Chapter 12

231 8 19
                                    

@LutwidgeSparrow10


-

Lea's POV

All this time, iniisip ko na mayroon akong Kambal, wala nga ba? But knowing that I am Aya is like a big slap to me. Bakit sa dami ng puwede ko maalala iyon ang hindi? Ang naaalala ko pa ay kung paano nagmahalan si Mama at Papa, how Papa hurt my Mama.

But where is Ariel? Where is my Aga?

Bakit kahit isang katiting na alaala, wala para sa kanya?

I'm not in Aga's house right now, he's with Aya, I told him na hahanapin ko lamang iyong puntod ng kakambal ko at pupunta sa bahay namin.

Gusto niya sumama pero ang sabi ko, bukas na.

Bukas na lang para alam kong handa ako.

"Manang, can you tell something about me as Ligaya and what more about Ariel?" pagtatanong ko sa kanya habang nakaupo sa aming lamesa.

Masakit pa ang ulo ko ngayon pero mas sasakit lang ito kung hindi ko aalamin ang kahapon ko. 

Hindi lang sa ulo, pati sa puso.

"Alam mo kasi anak, ang hilig hilig mo tumakas noon para makipaglaro kay Ariel, hindi mo pinapaalam sa Mama o Papa mo kasi alam mong ikukulong ka. May itinayo pa nga kayong bahay bahayan noon, tapos ang pagpapakilala mo sa kanya, Yaya na napunta sa Yeya, pero Lea naman." pagsasabi niya sa akin habang nakangiti at umiinom ng tubig.

"Tapos may panahon pa na sabay kayo pumapasok noon, sabay kayong kakain, minsan nga ay siya pa ang naghahatid sa iyo pabalik dito sa inyong bahay. Natatakasan mo ang driver mo eh." pagsasabi pa niya, ang saya ni Manang habang inaalala lahat ng iyon.

Gaano ba kalalim ang pinagsamahan namin ni Aga?

Ngayon mas sumasakit ang ulo ko at madaming mga larawan ang pumapasok sa utak ko, iyong mga larawan ng batang Aga, iyong bahay bahayan na ginawa namin dati, iyong..

Car accident na hindi naman talaga accident. 

"Manang.." tawag ko sa kanya kasi nahihirapan na ako huminga, sobrang sakit ng ulo ko, naaalala ko si Aga pero iyong larawan ng bumaril ng gulong ng sasakyan namin para tuluyan kami mabangga ay hindi ko maalala.

Napakalabo.

"Naku nga, Lea!" pag aalala sa akin ni Manang pero halos lahat ng nangyayari noon, nagsisimula na maglaro sa aking utak.

Anak, tulungan mo ang sarili mo...

Bulong ng kung sino kaya tinakpan ko ang tainga ko at pa ulit ulit iyon binubuong, anong anak?

Ahhh!!

At napapikit na lang ako hanggang sa wala na.

...

"Lea, tingnan mo oh." pagtawag sa akin ni Aga habang kasama si Aya na nakangiti.

"Ano 'yan?" pagtatanong ko sa kanya at nakapamaywang na, ang weird, libro iyon na punong puno ng mga patay na bulaklak, kagaya ng akin.

"Nakita ko ito sa bag mo. Ang dami ko na nga nabasa eh, alam mo, kung papipiliin pala ako. Si Aya pa din kaysa ikaw." pagsasabi niya kaya naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

How dare him?

But that's my plan, right?

To let Aga know who's Aya is.

But that's me, babes.

But why will you choose Aya? I'm already here, with you but I'm not Aya anymore.

Guilty MindWhere stories live. Discover now