47

8 0 0
                                    

Napakurap-kurap ako nang marinig ang alarm ko.

OH MY GOSH!

UMAGA NAAA?!

Napatakbo ako papunta sa harap ng salamin at nanlaki nalang ang mga mata nang makita ko ang pamumukha ko. Disaster. Mukha na akong disaster!

Wala sa sariling naglakad ako papuntang cr at parang walang buhay na nagtoothbrush.

Hindi ko na alam kung saan pa ako mas magugulat. Lahat na ata ng gulat ay nailabas ko na dahil sa mga nangyari kagabi.

Fresh pa sa isipan ko kung paano umamin sa 'kin si Waden ng dalawang beses at kung anong sinabi at ginawa ni Erel na nagpatigil ng mundo ko. Lahat ng 'yon ay nangyari kagabi lang. Hindi na sila naawa sa 'kin. Ngayon, pa'no pa ako makakatulog ng maayos? Kapag nawala ako sa mundong 'to, siguradong puyat ang magiging cause of death ko.

Paglabas ko ng kuwarto ko nakita ko si manang na naglilinis sa baba. Ang aga pa naman pero himalang wala sina Papa.

Napahikab muna ako bago magtanong.

"Manang, sina Papa po?" tanong ko. Naglilinis si manang sa may sala at nasa hagdan pa ako.

"Hindi sinabi, e, basta kanina pa sila ni ma'am Clara umalis." Napatango-tango nalang ako.

Magbi-breakfast na sana ako nang biglang bumukas ang main door at iniluwa nito ang taong gusto kong iwasan ngayon.

"Ate Ki—"

Napatalikod ako bigla at dali-daling umakyat sa hagdan.

"Meow!"

Kunwari wala akong narinig. Pusa lang siguro 'yon.

Papasok na sana ako sa kuwarto ko pero peste, ba't ayaw mabuksan?!

"Meow!"

Gosh! Ano bang kailangan niya at may patawag-tawag pa siya?! 'Yong puso ko tuloy parang hinahabol ng multo.

"Ah, Mel, pasensya na, nasira nga pala 'yong doorknob ng pinto kagabi nakalimutan atang sabihin ni sir sa 'yo, buti nakalabas ka pa? Wait lang, ha, puntahan ko lang si kuya Henron."

"Wait lang, ate Kiva!"

Pero wala na. Umalis na siya.

Halos mabitawan ko na 'yong phone ko sa gulat nang pagkatalikod ko, nando'n na pala si Erel.

"A-Ano ba, Erel?! Ba't ba lagi kang nanggugulat?!"

Napakunot naman 'yong noo niya.

"E, ba't lagi kang nagugulat?"

Wala manlang ba siyang natitirang kahihiyan sa ginawa niya kagabi? Ba't ba parang wala lang sa kanya? 'Wag niyang sabihing hindi niya maalala? He! Hindi ako naniniwalang hindi na naaalala 'yon!

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko, medyo kinakabahan kasi baka sabihin nanaman niyang hindi naaalala kung anong nangyari kagabi at baka bigla niyang itanong kung anong nangyari.

"Ah, ano... kasi 'yong ano... 'yong teddy bear mo pala naiwan kagabi."

Parang may biglang nawalang mabigat na bagay na humaharang parang hindi ako makahinga ng maayos. Napahinga ako ng malalim saka napabuga. 'Yon lang pala, buti naman.

"Ah, O-Oo... ako na kukuha... ano... haha! Sige."

Ano ba naman 'yan?! Halatang puyat talaga ako, 'no?

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay mabilis ko siyang iniwasan at bumaba sa hagdan. Grabe! Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko. Parang tataas bigla blood pressure ko. Tinawagan ko si Waden sa phone para hindi na niya ako kulitin.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now