18

22 3 0
                                    

Meow.

Meow niyang mukha niya! Gosh! Nakakainis! Nakakainis talaga siya! Sino siya para tawagin akong ganyan?! Ganda-ganda ng ginawang pangalan ni Mama para sa 'kin at napaka-unique pa then he's just gonna call me meow?! Aba, nakakapikon na siya, ah.

Tapos may payakap-yakap pa siyang nalalaman. Tss! Plastik talaga! Kala mo kung sinong concerned, e, halos pabayaan na nga niya akong bastusin ng Drej haliparot na 'yon, e.

Ilang weeks na pala ang nakalipas simula no'n. 'Yong mga linggong nagdaan ay kayna Koomie ako sumasabay mag-lunch and pag-uwian. Until now nagtatampo parin ako kay Waden. Hindi ko pinapansin ang lahat ng texts at chats niya at nagtutulog-tulugan ako pag pupunta siya sa bahay. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi sana ako pepestehin ni Drej haliparot at hindi sana ako magkakautang na loob sa plastik na Erel na 'yon.

Ilang ulit din akong tinext ni Drej haliparot. At saka minessage sa messenger ko pero hindi ko in-accept 'yong message request niya. Puro mga sorry then sorry talaga kasi lasing na daw siya—nyenye! Tapos nag-confess pa siya ng feelings like duh! Drej haliparot nga! Buwisit siya! Buti nalang di ko first kiss 'yon kung 'di ipapapulis ko talaga siya. Legit 'yon, 'no.

At no'ng isang araw ko lang nalaman na lahat pala ng nakilala ko sa party na 'yon ay dito rin sa university na 'to nag-aaral. My gosh, sana 'di ko sila makita rito. 'Yong Drej na haliparot na 'yon lalong-lalo na 'yong plastik na Erel na 'yon.

"Ang layo ng iniisip mo, girl." Natauhan naman ako nang marinig kong magsalita si Frejie.

"Girls, hayaan na muna natin si Ellaine kasi you know, it's not that easy to choose lalo na at parehong pogi 'yong mga 'yon," sabi ni Koomie. Napakunot naman 'yong noo ko.

"Sana all, long hair," natatawang singit naman ni Frejie. "Sino ba namang hindi mahihirapan mamili sa isang poging dancer at isang poging singer?" sabi pa nito kaya napangiwi ako.

"What are you guys talking about?"

"Asus, nagmamaang-maangan pa si Ellaine the Rapunzel," asar ni Koomie saka sila nag-apiran at nagtawanan. Napairap naman ako.

"At kailan niyo pa naisipang tawagin akong Ellaine, ha?" mataray kong tanong. "'Wag niyo nga akong tawagin ng ganyan."

"At bakit hindi?" Tapos kunwari nag-isip si Koomie at nang may maisip ay bigla siyang napangiti. "Siguro isa sa singer and dancer ang tumatawag sa 'yo ng gano'n, 'no?" Tapos sinundot-sundot niya ako sa tagiliran. Mahinang hinampas ko naman 'yong kamay niya. Natatawa nalang si Ladylyn.

"Hindi, 'no! Hindi lang ako sanay at saka teka nga," sabi ko. "Ano ba 'yang sinasabi niyong singer and dancer?" nakakunot noo kong tanong sa kanila.

"Last week nakita namin 'yong kasama mo no'ng isang araw na pogi. Dumaan kasi kami sa music room kasi uncle ni Frejie 'yong music teacher do'n. So tumambay muna kami ro'n," kuwento ni Koomie. "Then na-shock kami no'ng may nagplay ng guitar at saka kumanta. Ang galing niya promise, 'di ba, girls?" Tumango naman si Frejie. Si Ladylyn naman, parang walang pake.

At do'n ko lang na-realize na sina Waden at 'yong plastik na si Erel ang tinutukoy nila.

"Ang sarap kayang ma-fall sa singer, 'di ba?" nakangiting sabi ni Frejie.

"Masarap ding ma-fall sa dancer, girls," sabat ni Ladylyn. "Congrats, Ellaine, the crown is all yours."

Napairap naman ako. "Mga baliw! Friend ko nga lang 'yang si Waden at saka 'yong singer na sinasabi niyo, hindi ko 'yon kaano-ano. Hindi ko 'yon kilala, 'no."

"Hi, meow!"

Napatingin naman 'yong tatlo sa plastik na dumaan. Ngumiti pa siya sa 'kin. Halatang good mood siya, ah. Nakakaasar akala ko ba hindi ko na 'to makikita? Sandali namang napatingin sa 'kin 'yong kasama niyang babae. Mukhang mataray mga bes. Edi wow!

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now