27

19 2 0
                                    

"Do you think na porke kamukha niya si Ellaine ay papatulan ko na siya? Guys, 'yan ba talaga ang tingin niyo sa 'kin?"

Papatulan? Seriously, Erel?! Ang kapal ng mukha mo!

Parang nanlambot bigla 'yong mga tuhod ko.

"Then why is she here? Hindi ba mas masasaktan si Jerome ngayon dahil nakita niya 'yong pagmumukha ng babaeng 'yon? My God, Erel, kahawig niya si Dreami, hindi ka ba nag-iisip?" naiinis na sabi ni Cailyn.

I gritted my teeth. Ang sama nila. Sana nagtagal nalang ako sa cr para hindi ko narinig 'to. Buti pa si Jerome, hindi niya narinig kasi tulog na siya.

Parang dinudurog 'yong puso ko. Parang pinaglaruan lang nila akong lahat.

Sasagot na sana si Erel nang mapatayo si Waden at biglang magsalita na ikinagulat ko. Akala ko ba lasing na siya kanina? Parang ang okay naman na niya ngayon, e.

"Teka lang, 'wag naman kayong magsalita ng ganyan! Para namang sinasabi niyo na kasalanan ni Mel! Wala siyang kasalanan dito! Sisihin niyo 'yang si Erel! Siya ang may gustong papuntahin si Mel dito!"

Masakit na 'yong lalamunan at dibdib ko kakapigil sa mga luha ko. Wala akong masabi. Hindi ako makapagsalita.

Siguro nga baliw na ako parang makinig lang sa masasakit na sinasabi nila.

"Oh, shut up, Wadie! 'Wag mo nga siyang kampihan!" saway ni Cailyn.

"Teka lang, guys! Mag-aaway-away ba talaga kayo parang lang dyan sa stupid niyong topic? Mukha kayong mga tanga, you know," reklamo ni Ynna na para bang wala siyang pakialam.

"Erel, ang sabi mo iiwasan mo na siya, 'di ba? Kakasabi mo lang kanina na hindi siya si Ellaine pero sa kinikilos mo, parang nagpapakabobo ka nanaman, e!" sabi ni Kriston.

"'Wag ka ngang magsalita ng ganyan, Kriston! Alam mo kung ga'no kasakit kay Erel at kay Jerome na makita ulit 'yong mukha ni Ellaine kahit na kamukha niya lang 'yon," sabi naman ni Yulo.

"Nagtatanga-tangahan siya, e. Tinolerate na nga natin 'yan sa kaka-Ellaine dati, e, tapos ngayon parang tangang ume-Ellaine nanaman kahit alam naman niya wala na si Ellaine."

"Guys, ano ba?! Mag-aaway ba talaga tayo para lang dito?" Si Erel na 'yong nagsalita. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala lang siya para sa 'kin?!"

Napalunok nalang ako, napatingin sa taas at napapikit-pikit para lang hindi tumulo 'yong mga luha ko.

"See? Nag-aaway-away lang tayo dahil lang sa babaeng 'yon!" galit na sabi ni Cailyn.

"Wala lang sa 'yo pero pinapunta mo pa rito? Seriously, Erel?" Sarcatic na tumawa si Kriston. "Hindi mo gustong masaktan si Jerome? Kung totoo 'yang sinasabi mo, paalisin mo na 'yong babaeng 'yon dito!"

"Agree ako ro'n," pa-cool na sabi ni Abby.

"Lalo na ako," sabi ni Cailyn sabay irap.

"Me too." Si Heila.

"Yeah," pagsang-ayon din ni Drej na first time sumeryoso 'yong mukha.

"Sinisira lang niya 'yong birthday ni Erel," sabi naman ni Yulo.

So 'yong masayang pagpapakilala nila sa 'kin kanina at 'yong mga ngiti nila sa 'kin, that was all an act? Wow. Magbabarkada nga sila. Pare-pareho silang mga plastik!

"Teka lang! 'Wag naman kayong ganyan kay Mel—"

"Bakit Wadie, may gusto ka na sa kanya? Bakit pinagtatanggol mo siya?! Kailangan mo siyang paalisin dito dahil ikaw 'yong nagsama sa kanya rito!" inis na sabi ni Cailyn.

Dreamaica's NotebookTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang