Chapter 47

119 3 0
                                    

Baby Isabel 🦋

-

A hidden story to unfold.

"Kayo ang aking mga yaman, mahal na mahal kayo ng mama niyo at paulit-ulit ko iyon sasambitin sa inyong dalawa kapag kayo'y nagkamalay na sa mundong ibabaw." turan ni Ligaya habang nakangiti sa dalawa niyang anak, sina Seyana at Ligaya.

"Ang gaganda ng mga anak na 'tin 'noh? Sana magkasundo sila sa lahat ng bagay, twins nga 'di ba?" biro naman ni Feliciano sa kaniyang asawa, nakatanggap naman siya ng malakas na hampas mula kay Ligaya.

"Hay nako, Feliciano. Sa iyo pa nga ata magmamana ng kalokohan ang mga anak na 'tin." bahagyang napatawa naman si Ligaya sa kaniyang sinabi.

Sila sina Maria Ligaya Carmen Salonga at Maria Seyana Carmina Salonga, ang anak nina Ligaya at Feliciano Salonga. Lumaki sila na magkaiba ang gusto sa buhay, si Seya na mahilig sa dilim at si Aya na takot sa dilim, si Seya na mahilig sa paru-paro at si Aya naman na mahilig sa bulaklak, at sa madami pang bagay at doon ni Ariel minahal si Aya.

"Hello." nabigla si Aya nang makarinig siya ng boses mula sa likuran niya, nabitawan naman niya ang hawak na pandilig dahil sa gulat.

"Sino ka? Bakit ka nandito sa bakuran na'min?" sunod-sunod na tanong ni Aya sa kaniya.

"Ako si Ariel, taga diyan lang ako 'noh. Hindi ako masamang tao, gusto ko lang ng kausap dahil bagong lipat lang kami dito." pangungumbinsi ni Ariel sa kaniya.

Iniabot niya ang kamay niya, "Ako si Aya. Ligaya."

Araw-araw ay nakakatanggap si Aya ng bulaklak galing kay Ariel, iba't ibang hugis, kulay at klase ng bulaklak. Ito ay itinago niya sa kaniyang libro, at sabi ng nanay ni Aya ay hindi na sila p'wedeng magkita ni Ariel. Oo, bata lamang sila pero alam nilang mahal na nila ang isa't isa.

-

Aya and Seya.

Sa lahat ng bagay ay sila ang lagi magkasangga, hanggang dumating ang kinatatakutan ng mag-asawa. Si Feliciano ay nagkaroon ng utang sa pamilya ng mga Chien at bilang pambayad utang, si Aya ay kadugo ng anak ng mga Chien, si Rob. Kailangan nitong masalinan ng dugo at si Aya ang pambayad dito.

"Hindi ako papayag na ibebenta mo ang anak na 'tin sa ibang tao, paano kung may mangyaring masama diyan?" nag-aalalang tanong ni Ligaya, alas dose na ng umaga at pareho silang gising. Bukas na ng umaga ang dapat na araw na ibibigay si Aya.

"Hindi, Ligaya. Hindi ako papayag na masaktan nila si Aya, ako ang bahala. May plano ako." kampanteng sagot ni Feliciano.

-

Araw na para si Aya ay ibigay sa mga Chien, dinala ni Feliciano ang dalawa niyang anak para sa kaniyang plano. Ang pagpalitin ang dalawa. Nakarating sila sa abandonadong lugar, doon na niya sinabi ang lahat kay Seya at pinanatili nilang walang alam si Aya.

"Suotin mo 'to. 'Pag sinabi kong umalis ka na, simulan mong tumakbo. At pangako, babalikan kita." sambit ng kaniyang kakambal bago pa man sila magpalit ng suot na headband, it was flower and butterfly headband.

"Pero bakit Seya?" naguguluhang tanong sa kaniya ng kaniyang kakambal. She locked her twin with her arm and hugged her for the last time.

"Tandaan mo.. mahal na mahal kita. Kalimutan mo na kung sino man si Aya at si Seya dahil sila ay maglalaho na. Gusto kong tawagin mo ang sariling mong Lea.. at ang akin naman ay ako na ang bahala." tanging utos niya sa kapatid. "Ngayon, takbo na!" sigaw niya sa kapatid.

Natigilan lamang siya, hindi makaalis sa kinatatayuan. Duon niya napagtanto kung paano dukutin ng mga lalaki ang kakambal niya.

"Seyaaaa!" tanging sigaw nito.

-

"Aaaahh, 'wag mo 'ko sasaktaaaan!" sigaw na malakas ni Seya habang nakapikit ang mata, nagulat naman si Dolores sa mga sambit nito kaya't napagdesisyunan niyang gisingin na si Seya.

"Ayos ka lang ba?" iniikot niya ang kaniyang mga mata, hindi niya alam kung nasaan siya ngayon. Ang huli na lang niyang naalala ay kinuhanan siya ng dugo ng lalaki at nang maitest ito'y nagnegative siya.

"Si Papa po?" tanong niya at hinanap ang ama niya.

"Nasa baba siya. Hindi ko nga maintindihan pero.. nais niyang mag pakasal ako sa kaniya. May pamilya na rin ako sa wakas." naalala na niyang akala ng mama niya ay nangbabae ang tatay niya pero hindi.

"Hindi 'yon tunay. Ang kapatid ko? Si Aya? Si Gerard?" natatarantang tanong ni Seya sa kaniya.

"Ang mga Chien, wala sa bukabolaryo nila ang hindi gumanti. Balang araw, babalikan nila kayo. At sana, baguhin mo't kalimutan ang sarili mo bilang Seya. From now on, you will be Charlene Gonzales." sambit ni Dolores sa kaniya, "Enjoy your new home sweetheart."

-

"Hello, Lea." nabigla si Lea nang bigla na lang may umimik sa likuran niya, Rob is here.

Guilty MindWhere stories live. Discover now