3

41 3 0
                                    

"Mel, gising na!"

Inaantok pa ako. Si Mama talaga, hays.

"Dreamellaine!"

Akala ko titigil na si Mama pero binuksan niya pa 'yong bintana at kurtina hanggang sa tumama sa mukha ko 'yong sikat ng araw. At 'yan ang pinaka ayaw ko sa lahat.

"Ma naman!"

"Bumangon ka na riyan at walang magbabantay sa sinaing ko. Pupunta ako sa kabilang purok para bumili ng prutas. Kapag bumalik akong sunog 'yong sinaing tatamaan ka sa 'kin," banta niya saka umalis.

Kaasar.

Tatayo na sana ako nang mahawakan ko 'yong notebook ni Dreami sa tabi ko. Oo nga pala, napagod ako kakalupasay kagabi dahil sa kilig at hindi ko namalayang nakatulog ako. Buti nalang hindi nakita ni Mama.

Flinip ko 'yong pages hanggang do'n sa huli kong binasa kagabi.

***

"Ellaaaaine! Bumangon ka na riyan! May pasok ka, 'di ba?!" Nagising nalang ako sa lakas ng boses at katok ni Mama sa pintuan ng kuwarto ko.

Pagkatingin ko sa orasan, wow, Dreamaica Ellaine, 10:05am na, oh, napaka huwaran mong estudyante. Peste, late na ako sa research subject ko!

Dali-dali naman akong napabangon at kumilos. Bakit ba kasi 9:30 'yong start ng klase namin, e, ang aga aga pa no'n.

Nag-online muna ako para tingnan 'yong group chat namin nina Erahnnel. Walang new messages at hindi sila online. Wow, so nagsstart na talaga 'yong klase? Malamang, Dreamaica, anong oras na, e!

Pagkatapos kong gawin ang lahat-lahat ay sumakay na ako ng tricycle dahil medyo malayo pa 'yong school ko. Then pagkarating ko sa may gate tumakbo ako dahil nasa third floor pa 'yong room namin. Paktay! Ang pinakaayaw pa naman ni sir ay 'yong may nale-late. Sesermonan nanaman kami. I'm so dead na tala

"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay... "

"Oy, Dreami absent si sir," sabi ni Erahnnel nang makita niya ako sa hallway ng second floor. Napansin ko namang nandito rin 'yong ibang kaklase namin, nagkakantahan dahil dinala nanaman pala ni Jerome 'yong gitara niya.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay... "

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now