Chapter 48

113 4 0
                                    

@LutwidgeSparrow10


Lea's POV

"Hello, Lea." nabigla na lamang ako ng bigla na lang may umimik sa likuran ko, Rob is here.

Paano na naman 'to naandito?

Anong klaseng tao ba at parang alam lahat ng pupuntahan ko? Alien ba siya?

"Rob... paano ka nakapasok dito?" maingat kong tanong kasi first of all, lumipat ako ng bahay ULIT, tapos alam na naman niya ULIT, at nakapasok na naman siya ng hindi ko alam, ULIT.

"Lea. Lea. Lea. Such a fool name, Aya. Hindi ka ba nag iisip? Na kung bakit paulit ulit ka nasasabihan na Aya? Kung bakit ikaw at ikaw pa rin ang itinuturo na Aya hanggang ngayon? O sadyang ayaw mo tanggapin ang katotohanan kasi baka mawala na naman sa'yo si Aga? 'Di ba? Nagkakilala lang kayo kasi hinahanap niyo si Aya? Minahal ka lang din kasi nalaman na may koneksiyon ka kay Aya at ng nalaman na hindi pala ikaw mismo si Aya, nagalit sa'yo? pagsasabi niya bago pumunta sa harapan ko at ipinatong ang mga kamay sa lamesa sa pagitan namin dalawa.

"What are you talking about? Minahal ako ni Aga dahil mahal niya ako! At teka nga, akala ko ba magkaibigan tayo? At'yaka paano mo nalalaman 'yan? Ha? Isa pa, ikaw nga hindi mo nakilala mga anak mo kasi tinakbuhan mo, kahit ina, hindi mo na din kilala! Sinong mas tanga sa atin Rob? Sige nga." dahan dahan kong binubuksan ang maliit na cabinet na nasa tabihan ko lamang, kung siya naman pala ang may dahilan kung bakit nagkakagulo ang buhay ko, handa na ako lumaban.

Kahit pinagkatiwalaan ko.

Kahit itinuring kong tunay na kaibigan, totoo naman, may mga bagay na akala natin, palaging naandiyan, palagong totoo, minsan, kathang isip lang pala.

Minsan, masaya lang isipin pero hindi na masaya gawin.

Na may mga bagay na magandang tapusin na lang kaysa ipagpatuloy dahil paulit ulit lang naman tayo lumalayo, tumatakbo sa mga bagay na dapat matagal na natin tinapos, ginawa.

"Hindi mo na maalala? Magaling. Lea Salonga, may utang kayo sa amin at hindi mo maalala? Charlene Salonga, inaakala na maililigtas ang kambal niya." sabi niya habang iniikot ang tingin sa buong kuwarto ko, ano bang trip niya?

Magkaibigan kami...? 'Di ba?

"Agaaaaa!! Charleneee!!" sigaw ko pero isang malakas na tawa lamang ni Roberto ang aking narinig.

"Ano ako? Gago? Papasok ng may kasama ka? Sa dami kasi ng pupuntahan mo na bahay, puwede ka naman pumunta sa ibang bansa, bakit dito pa sa teritoryo ko, Lea? Mabilis ka mahuhuli dito, ano akala mo? Wala akong tauhan?" sabi niya bago hinigit ang damit ko kasabay noon ang pagbunot ko ng pabango ko sa cabinet at ini-spray sa mukha niya.

"ahh!! Lea!" sigaw niya dahil siguro sa hapdi, kasalanan niya, gago siya, e.

Agad akong tumakbong palabas kasama pa din iyong pabango pero may humarang sa akin na tatlong lalaki, sino naman 'tong mga 'to?

Malalaki iyong katawan nila, feeling oo nga trainor sa Gym, e pero kung hindi ako tutulungan ng mga 'to, pangit na pala sila.

Wala silang future, hmp.

Agad na ibinato ng isang lalaki iyong pabango.

Agad ko siyang tiningnan ng masama.

"How dare you?! Alam mo ba kung gaano kamahal 'yon?!" sabi ko at agad nnanagpumiglas sa pagkakahawak nila sa akin pero may itinakip na sila na panyo sa may ilong at bibig ko.

At lahat na lang ay lumabo parang kami ni Aga...

Aga's POV

"Sandali lang, pagod na ako." pagsasabi ko sa kanila, kanina pa kasi kami naghahabol habulan, si Charlene naman, may pinuntahan daw.

Napaka gala na babae.

"Tito, wala pa tayong isang oras, pagod kana? Kaya dumadami fats mo sa katawan, e." pagsasabi ni Andres kaya napatampal ako sa noo.

Sabay pa talaga sila tumawa ni Aya.

Nakakatuwa 'yon?

"Uwi na tayo, wala kasama Mama niyo sa bahay." pangungumbinsi ko sa kanila, nagbago na isip ko, gusto ko na pala ng Aya the second.

"Papa, 'di ba nga? Sabi ni Mama, may tinatapos lang daw siya tapos hintayin natin siya dito, huwag ka makulit." pagsasabi ni Aya bago ako hinawakan sa kamay.

"Taya!" sabi niya sabay tumakbo sila papalayo.

Wala na ako nagawa kundi habulin sila ng habulin.

"Sandali, sandali." pagsasabi ni Andres bago tumigil sa pagtakbo kaya napatigil din kami ni Aya.

"Gutom na ako." pagsasabi niya kaya kinuha na namin lahat ng gamit namin at agad na sumakay sa sasakyan para umuwi.

Guilty MindWhere stories live. Discover now