19

20 2 0
                                    

"Hey, let's go na," aya ni Koomie.

"Ah, ano kasi... may pupuntahan pa ako." Tapos sakto namang nakita ko si Waden sa may pintuan. Napairap naman ako. Hays! Ano bang ginagawa niya rito?

Napatingin naman 'yong tatlo sa kanya saka nakangiting tumingin sa 'kin. Sige, mang-asar pa kayo.

"Tara na, girls. May date pa si Ellaine." Tapos naghagikgikan.

Dedepensahan ko pa sana 'yong sarili ko kaso bigla nalang sila nawala na parang bula at naiwan kami ni Waden. Mga baliw!

Pinaningkitan ko siya ng tingin.

"Sorry na nga, e," nagpipigil ng tawa na sabi niya. Hinampas ko naman siya sa braso.

"Ikaw! Napakapasaway mo talaga!" Medyo pasigaw kong sabi sa kanya habang sabay kaming naglalakad palabas ng building.

"E, malay ko bang takot ka ro'n. Hindi ko alam, okay?" depensa niya. Bigla naman siyang natawa. "Ang cute mo no'ng takot ka." Hinampas ko naman siya sa braso.

"Kainis ka!" sabi ko. "Teka nga, ba't ang tagal mong dumating no'ng hinatid mo si Riley? Nakakainis ka! Naglandian pa kayo, 'no?"

"Hoy, hindi, 'no! Hindi lang ako makaalis. Nakakapit sa braso ko, e," sagot niya saka napangisi. "Pag talaga guwapo, 'no?" Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.

"Wow! Ang confident ni Guadencio." Tapos kukurutin ko sana 'yong tagiliran niya pero umiwas siya kaya ayon, nakabangga. Nag-sorry naman siya. Mukhang terror pa naman 'yong Prof na nabangga niya. Pagkatapos ay nagtawanan kami saka nagpatuloy kami sa paglalakad.

Masyado nang madilim dahil mag-aala sais na.

"'Wag kang mag-alala. Nakaganti ka na kay Drej, may black eye na 'yong gago," natatawang sabi niya. Napakunot naman 'yong noo ko. "May practice pa pala kami. Kung gusto mong maghintay, chat mo ko, ha. Kung uuwi ka na, okay lang naman pero chat mo rin ako."

"Teka, anong nakaganti na ako?"

"'Di mo ba alam na sinuntok 'yon ni Erel?" Nanlaki naman 'yong mga mata ko. "Alam mo, nagulat nga rin ako, e. First time ko siyang makitang nanuntok kasi sobrang bait no'n, e. Walang ibang alam kung 'di mag-aral at kumanta."

"Sinasabi ko na nga ba at plastik talaga 'yon, e. Kala mo kung sinong mabait, may tinatagong kasamaan pala," bulong ko.

"No'ng bumalik kasi ako, hinanap kita at napunta ako sa garden. Nakita kong sinuntok niya si Drej kaya inawat ko siya. Sorry talaga, Mel, ha? Kasalanan ko. Buti nalang nando'n si Erel. Naguluhan nga ako sa dahilan niya kung bakit niya sinuntok si Drej, e," kuwento niya. "Ang sabi niya 'binastos niya si meow' so ako naman, akala ko talaga pusa niya. E, mahilig sa pusa 'yon. Pero no'ng narinig ko sa iba na binastos ka raw ni Drej, ayon, do'n ko lang na-realize na ikaw pala 'yong tinutukoy niya kaya humagalpak ako ng tawa." Binatokan ko naman siya. At may gana pa siyang pagtawanan ako? Aba, kaasar 'tong Guadencio na 'to.

"Aray! Joke lang, hindi lang naman ako tumawa. Siyempre sinuntok ko rin 'yong gagong 'yon."

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ano, okay ka lang ba, Mel? Sorry talaga, pinagsisisihan ko nang iniwan kita."

Napabuntong-hininga lang ako.

Kahit ayokong pansinin 'yong sinabi niyang pagsuntok ni Erel kay Drej, hindi paring maalis sa isip ko.

