Chapter 42

112 5 2
                                    

@LutwidgeSparrow10

Lea's POV

Until now, my curiosity still here, ano bang mayroon sa picture na iyon? Sayang naman at hindi ko nakita, gusto ko lang naman makita. Malay ko ba, hindi ko naman na nakikitaang mga picture namin dati ni Charlene, palaging magkasama. Wala, puro ako lamang ang naiwan sa akin.

Kaya hanggang ngayon, nagtataka pa din ako kung kambal nga ba kami ni Charlene, alam kong magulo ang mga nangyayari at dinadagdagan ko lamang sa mga naiisip ko.

Naandito kami ngayon sa isang school kung saan puwede mag enroll sina Aya at Andres, they are growing up too fast, ayaw ko pa mawalan ng inaalagaan.

Masaya ako kasi naiintindihan kami ni Aya noong panahon na hindi kami maayos ni Aga, alam kong napakalabo namin noong mga panahon na iyon but Aya understood us.

At si Andres, I may not know his father but he also stand to his Mom, may magandang future si Andres, sigurado na iyon.

"Babes, baka gusto mo sundan si Aya?" pabulong na tanong sa akin ni Aga habang naglalakad kami sa hallway ng school na ito.

Sundan? Aba? May kami ba? Kasal ba kami?

Duh.

"Hindi. Bawal." iyon lamang ang nasabi ko bago siya irapan, nah, hindi dahil mukhang okay na kami, okay na talaga kami.

Hindi 'no! Manigas siya.

"Ha? Bawal ba? Sige, bukas puwede na." pamimilosopo niya kaya napatingin ako sa mga bata, buti na lang hindi pinapakinggan.

Tiningnan ko siya ng masama kaya umayos din naman agad.

Pagkadating namin sa isang room kung saan mag e-enroll, nakita ko agad kung paano umayos ng upo iyong mag aayos sa enrollment ng makita si Aga.

Nag pacute pa ng buhok, mukha ba akong invisible dito?

Naandito asawa, o.

"Good Morning, Sir Aga." aba? si Aga lamang binati? Tiningnan ko naman iyong babae mulo ulo hanggang paa, mas maganda pa din ako.

Kulang siya ng mga 10 ligo.

"Mag e-enroll po ba kayo?" pagtatanong pa ulit ng babae, obviously pero hindi si Aga, gaga lang?

"You are stating the fact but Aga is not the one who will enroll, the kids, tho." I smirk after saying that, common sense naman.

"Ah, Ms. Lea..." pagsasabi niya bago tiningnan ako mulo ulo hanggang paa, o? wala siya masabi 'di ba?

Napalunok pa.

Ano na, girl?

"The one and only." pagsagot ko sa kanya bago inilagay ang kamay ko sa lamesa niya habang nakatingin sa kanya.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Aga sa bewang ko, a? Pipigil pa? Isa pa naman siyang malawak ang ngiti ng kinakausap itong babae.

"Ikaw na bahala, tarantado." pabulong kong sabi kay Aga bago umalis doon, I need some air.

Duh?

Umupo muna ako sa isang upuan ng makita ko ulit iyong isang pamilyar na lalaki, hindi ko mamukaan, malayo kasi sa akin.

Naka jacket tapos sumbrero tapos pantalon, tagong tago? Malaki pangangatawan, medyo may kaputian pero okay lang naman.

"Lei." nagitla ako ng tawagin ako ni Aga at napatingin ako sa kanya pero pagtingin ko muli doon sa lugar na kinatatayuan noong lalaki, wala na.

"Tapos na? Tapos kana makipag ano?" pagtataray ko sa kanya ng biglang lumapit sa akin iyong dalawang bata.

'Tita, tara po bumili ng ice cream tapos madaming chocolate!" suhestisyon ni Andres bago ako hinalikan sa pisngi, naglalambing.

"Mama, ako, gusto ko ng cake po." pagsasabi naman ni Aya, bakit ang hilig naman sa matatamis?

"Puro sweets, a. Baka masira mga ngipin niyo." pagsasabi ko sa kanilang dalawa ng pati si Aga umupo na din sa tabi ko.

Nakikisali, may iba naman babae.

"Gusto niyo ba maglaro muna? Wait namin kayo, mag uusap lamang kami." nakangiting sambit ni Aga at agad naman tumakbo sina Aya doon sa may siso.

"Bakit ba? Baka kasi gutom na!" pagsasabi ko kay Aga ng alam kong hindi na rinig ng mga bata.

"Babes naman, huwag kana magselos." nakuha niya pa ngumuso ng masabi iyon, akala niya ba bagay sa kanya? Hindi kaya!

Hindi kaya masama, cute nga, e.

"Selos? Ha! Sa panaginip mo!" pagtataray ko sa kanya, aba siya ba naman, halos lahat na lang, e.

Halos lahat na lang ng makakakita sa kanya, gusto agad. Nakakaasar, puwede ba? Kahit isa lang na wala, e.

"Araw araw ako tulog." sabi niya sabay tawa kaya nahampas ko siya, aba?

Gustong gusto talaga makaasar ha, akala nakakatuwa.

"Doon kana sa babae mo, masaya ka naman doon. Shoo!!" pagtataboy ko sa kanya pero imbis na umalis siya mas lumapit lamang siya sa akin at agad na hinalikan ang aking pisngi.

"Happy?" pagtatanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga bata.

"Kapag ikaw kasama? Palagi." sabi niya bago noo ko naman hinalikan.

Tsansing.

Guilty MindWhere stories live. Discover now