22

18 3 0
                                    

Hindi ako nakatulog nang maayos pagkatapos no'ng araw na 'yon. Iniisip ko parin hanggang ngayon kung bakit gano'n 'yong Cailyn na 'yon sa 'kin. Kapag naiisip ko kasi na may taong parang naiinis o galit sa 'kin, hindi talaga ako mapakali at hindi ko maiwasang hindi masaktan. Wala naman akong ginagawang masama kaya bakit siya gano'n sa 'kin?

Nag-vibrate 'yong phone ko kaya napatigil ako sa paghahanap ng libro.

Si Waden nanaman.

Guadencio: mel please kausapin mo naman ako hanggang kailan mo ba ako gaganituhin? Hindi mo ba ako nami-miss?

Napairap lang ako.

Ilang text na ang natatanggap ko kay Waden. Araw-araw niya rin akong pinupuntahan sa bahay pero gusto ko talagang umiwas muna. Halos mag-iisang buwan na rin simula no'ng kumain kami kasama 'yong tatlong espesyal na tao kay Dreami. Pagkabalik ko no'n sa table namin, wala na si Erahnnel at Cailyn. Naasar ata dahil sa kaartehan ko raw kuno.

Hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa inasal no'ng Cailyn na 'yon. Ang bait naman niya kay Dreami at saka ang saya nga niyang kaibigan sa pagkakabasa ko, e. Pero bakit sa 'kin ang init ng ulo niya? 'Di ko naman siya inaano.

Nagpatuloy ulit ako sa ginagawa ko nang mag-vibrate nanaman 'yong phone ko.

Guadencio: maghihintay ako ngayon sa cafeteria kapag hindi ka dumating ngayon din FO na tayo

I scoffed.

Wow, Guadencio, seryoso ka na niyan?

Hindi ko sana papansinin 'yong text niya kaso badtrip, nagi-guilty ako. Siya na nga lang 'yong masasabi kong close friend ko, e.

Padabog akong lumabas ng library at naglakad papunta sa cafeteria. Pero pagkarating ko, walang Guadencio akong nakita. Kahit naman may ibang lalaking hindi ko makita ang mga mukha, kilala ko kahit braso ni Waden kaya sure akong wala siya sa nakikita ko ngayon.

Napakurap-kurap ako. Bwisit 'yon, scammer!

Padabog naman akong nagtipa sa phone ng ite-text sa kanya.

To Guadencio: ALAM MO GUADENCIO BWISIT KA NAG EFFORT PA AKONG PUMUNTA SA CAFETERIA TAPOS GAGANITUHIN MO LANG AKO?! FO NA TALAGA TAYO!

"'Kala mo, ikaw lang marunong?" bulong ko sa sarili habang nakataas ang isang kilay.

Lalabas na sana ako nang may ma-receive akong reply niya.

Guadencio: sa may coffee machine

Napatingin naman ako sa sinasabi niya. May nakaupong nakaitim na lalaki ro'n. Nakatalikod sa direksyon ko kaya hindi ko makita 'yong mukha.

Napataas 'yong isa kong kilay. Lokohin niya lolo niya. Mukhang hindi naman siya 'yon, e!

Pero teka, bigla ko tuloy in-imagine 'yong kabuuan ni Waden.

"Weh? Parang hindi naman siya 'yo, e," bulong ko.

Nag-vibrate ulit 'yong phone ko.

Guadencio: yung nakaitim

Nakaitim nga 'yong nando'ng lalaki.

Napakunot lang 'yong noo ko. Ano ba 'yan, mali ba ako no'nh sinabi kong kilala ko na si Waden?

Napailing-iling nalang ako habang papunta ro'n.

Nang makalapit ako ay padabog akong napaupo at magsasalita na sana nang bigla nalang mapatikom 'yong bibig ko dahil hindi si Waden ang nasa harap ko ngayon.

Simula no'ng araw na isinama ako ni Waden sa resto ng auntie niya, sinabi ko na sa sarili ko na iiwasan ko na 'yong mga virus na na-mention ni Dreami sa notebook niya pero bakit... bakit kaharap ko 'yong isa sa mga virus na 'yon? Bakit sa dinami-daming tao sa notebook ni Dreami, bakit 'yong crush pa niya?

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now