15

32 4 2
                                    

"What are you doing here, Fuego?" Nagulat naman ako, tipong napahawak pa ako sa dibdib ko.

"Koomie, naman, 'wag ka namang manggugulat! Maaga mong tatapusin 'yong buhay ko, e." Natawa naman si Frejie. As usual si Ladylyn nakapoker face lang.

"E, bakit ka ba nagtatago riyan? Pansin ko, last week ka pang ganyan," nakakunot noong sabi ni Frejie.

Opo. Yes po. Last week pa po akong ganito. Parang tangang nagtatago pag dismissal time. Hays! Kasi naman, e! Natatakot ako sa Erel na 'yon. Hindi ko na nga masyadong nakakasabay sa pag-uwi si Waden, e. Para na ngang nagtatampo 'yon sa 'kin kasi ang dami kong excuse para hindi lang siya makasabay. Makita pa namin si Erel, edi, finish na ako no'n. Magkakilala pa mandin sila.

Medyo nagulat naman ako no'ng biglang magsalita si Ladylyn.

"Baka naman she's hiding from her boyfriend. 'Yong poging dancer na nakita kong kasama niya last week," sabi niya habang nakangiti at parang kinikilig. Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Napafake cough naman siya saka binalik ulit sa pagka-poker face 'yong mukha niya. Mahina naman namin siyang tinawanan.

"'Di ka nanaman ba sasabay sa 'min?" tanong ni Koomie

"Uhm... h-hindi na. Magre-restroom pa ako. Uuwi na rin ako pagkatapos pero sige na mauna na kayo."

"Are you sure?" Napatango naman ako. "Ang weird mo talaga," natatawang sabi ni Frejie.

"In born na 'to," natatawang sagot ko. "Sige na, restroom na ako." Nag-wave naman ako sa kanila at gano'n din sila.

Pero siyempre excuse ko lang 'yon. Kailangan ko nang makaalis sa building na 'to dahil delikado ang buhay ko. Ewan ko ba kung bakit nandito siya sa building namin. E, parang hindi naman kami parehas ng department. Parang lang naman.

Bigla naman akong napapasok sa library nang makita siya sa hallway. Tae, ayokong mahuli niya ako. Baka sampalin din niya ako.

Pumuwesto ako sa dati kong pinupuwestuhan. Malapit sa may aircon para hindi ako ma-stress. Bago ako umupo ay naghanap muna ako ng librong magiging props ko. Tss, ano ba naman 'yan, Mel! Props nga lang tas may pa hanap-hanap epek ka pa riyan!

Pagkahugot ko sa librong napili ko ay bigla nalang nanlaki 'yong mga mata ko nang makita ko si Erel. *gulp. Patay kang bata ka!

Napayuko naman ako sa librong hawak ko para hindi niya makita 'yong mukha ko. Kunwari nagbabasa.

Bigla akong kinabahan nang maramdaman kong nakatingin siya sa 'kin.

"Psst!" Halos mabitawan ko na 'yong hawak kong libro nang marinig ko siya. Nakakainis talaga! Ibinalik ko 'yong libro at lumipat ako sa isa pang bookshelf na katapat nito at kunwari naghahanap ulit ng libro.

Nagulat nalang ako nang biglang pagkatingin ko ay nasa tabi ko na siya na kunwari ay naghahanap din ng libro. Tae! Tae talaga!

"'Di ka ba napapagod magtago?" tanong niya na ikinagulat ko kaya napatingin ako sa kanya. Nasa mga libro parin 'yong atensyon niya.

"H-ha? Ako b-bang kinakausap mo?" patay malisya kong tanong. Napatingin naman siya sa 'kin nang masama kaya napaiwas ako ng tingin. Help me, Dreami!

Sumandal siya sa gilid ng lalagyan ng makapal na libro at pinagkrus ang mga braso niya.

"Baka nakakalimutan mong kahit ilang araw na ang dumaan ay naaalala ko parin na may atraso ka sa 'kin?" Napapikit nalang ako sandali dahil sa frustration. Nakaka-frustrate 'yong ginagawa mong katangahan, Mel!

"H-ha? A-anong sinasabi mo riyan? Hindi ko alam 'yang mga sinasabi mo kaya please, kuya, shh! Masisita tayo nito, e." Aalis na sana ako nang biglang hawakan niya 'yong wrist ko.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now