ibaling ang aking atensyon sa daan. Mahigit isang oras na kaming bumabyahe pabalik ng Quezon City. Noong una ayaw pumayag ni grandma na umalis ako dahil magko-commute lang sana ako. Mabuti na lang nagtext si bes nauuwi na rin siya. Doon napanatag si grandma. Muntik na ngang ipahatid niya ako kay Raz o kay Mase. Tamang-tama talaga ang timing ni bes.

Wala sa loob akong nagsalita, "Ako rin. Gutom na gutom na 'ko."

"Okay! Diretso Vikings na 'to," humahalakhak na sabi ni Nica at biglang binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Buti pa 'tong si bes sanay magmaneho ng kotse, ako 22 na 'ko pero hanggang titig at angkas lang ang nagagawa ko.

"Turuan mo naman akong mag-drive," bulong ko na alam ko namang maririnig niya. "Sino ba nagturo sa'yo niyan?"

The car stopped. Nica looked at me. "Tuturuan kita kapag napakain mo na 'ko. Bes, I have a good and drop dead gorgeous na teacher for driving. Pero, gutom na gutom na talaga ako kaya kumain na tayo." Hindi ko na nakuhang tumango kay Nica at binuksan na niya ang pinto ng kotse.

Hindi ko napansing nasa mall na kami at si Nica'y atat na atat na makapasok doon. Tuloy, hindi ko alam kung anong takbo ang ginawa ko para maabutan lang si bes. Hingal na hingal ako nang maabutan siya pero si Nica, kulang na lang maglupasay at tumulo ang laway sa gutom. Nang makapasok kami sa Vikings at agad-agad siyang nagsimula at lumamon na parang walang bukas. Parang agad akong nabusog sa pagkaing kinuha niya. Napapalunok ako sa bawat nguyang ginagawa niya. Na dapat nakikisabay lang din ako sa kanya pero hindi ko magawa.

"Oy, kumain ka na. Sayang ibabayad mo kapag hindi ka kumain. Tara't magpakabusog!" aniya.

Tumayo't na ako at kumuha ng pagkain. Inalis ko sa aking isip 'yong nangyari kahapon at nagpakabusog.

**

Pagkauwi ko sa bahay, hindi ko alam kung susuka ba ako o pupunta na lang ng banyo sa sobrang pagkabusog. Naabutan kong nagpupunas ng pinggan si manang sa kusina kaya hindi ko na lang siya inistorbo at pumunta sa sala. Hindi ko alam 'yong nararamdaman ko na parang madidighay o masusuka sa sobrang busog. Gabi na nang makauwi ako. Doon ko lang din na-check ang phone ko.

3 messages. 2 missed calls.

From Gideon:

I'm sorry :--(

Bigla akong napatawa sa natanggap kong text at mga 5 ng hapon pa niya 'to tinext. Imbes na mag-emote ako ay humalakhak pa ako sa emoticon na natanggap ko sa kanya. Tinignan ko 'yong iba at biglang nawala 'yong lungkot na nararamdaman ko kanina.

From Gideon:

Baby, I am really sorry. Come on, I need your reply. :--(

From Gideon:

Okay, maybe you're upset or what. But baby, I got the unexpected call from Mr. dela Rama and I really need to go to Autohub for an unforeseen meeting, too. I'm sorry, okay, I'm sorry. :--(

Nangingiti akong mag-isa at tinitigan ang phone ko. Paulit-ulit kong binabasa 'yong text messages niya sa akin at 'yong emoticon na maaring nagaya niya. Kanina pa pala niya 'to na-text. Kanina abalang-abala talaga kami ni bes na sulutin 'yong pagkain sa Vikings na halos tikman na naming lahat.

Pero napawi na lahat nang dahil sa text niya sa akin. Hindi rin naman kasi inaasahan ni Gideon 'yon. Importanteng-importante kaya nakalimutan niyang magpaalam sa akin. Alam naman niya kasi na magiging maayos lang ako sa grandma niya kaya umalis na lang siguro siya. Okay, naiintindihan ko siya. Pero sana...sana...hindi na maulit.

Papapikit na sana ako nang may narinig akong nagbukas ng pinto. Napatayo ako para tignan iyon. "Baby..."

Gideon.

I keep a straight face.

Humakbang si Gideon at tinignan ko lang siya. Halatang nagmadali siya dahil hindi na niya nakuhang magcoat at gusot ang kanyang polo. Gulo rin ang kanyang buhok marahil dahil sa ilang beses niya itong sinuklay gamit ang kamay niya.

"Didn't you receive my text?" he asked. Gideon walks. Malapit na siyang makapunta sa pwesto ko at tinago ko sa likod ang phone. "If you didn't, I'm sorry. Hindi ko talaga inaasahan 'yong tawag ni Mr. dela Rama. I've got a bad news from him. Unexpected things happened." Sumimangot si Gideon sa akin pagkarating niya sa pwesto ko. He stared at me, looking for something.

"It's okay, you know." Ngumuso ako at napaiwas sa kanya. "Nabasa ko naman 'yong text mo. 'Yong emoticon mo talaga 'yong nagpawi ng lahat e." Nakita ko ang pagnginig ng dibdib niya at hindi 'yong reaksyon niya na marahil tumatawa na siya ngayon. "Saan mo natutunan 'yon?" I look at him.

Unti-unting kumurba ang nakakaakit niyang labi at napailing. "Sa'yo. Minsan may text ka na ganon, ginaya ko lang," natatawa niyang sabi. "But, really? You're not really upset with me?"

"Hindi. Nalungkot lang ako na hindi ka man lang nagpaalam. Pero noong nalaman ko naman 'yong nangyari, okay na sa akin. Plus, oh my God, you're Gideon Jimenez and you're using an emoticon." Peke akong nagulat sa harap niya.

"You're making fun of it, huh? Really?" busangot na sabi ni Gideon. Mas lalo akong natawa. "Sayang. Lalabas pa naman sana tayo bukas. But you're making fun of my text messages." Umiling siya at natigil ako sa pagtawa. "Sayang hindi ko na itutuloy." he repeated.

"What?" gulat ko. Umalis naman si Gideon sa harap ko at naglakad papunta sa hagdan. "Gideon!" sabi ko. Pero hindi siya humarap pero sa galaw ng balikat niya halatang tumatawa siya. "But you love me!" sigaw ko. Grabe naman, dahil sa emoticon hindi matutuloy ang lakad namin na inihanda niya.

"I do," aniya.

"Kaya itutuloy mo!" sabi ko. Pero hindi siya sumagot at tumingin lang sa akin over his shoulder.  "Labas na tayo, please!" Ngayon ako naman ang nakasimangot para umoo na siya.

"You need to kiss me first—" Dali-dali akong pumunta sa pwesto niya at pinaulanan siya ng halik.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon