14

33 3 0
                                    

"What happened? Bakit tayo tumakbo?" hinihingal na tanong agad ni Waden no'ng huminto na kami sa may waiting shed.

Grabe nakakapagod tumakbo, tipong napahawak pa ako sa mga tuhod ko.

Bigla ko nanamang nasinghot 'yong pabango niya. "Tara na, sumakay na tayo." Pag-iiba ko ng usapan at sumakay na sa tricycle. Wala siyang nagawa kung 'di ang sumunod nalang sa 'kin.

"Kuya, sa ikalawang purok lang ng Daisy street," sabi niya kay kuyang tricycle driver.

Ramdam ata niya na ayoko munang pag-usapan kaya hindi na siya umimik hanggang sa bumaba kami.

Bubuksan ko na sana 'yong gate namin pero napatigil ako nang bigla niya akong tinawag.

"Mel." Napalingon naman ako sa kanya. "Puwede mo namang sabihin sa 'kin, e." Napabuntong-hininga naman ako.

"Fine," pagsuko ko saka lumapit sa kanya. "Naalala mo 'yong guy sa milktea house dati?"

Sandali siyang napaisip.

"Ah, 'yong tinanong ko sa 'yo kung kilala mo ba kasi kung makatitig ka wagas?" Napairap naman ako.

"Hindi naman titig. Grabe naman 'to. Tingin lang naman."

"Fine. Nakatingin ka lang." Napacrossed arms naman siya. "So, ano bang tungkol sa kanya?"

Napagulp naman ako. "I slapped him at patay ako pag nakita niya ulit ako." Tss, bakit ko ba kasi ginawa 'yon? Nasisiraan na ata ako ng bait. Wala naman akong karapatan para pangunahan si Dreami kahit wala naman na siya.

Nanlaki naman 'yong mga mata niya.

"Ano? Sinampal mo si Erel? Bakit mo 'yon ginawa?"

Nagulat naman ako sa mga tanong niya. Kilala niya pala si Erel?

"Kilala mo siya?"

"Siyempre, taga ro'n siya sa lugar na tinitirhan namin dati at saka classmate ko siya no'ng JH." Mahina naman siyang napatawa. "Bakit mo naman 'yon ginawa? Hindi ko ma-imagine 'yong mukha niyang nasampal. Mabait pa naman 'yon. Torpe nga lang."

Nakakainis. Napakaliit ng mundo.

Nagi-guilty na tuloy ako. Dalawang beses kong hinampas 'yong noo ko. Tae, ang stupid mo talaga, Dreamellaine!

Bigla namang may lumabas sa bahay nila.

"Encio, andyan ka na pala? Ano pang ginagawa--" tapos biglang napatingin sa 'kin. Napayuko naman ako. Mukhang masungit 'yong ate niya. "Who is she? Girlfriend mo, Encio?"

Napatingin naman kaming dalawa ni Waden sa kanya.

"Hindi po!" sabay naming sagot. Natawa naman 'yong babae. Mukha lang palang masungit. Napakamot naman sa batok niya si Waden.

"Ma, siya po si Mel, taga dyan po siya." Then he pointed our house na katabi lang ng kanila.

Teka, Mama ni Waden? Akala ko ate lang. She look very young to be Waden's Mom.

Napatango-tango naman siya. "Hi, pretty! Ikaw pala si Mel, nice meeting you. Mama mo lang kasi na-meet ko dati. 'Di ka ata masyadong naglalalabas." Naiilang naman akong ngumiti.

"Hi, po," bati ko nalang.

"Sige, Mel, next time mo nalang i-kuwento 'yon." Ngumiti naman siya sa 'kin saka bumaling sa Mama niya. "Let's go inside, Ma." Papasok na rin sana ako sa bahay kaso 'yong Mama niya ay sadyang makulit.

"Hey, pretty! Gumawa ako ng ice cream at gusto kong tikman mo and if it tastes good, dalhan mo Mama mo, okay lang ba?"

Napatingin naman ako kay Waden na umiiling-iling. Ang rude naman kung aayaw ako kaya ayon, pinapasok nila ako sa bahay nila. Napakamot lang si Waden sa batok niya.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now