"Bakit naman niya 'yon gagawin?" bulong ko.

Nasa tapat na kami ng gym at may biglang tumawag kay Waden kaya naman nagpaalam siya.

"Woy, practice na kami. Just chat me if you're gonna wait for me or uuwi ka na, okay?" Tumango naman ako. Tinap niya 'yong ulo ko. "Ingat!"

Umalis akong nakakunot ang noo.

"Tss, hindi dapat ako maguluhan sa taong 'yon kasi halata namang plastik siya, e," paalala ko sa sarili ko.

Tiningnan ko ulit 'yong text niya.

Plastik: Kita tayo bukas. 5pm. Sa may IT bldg. May ibibigay ako sa 'yo.

5pm? Magsi-6:15 na nga, e. Siguro naman wala na siya rito.

"Akala ko hindi ka na dadating."

Pero mali ako.

"Meow ka talaga," sabi pa niya tapos mahinang natawa. Napairap naman ako saka umupo sa inuupuan niyang pa-square na semento na pumapalibot sa mga halaman.

Medyo malaki naman 'yong distansya namin. Dala-dala parin niya 'yong gitara niya. Tss, hindi ba siya napapagod dalhin 'yon?

Tahimik lang siya.

Napatayo naman ako at pumunta sa harap niya.

"Hoy, plastik, pinagti-trip-an mo ba ako?" Tapos pinakita ko sa kanya 'yong text niya sa 'kin. "Magte-text ka ng ganito tapos ngayon tatahi-tahimik ka riyan?" Napa-cross arms naman ako.

Napatingin lang siya sa 'kin ng seryoso. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano 'to, staring contest? Wala ka talagang magawa sa buhay mo, 'no?" sabi ko at akmang aalis na sana kaso bigla niyang hinawakan 'yong wrist ko at hinila 'yon kaya napaharap ulit ako sa kanya.

Seryoso parin siyang nakatingin sa mukha ko. Nako-conscious tuloy ako—teka, Mel, bakit ka naman mako-conscious?!

Humigpit 'yong pagkakahawak niya kaya hindi ko 'yon mabawi. Peste naman! Ano bang problema niya at nakatitig siya sa 'kin?

"Meow—"

"Puwede ba? Hindi nga ako pusa! Tigilan mo nga 'yan!" Natahimik naman siya. Tapos maya maya, bigla nalang naging seryoso 'yong mukha niya.

"Sabihin mo sa 'kin, bakit mo ako sinampal no'ng araw na 'yon?" seryoso niyang tanong. Agad naman akong napatingin sa kanya. Napalunok ako kasi 'yong mukha niya nakakatakot. Ang seryoso, e.

"Sinabi ko na naman sa 'yo, 'di ba? May galit lang talaga ako sa mga lalaki—-"

"Hindi 'yan 'yong sinabi mo dati."

"H-Ha? Ewan! N-Nakalimutan ko na. Makakalimutin ako, e." Nauutal pa ako, kainis!

"Nagsisinungaling ka nga."

"Bitawan mo nga ako!" Pilit kong binabawi 'yong kamay ko pero hinigpitan lang niya. "H-Hoy, plastik! Puputulin mo ba 'yong kamay ko?!" Bigla niya namang binitawan 'yon at napaiwas ng tingin.

Napatingin naman ako sa namumula kong palapulsuhan.

"Tingnan mo 'yong ginawa mo!" inis kong sabi sa kanya.

"Dahil ba sa kanya kaya sinampal mo ako?"

Bigla akong napatigil at napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Teka...

Ilang minuto akong naging tahimik dahil sa sinabi niya. Feeling ko nga pati 'yong paligid naging tahimik din. Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman.

"H-Ha? Anong s-sinasabi mo riyan?"

Tapos may kinuha siya sa bag niya at pilit na pinahawak 'yon sa 'kin. Napaawang nalang 'yong bibig ko nang mapagtanto kung ano 'yong bagay na 'yon.

Bakit nasa kanya 'yong notebook ni Dreami?

Dreamaica's NotebookDove le storie prendono vita. Scoprilo ora