34

6 0 0
                                    

"See? Nag-aaway-away lang tayo dahil lang sa babaeng 'yon!"

"Wala lang sa 'yo pero pinapunta mo pa rito? Seriously, Erel?" Sarcatic na tumawa si Kriston. "Hindi mo gustong masaktan si Jerome? Kung totoo 'yang sinasabi mo, paalisin mo na 'yong babaeng 'yon dito!"

"Agree ako ro'n."

"Lalo na ako."

"Me too."

"Yeah."

"Sinisira lang niya 'yong birthday ni Erel."

"Gustong gusto kita, Erel."

"Pasensya na," umpisa niya. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Pasensya na pero hindi kita gusto."

Napakurap-kurap ako pa ako ng tatlong beses bago ko ma-realize 'yong sinabi niya.

How great.

Ito na ang pangalawang pagguho ng mundo ko. Kailan pa 'yong susunod? I'm not yet ready. Paki-inform nalang ako.

Parang gusto ko nang sumabog.

"A-Ano?" nanghihina kong sambit. Hindi ko matanggap, sa totoo lang. Oo na, ganito na ako ka-assuming. "E, ano 'yang mga tingin mo? Bakit ang bait-bait mo sa 'kin? Bakit . . . bakit mo ako niyakap no'ng dalawang beses akong napaiyak sa harap mo?!"

Hindi siya sumagot. Napayuko lang siya.

"F-Fine... " napapiyok pa ako. "Naaawa ka lang sa 'kin."

Napaatras ako. Paatras nang paatras. Ito na ang pinakamasakit na salitang binitawan niya. Paatras ako nang paatras hanggang sa marinig kong may bumusina at pagkaharap ko-

Hinihingal na iminulat ko ang aking mga mata saka napaupo. Nanginginig 'yong buong katawan ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. At heto nanaman, sumasakit nanaman 'yong ulo ko.

Sandali kong ipinikit ng mariin 'yong nga mata ko.

Hanggang ngayon naaalala ko pa 'yong araw na 'yon. Naiinis ako kasi hanggang ngayon nasasaktan parin ako.

Napatingin ako agad sa may couch. Thanks God, wala na siya ro'n! Ngayon ko lang na-realize na wala parin pala akong pinagkaiba sa tangang Mel dati. Nakakainis 'tong sarili ko. Paano ko nakakayang humarap sa lalaking 'yon na parang wala lang sa 'kin 'yong mga sinabi niya dati? Nasaktan niya ako! Pero bakit hinayaan ko lang 'yong sarili kong halos makipag-asaran pa sa kanya kagabi na para bang sobrang close kami?

May problema na talaga ako sa pag-iisip. Napatulala nalang ako.

Dahil sa mga sinabi niya sa 'kin kagabi... nako-confuse ako. Bakit siya gano'n mag-alala sa 'kin? Malinaw na malinaw pa sa 'kin 'yong sinabi niya dati na wala lang ako para sa kanya. Na hindi niya ako gusto. Na si Dreami lang talaga. Hanggang ngayon ba ay naaawa parin siya sa 'kin?

Napatingin naman ako sa cell phone ko nang mag-ring 'yon. Nasa may side table lang kaya madali kong nakuha 'yon at napaatras nalang 'yong mga luha ko no'ng makitang si Mama pala 'yong tumatawag. Excited kong sinagot 'yon.

Kinamusta niya lang naman ako at pinaalalahanan.

Pagkatapos no'ng tawag ay bumangon ako at bumaba para kumain at naabutan ko silang lahat sa mesa.

"Uy, Mel!" nakangiting bati ni tita Clara. "Hindi ka na namin ginising kasi ang sarap ng tulog mo, e, baka hindi ka sanay magising ng maaga," natatawa niyang sabi.

Nahiya tuloy ako. Parang nagbubuhay prinsesa ako rito.

"Okay lang po. Actually, kanina pa naman po ako gising. Tumawag lang po si Mama at nag-usap lang kami sandali," nahihiya kong sabi ko. Napatango-tango naman sila ni Papa.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now