52

7 0 0
                                    

"Sorry, pero gusto kitang samahan ngayon, Dreamellaine."

Napakurap-kurap 'yong mga mata ko at nang ma-realize na totoo talagang nasa harap ko siya ngayon ay agad na nagsalubong ang mga kilay ko.

"Hindi ko sinabing bumalik ka kaya anong ginagawa mo rito?"

Sasagot na sana siya pero napatigil ata siya nang makita ang mga mata ko. Sobrang halata atang umiyak ako kaya napaiwas ako ng tingin.

"Okay ka lang?"

Gusto ko nalang matawa ng sarkastiko dahil sa tanong niya. Lahat na ata ng tanong ay 'yon na ang pinakanakakainis pakinggan. 'Yong halata namang hindi ka okay pero tinatanong pa nila.

"Si Ladylyn? Ba't mo siya iniwan?" pabalik kong tanong sa kanya.

Napaiwas naman siya ng tingin at napabuntong-hininga na para bang wala siyang balak sagutin ang tanong ko.

"Dreamellaine," tawag niya sa atensyon ko kaya napatingin na talaga ako sa kanya. Seryoso ang mga mata niya. "Hindi ko sinabing mahal ko siya. Wala akong sinasabing mahal ko si Ladylyn."

Napataas 'yong isa kong kilay.

"Ha?"

"Narinig ko kayo kanina. Nagsinungaling sa 'yo si Ladylyn at hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginawa. Isa lang namang tao ang sinabihan ko no'n at hindi siya 'yon."

Natahimik lang ako dahil sa narinig sa kanya. Nagsinungaling ba talaga sa 'kin si Ladylyn? Bakit niya naman sinabi 'yon?

"Wala naman akong pakialam sa sinabi niya, e."

Natigilan si Erel sa naging sagot ko. Napatingin lang siya sa mga mata ko kaya napaiwas ako ng tingin.

"Kung wala ka nang sasabihin, Erel, balikan mo na siya ro'n. Okay lang akong mag-isa."

Nagulat ako no'ng bigla niyang hinawakan 'yong kamay ko.

"Ako, hindi okay sa 'kin kaya please, for once, Dreamellaine, sarili mo ang isipin mo hindi ang ibang tao. Hindi si Ladylyn ang dahilan kung bakit ako pumunta rito kaya 'wag mo na akong itulak sa kanya."

Natahimik ulit ako dahil sa sinabi niya kaya hindi ko na siya napigilang hilahin ako paalis.

Bumili kami ng mga bulaklak at kandila para kay Dreami. Actually, siya lang bumili dahil hanggang ngayon, parang wala parin ako sa sarili ko. Hindi ko na siya kinausap at feel naman niyang ayaw ko ng kausap kaya tahimik lang din siya. Ang layo nga ng distansya ko sa kanya, e, kasya pa dalawang tao sa gitna namin.

"Ang sabi mo raw hindi naman makakapaggitara na si Dreami kaya ano pang silbi ng gitarang 'yon? Hindi ka naman daw marunong," bigla niyang basag sa katahimikan.

Kahit ayokong makinig. Kahit ayokong pansinin 'yong sinabi niya, nakuha niya parin 'yong atensyon ko.

"No'ng mga panahong 'yon ay do'n na ako nakatira kayna tita dahil pinilit niya ako. Alam ng Papa mo na mahilig akong maggitara kaya ayon, binigay niya tapos nalaman kong sa 'yo pala 'yon."

Tss, alam niya pala tapos may pa-Ellaine, Ellaine pa siya. Papansin. At teka nga... bakit ba siya nagku-kuwento? Hindi ko naman tinatanong.

"Share mo lang?" pambabara ko sa kanya.

"Share ko lang."

Pinaningkitan ko siya ng tingin. "Alam mong anak ako ng asawa ng tita Clara mo?" Tumango naman siya. "So alam mo rin na kinuha ako ni Papa para do'n na patirahin sa kanila?" Tumango ulit siya kaya napatawa ako ng sarcastic. "Wow. Pagkatapos mo ako i-reject, wala lang sa 'yo na magkita ulit tayo?"

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now