39

6 0 0
                                    

"Kaye Dreamellaine Fuego," I whisphered to myself while facing the mirror. "Kung ayaw niya sa sorry mo, edi 'wag! Choosy ang plastik na 'yon kaya hayaan mo nalang siya, besides, malapit mo na siyang ma-uncrush, unlike at unlove."

Nasisiraan na talaga ako ng bait. E, ano naman kung hanggang ngayon hindi parin ako pinapansin ni Erel the plastik? Pake ko naman, 'di ba? What's important is that nag-sorry na ako kahit hindi niya ako pinakinggan. Tao lang din ako, nauubos pasensiya ko, 'no.

Two days na ang nakakalipas since nasira ko 'yong gitara niya. And speaking of that guitar, hindi ko alam kung paano nangyari 'yon pero no'ng malaman kung pinaayos na ni Erel 'yon ay agad kong tinanong si Papa at sikretong pinasok 'yong kuwarto ni Erel para ipakita 'yong gitara kay Papa. Pero pagpasok namin, ibang gitara na 'yong nakita ko. Hindi na kulay brown. Itim na, so imposibleng gitara ko nga 'yon. Sinubukan kong sabihing hindi 'yon 'yong gitarang nasira ko pero seryoso talaga si Erel habang sinasabing 'yon talaga 'yong gitarang—base sa choice of words niya—pinatay ko raw.

Nakakahiya. Feeling ko napahiya nanaman ako. Inabala ko pa talaga si Papa sa napaka-petty na bagay na 'yon. Medyo nagtaka rin ako no'ng hindi talaga makapaniwala si Papa na naaalala ko pa 'yong gitara na 'yon. Like duh, makakalimutin na ba talaga ako para gano'n maging reaction niya?

Siguro nga namamalikmata lang ako sa gitara na 'yon. Na-carried away nanaman ako sa mga imaginations ko.

Pero ang sabi ni ate Kiva, galing kay Ellaine daw 'yong gitarang 'yon. Kay Dreami? Wala naman akong naaalalang nagkaroon siya ng gitara, e.

I shook my head para mawala na 'yong mga iniisip kong 'yon.

Anyway, wedding anniversary ngayon nina Papa kaya heto at nakaharap ako sa salamin. Hindi lang ako makapaniwalang ang ganda ko pag inayusan—chareeeng!

Ako parin naman 'to, si Kaye Dreamellaine na tatanga-tanga.

Feeling ko tuloy debut ko. Paano ba naman, 'tong suot kong gown, ang bongga. Medyo kinulot din 'yong buhok ko at nilagyan ng kaunting make-up ang mukha nang magmukha naman akong buhay—chareng ulit! Siyempre kahit wala akong make-up I'm so pretty kaya hehe last ko na 'tong joke.

Napatingin naman ako sa phone ko nang mag-ring 'yon. Kinuha ko naman at sinagot 'yong tawag.

"Mel, labas ka na. Nasa sala na ako."

Napangiti naman ako. Buti nalang at pumayag si Waden dahil kung hindi, baka sa kung sinong kapitbahay ako nagyaya. Ayawan daw ba ako ng plastik na 'yon? Seriously? Para lang sa gitara?

And speaking of that plastik, hindi ko pa siya nakikita simula kaninang umaga. Hmp! Sino kaya 'yong kasama niya ngayon? Pero duh, ano namang pake ko, 'no? Hindi ako interesado.

Nagkasabay kami ni Klerian sa may hagdan at no'ng sinabi kong, "Wow, cutie, ang pretty pretty mo naman!" Napangiti siya at magsasalita na sana pero bigla siyang napatigil, napaiwas ng tingin, at alam ko na kung bakit. Naalala niya sigurong hindi pa kami friends.

Hinayaan ko nalang hanggang sa makarating ako sa sala.

"Taraaay, Guadencio, kahit kailan talaga ang pogi mo. Muntik pa akong ma-inlove sa 'yo," natatawa kong sabi saka hinalikan siya sa pisngi at niyakap siya.

"Maylabs naman, lagi naman akong pogi kaya 'wag ka nang magulat. At saka may pagano'n talaga?" sagot niya saka tinuro 'yong pisngi niyang hinalikan.

Natawa naman ako. "Tinry ko lang namang gawin 'yong ginagawa ni tita Clara pag nagkikita sila ng mga friends niya, ang sosyal tingnan," sagot ko tapos sinira ko 'yong nakaayos niyang buhok.

"Maylabs! Pasaway ka talaga."

Napadaan si ate Kiva at sinabing gusto niya akong makausap sandali kaya pinauna ko na si Waden papuntang balcony ng kuwarto ko.

Dreamaica's NotebookWhere stories live. Discover now