6

32 3 0
                                    

"Hoy, Tierra, lumampas na!"

Natauhan naman ako dahil sa sigaw sa 'kin ni Dianna Bueno na classroom president namin. Pagkatingin ko sa ginugupit kong cartolina, ayon, nasayang ko na pala. Nandito kami sa third floor ng SHS department. Lahat kasi ng classroom officer sa section namin at section nina Erel ay dapat daw tumulong sa pagde-decorate para bukas sa gaganaping christmas party. E, treasurer kasi ako nakakainis!

Buti pa 'yong dalawang mangkukulam na 'yon, for sure nagbu-beauty rest na ang mga 'yon ngayon.

"Hala, pasensya na papalitan ko nalang promise ako na lala—"

"Ayos lang," walang buhay niyang sagot.

Halata namang hindi okay para sa kanya, e.

"Emerson! Bili mo kami ulit ng cartolina, please, 'yong pink lang," nagpapacute na utos ni Dianna. Tumango lang si Emerson saka lumabas na. 'Di na ako pinansin ni Dianna at nagpaka-busy nalang siya sa ginagawa niya at 'yong ibang officer nalang 'yong inuutusan. Edi wow! 'Di ko naman alam na maaapektuhan pala pati mood ko ngayon dahil lang sa nalaman kong hindi pag-attend ni Erel bukas.

Napasimangot ulit ako. Hindi ba talaga siya a-attend bukas? Pero kung a-attend siya, edi, sana nandito siya ngayon. Classroom president siya sa section nila, e. Kaso wala talaga. Wala siya rito so it means—hays! Kainis. Nakakalungkot naman. Paano nalang 'yong mood ko bukas? 'Yon na nga lang 'yong dahilan ko kung bakit ako a-attend, e. Hindi ako sanay na hindi siya nakikita. Please naman, Lord, sana naman um-attend siya bukas.

"Woy, Tierra! Ako nalang tulungan mo rito." Lumapit naman ako kay Kim na nagka cut-out ng mga letters.

"'Wag mong pansinin 'yang si Dianna. Pabida lang 'yan." Natawa naman ako sa sinabi niya.

Sira na talaga 'yong araw ko.

"Hi, Ellaine!" Napatingin naman ako sa bagong dating na si Lawrence. Classmate at kabarkada siya ni Erel. Nakikita ko kasi sila minsan na magkasama.

"Wow, Ellaine, ha," nagpipigil ng tawa na sabi ni Kim. First time atang may tumawag sa 'kin ng Ellaine rito sa school, ah? Or hindi ko lang maalala?

"May problema ba sa sinabi ko, Kim?" Tinawanan lang ni Kim si Lawrence kaya inirapan siya nito. Natawa naman ako kasi 'di bagay sa kanya pag umiirap. Ang bakla niyang tingnan, hahahaha.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now