Chapter 52

122 3 0
                                    

@LutwidgeSparrow10

Totga, it is.

Lea's POV

Napuntaahan ko na si Direk kanina at nasabing umaayaw na ako, naintindihan naman niya kahit alam kong masiyadong komplikado ang ginawa ko pero kaysa palagi kami magkikita ni Aga, a mistake is cannot be corrected with another mistake.

I need to be brave for my child. Hindi ko kakayanin na magkaroon pa ng kumplikasyon habang lumalaki siya sa tiyan ko, kung kailangan ko lumayo sa mga taong mahal ko kasi nasasaktan ako, gagawin ko, para sa anak ko.

Hindi pa din ako nagsasabi kina Vice, alam kong pagsasabihan ako ng mga iyon kapag sinabi ko sa kanila. Hindi ko nga alam kung itatakwil ako o ano, e. Pero alam ko naman na hindi, hindi ko lang alam kung paano ko ie-explain sa kanila lahat ng nangyayari, hindi ko na din alam kung saan ako magsisimula.

Si Gerard, wala na ako natanggap na tawag sa kanya mula noong huli na binalaan niya ako, lumalago pa nga lalo ang kompanya, e, base sa balita. Alam ko naman na kaya niya at panghahawakan ko na kaya niya hhanggang huli dahil mahal ko ang kapatid ko.

I know how hard this thing for Charlene, maiiwan na naman siya and I hate it when she is crying because of me, magugustuhan ko naman kung tears of joy but crying because I am leaving again, hindi ko na din alam kung ano ang dapat kong reaksiyon.

My Carriel, Charlene's Atasha, nami-miss ko na ang anak ko, pati ang ama pero hindi ko na alam kung anong magagawa ko kung makikita ko pa ulit iyon.

Na bakit kasi isang yakap, isang halik, isang sorry lang, okay na naman ang lahat, okay na naman ang bukas na parang walang nangyari, na okay na naman kahit masakit pa din.

I also change my phone, my phone number and everything, hindi ko naman gugustuhin na ma-track pa nila ako hanggang sa pag alis ko, kung tutuusin mas gugustuhin ko na ako na lang mag isa.

If Charlene can, kaya ko din.

Lumabas ako ngayon sa tinitirahan ko para mamili ng pagkain, uh, ang dami ko ng cravings, ang dami kong gusto, ayoko sana lumabas pero wala naman pagkain sa ref, ayoko din naman ng fast food, gusto ko iyong ako mismo ang nagluluto para alam ko iyong lasa.

Habang nag g-grocery ako, narinig ko ang boses ni Dawn kaya agad akong pumunta sa karamihan at nagsuot ng facemask pati na din sumbrero.

Hindi puwede ngayon, ngayon pa sa palaki na ang tiyan ko, no way.

Dire diretso ako sa pagpili ng mga pagkain, halos bilihin ko na nga lahat ng makikita ko, e.

Diretso pa din ako sa paglakad hanggang may nagbunggo ang basket ko.

Darn, Gomez.

"Lea?" pagtatanong niya at huminga ako ng malalim bago tanggalin ang face mask, grabe naman.

Bakit ba kais magkahiwalay sila mamili ni Dawn? Puwede naman na magkasama, e, para hindi ako nahuhuli sa akto.

"Chard, bakit kayo ang namimili?" pagtatanong ko, kasi palagi naman kasambahay ang namimili sa kanila, hindi sila lumalabas ni Dawn kung maaari lalo na at modelo si Dawn.

"Ha? Ikaw? Bakit ang dami niyan? Ikaw ba kkakain lahat niyan? Grabe, Lea ha. Kaya ka tumataba na, o." pagsasabi niya kaya tiningnan ko siya ng masama bago inirapan.

Edi wow, ipasa ko kaya sa kanya itong pagbubuntis ko? Kapag nabuntis niya si Dawn, ewan ko lang naman kung matawag tawag niyang mataba asawa niya, baka masampal siya.

"Hahaha, alam mo naman, para hindi na lalabas ng paulit ulit." pagsasabi ko bago kinuha iyong sunod sunod na tinapay na kaharap ko, masarap naman kaya lahat iyon.

"Susmaryosep Rikardo, sino ba kausap mo?" parinig kong boses sa likod, si Dawn, damn.

Agad na ako umalis bago pa ako makita ni Dawn, hindi maaari.

I will keep this secret as long as I can.

Charlene's POV

"TitaMama, umalis po ba talaga si Mama? Bakit hindi siya nagpaalam sa akin?" pagtatanong ni Carriel, ni Atasha sa malungkot na tingin, alam ko naman na mahirap para sa kanya, e.

Para sa anak ko, sa tagal niya ba naman nakasama si Lea, sinong hindi lulungkot? Ako nga na kakaunting araw pa lang, hindi na sanay na wala siya sa paningin ko. Parang palaging hindi buo. Parang palaging may kulang.

"Anak, intindihin mo na lamang si Mama mo, babalik din iyon." pagsasabi ko, babalik naman, sana.

"Pero TitaMama, hindi ko kaya na wala siya..." sabi ni Aya sa malungkot na tono, hindi ko naman kaya na ganito ang anak ko, e.

Dinudurog na naman dahan dahan ang puso ko.

"Huwag mo na hanapin ang wala." pagsabat ni Aga, simula ng malaman niya umalis si Lea ng walang paalam, galit na galit na siya kay Lea, sa mundo.

Na mangiiwan daw si Lea, na paulit ulit niya hinabol pero parang wala lang daw kay Lea at alam kong mali ang iniisip niya pero nasasaktan kasi siya kaya kahit ano paliwanag, pasok labas sa kaniya at ang hirap hirap kapag lahat sila pinapakita na mahina sila kasi nakakapagod tumayo na malakas.

"Aga naman, alam mo naman na babalik si Lea. Bakit ka ba nagkakaganiyan?" pagtatanong ko sa kanya at pinantayan ang tangkad niya.

"Bakit, Cha? Kailan nga ba pinatunayan ni Lea ang mga salita niya?"

Guilty MindWhere stories live. Discover now