Chapter 20

172 7 3
                                    

@LutwidgeSparrow10 

- I'm not really that good right now but I will write this Chapter for all of you. Don't worry, will be okay and also, thank you because we already reach 1k! yay!

Lea's POV

Marrying someone is not that easy, I know. There is always a consequence na puwede siya mawala sa'yo anytime or should I say, puwede naman talaga mawala sa akin si Aga ng hindi ko namamalayan kasi hindi naman talaga siya akin, 'di ba?

Na mas minahal niya lamang ako dahil ako si Aya. Hanggang kailan kaya kami ganito? Hanggang kailan kami masaya? Hanggang kailan ako mage-expect ng mga bagay na kahit kailan ay hindi ko  alam kung mangyayari sa akin.

Naandito ako ngayon kina Regine, iniwan ko ang mag-ama ko, hindi ko din kasi alam, wala ako mapagsabihan ng problema ko, isa pa, gusto ko din ng advice ng kaibigan, baka sakaling matauhan ako.

"I have something to tell nga, to the both of you." pagmamaktol ko sa harapan ni Regine at ni Vice.

Ayaw kasi nila ako pakinggan, naadik ba naman sa mga gamit na pang vlog kasi magla-live daw sila sa facebook, naadik din sila kamo sa ML, nakakaasar.

Hindi ko alam kung tama ba itong nauwian ko, dapat pala kay Dawn. Argh!

"Mamaya nga, sandali lang vakla, pag uusapan natin 'yan sa live." sagot sa akin ni Vice kaya nakurot ko ang agiliran niya.

ANONG PAG UUSAPAN SA LIVE?

Gusto niya ba masira agad pagkakaibigan namin? Jusko! Kung wala lang kami pinagsamahan, ipapatapon ko talaga ito sa Mars, magbabayad ako kahit magkano. 

"Ayaw niyo talaga ma hear? Final na? I will not share this problem na kapag 'di niyo ako hinarap." pagpapacute ko sa kanila kahit cute naman na talaga ako, paulit ulit na lang, gigising tuwing umaga na cute, maliligong cute, kakain na cute, tutulog na cute, sa lahat ng ginagawa ko, cute ako.

"Ito na nga, oo, ano ba 'yon?" pagharap sa akin ni Regine, finally!

Makikinig na sila, akala ko hindi pa, e. Kailangan ko lamang pala isipin na cute ako, hayaan nila, palagi ko a iyon iisipin. Araw-araw.

"Si Aga." paninimula ko kaya mas lumapit sa akin si Vice.

Lintik, basta talaga Aga? Walang takas sa panding niya? Jusko, talaga.

"Ano mayroon kay Fafa Ags?" pagtatanong ni Vice na kilig na kilig pa, ay? Nakakatuwa iyon?

"Oo nga, vakla ka! Sana sinabi mo agad." sabat naman ni Regine kaya nairapan ko.

Bakit ba todo support sila kay Aga? Napaka bipolar kaya. Sungitan ba naman ako e kagigising ko lamang, parang baliw. Akala mo may dalaw buwan buwan. Napakaarte, hmp. Babaero naman.

"Papakasalan daw ako." pagsasabi ko sa kanila at wala silang reaksiyon, as in wala. Parang nagsinungaling lang ako.

"Ay, akala ko naman napakahalaga." pagtalikod ni Regine at nag ayos na naman ng studio niya para sa live niya, makikisama pa sa kanya si Vice.

"PAPAKASALAN NGA DAW AKO!" sigaw ko sa kanila at parang natigilan sila sa sigaw ko.

Ano ba akala nila? Nagbibiro ako? Aba, totoo kaya ayun.

Agad na lumapit sa akin si Vice at hinawakan ang leeg, ang noo ko na para ba akong nilalagnat, aba? Sabi ko lang naman pakakasalan ako, bakit parang mamamatay na ako sa tingin nila?

"Seryoso ba 'yan? Sinungaling ka, Maria Lea Carmen." pagsasabi sa akin ni Regine habang nakataas ang isang kilay.

Napanguso ao sa mga reaksiyon nila.

"May dahilan naman kasi..." Unti unting humina ang boses ko at napaupo sa sofa at napayuko.

"Sabi na, e. Si Lea? Papakasal ng ganoon lang? Susko, day! Baka wala na at lahat sa mundo ang yaman niya ay hindi pa nangyayari." pagsasabi ni Vice at tinuon ang kamay sa table habang nakapamewang sa harapan ko.

"Kailangan ko pakasalan dahil mahal ko si Aya. Aampunin namin siya. Naalala niyo pa iyong insidente at naalala niyo kung sino ang kaibigan ni Aga? Ako, e. Napakamapaglaro ng mundo dahil ang ayaw ko sa lahat, babaero. But look what I've got, look kung kanino ako nahulog. Ang sabi ko sa sarili ko, dapat sa hindi babaero, e. Or must I say, sabi ko ayaw ko talaga ng asawa, e. Pero mahal ko na, nag e-expect ako ng mga bagay na alam kong hindi na dapat. Ngayon, mahal niya din si Aya, at hindi naman siya papayag na ako lang ang mag aampon. Hindi ako sigurado kung siya ba may gusto sa akin. Ako lang 'to, e." pagsasabi ko sa kanila sabay ngiti kahit na totoong ngiti para lang makita nila na hindi ako malungkot sa mga nangyayari.

"At ang masama, gusto ko man pakasalan kung hindi siya kikibo, walang mangyayari, kaso, may gusto ba sa akin para kumibo? Gulong gulo na ako sa nangyayari, gulong gulong na ako kung bakit biglang nagbago ang pag iisip ko ng dahil kay Aga. Mas'yado ko bang minahal? Mas'yado ba akong bumigay? Paano kung bigla mawala na parang hangin kasi mahal pa pala ang babae niya? Paano kung wala lang naman pala ako, na kasama lang ako sa libro niya pero hindi ako ang buong libro?" sabi ko at hindi ko na napigilan tumulo ang mga luha ko.


What if I'm just another woman who wants his attention? What if I'm not really Aya at all? What if?

Guilty MindWhere stories live. Discover now