Chapter 6

273 9 6
                                    

MariaMistilica28

-

Aga's POV

It's been a year now since Aya is not here by my side, the first woman who taught me how to love. The first ever woman who flaunted me the real world.

I remembered na sabay pa kaming tumatakas noon para makapaglaro lamang, bahay bahayan, ako ang tatay, siya ang nanay. Paboritong aso niya na ang pangalan pa ay Lily ang anak namin. Hindi lamang bahay bahayan ang nilalaro namin, pati tagu taguan. 

Nagkakilala kami dati sa Batangas kasi may bahay sila doon, madami naman kasi silang bahay, may bahay din ako doon. Hindi ko nga lamang nadadalaw lalo na at magkakaroon kami ng movie ni Lea na hindi ko naman alam kung kailan magsisimula dahil wala pang sinasabi si Direk.

Tumatakas kami kasi ayaw ng magulang niya sa akin. 

It hurts at first kasi sino ba naman ang hindi masasaktan na kung 'yung magulang ng babaeng pinahahalagahan mo, ayaw sa iyo.

But Aya is one of a kind, even her parents don't want me, binigay niya pa din sa akin ang buong attention niya, lahat ng hindi ko nararamdaman noon, binigay niya sa akin.

Until kailangan na niya umalis sa Batangas kasi naghiwalay ang magulang niya, ang masaklap habang papunta silang malayo, nabangga ang sasakyan nila at wala na akong nabalitaan bukod doon.

Hindi ako sigurado kung buhay pa siya o hindi na. Nangingibabaw sa akin na buhay pa siya pero bakit hindi niya ako hinanap? Nakalimutan na niya kaya ako?

May asawa na kaya siya?

Siya nga ang dahilan kung bakit ako babaero, gusto ko siya makalimutan sa paggamit ng kahit sinong babae na mahuhulog sa akin, sa mga babaeng naghahabol sa akin pero kahit anong gamit ko sa mga babae ko, walang nakakapantay sa kung paano ako minahal ni Aya.

Hindi ko alam ang buong pangalan ni Aya, kamusta kana, mahal ko?

Ako pa din ba?

Kasi, ikaw pa din.

Napatawa na lamang ako sa mga iniisip ko, ang lakas ko kasi mangarap.

Papunta ako ngayon sa isang bar, nagkayayaan kasi kaming magkakaibigan, reunion na din. Ako, si Ogie, Chard, at Ian. Mga successful na din sila. Magaling na aktor si Ian kagaya ko, si Ogie naman, manganganta, si Chard, politika pinasok.

Naka receive ako ng text sa akin ni Richard.

Richard: Nasaan kana? Usapan natin 8 naandito na, 8:30 na, uy. Bagal ha. Naandito nga sina Dawn eh, kasama sina Lea, hehe. 

Me: Lintek na 'to, on the way na!

Reply ko kahit nagbibihis pa lamang ako. Ang masama hindi ko alam kung anong susuutin ko. Bigla kasi ako kinabahan ng sinabi niya na naandoon si Lea, iba na din kasi ang tama ng babae na iyon kahit hindi ako pinapansin.

Pakiramdam ko, lasing agad ako sa bawat titig niya.

Pero hindi maaari, kailangan ko pa siya gamitin para makalimutan si Aya. 

Isa lang siya sa babae ko, hindi na dapat pahalagahan.

Hindi na ako namili ng isusuot ko ng maalala ko iyon at agad na akong sumakay sa aking porsche papunta doon sa bar na iyon. Sana lang walang makakilala sa akin. Wala akong oras, gusto ko amang lunudin ang sarili ko sa alak, lalo pa at naisip ko na naman si Aya.

Pinaharurot ko na agad ang sasakyan hanggang sa makarating ako doon, buti na lang hindi traffic.

Haharangin pa sana ako ng guard pero inalis ko ang shades ko at pinagbuksan agad ako.

Guilty MindWhere stories live. Discover now